RAFAEL KNOWS THE TRUTH

1014 Words

Walang malay ang dalawa na habang nag-uusap sila ay mga matang nakatitig sa kanila na nagpupuyos ang kalooban. Kakamatay lang ni Rima at heto si Gabriel at may kalandian nang ibang babae. Hindi niya yata iyon matatanggap kahit pa sabihing hindi naman talaga nagmahalan ang mga ito noong nabubuhay pa ang kaibigan. Respeto na lang rin sa mga taong nakakakilala sa namayapa niyang kaibigan. Masama ang loob na nilisan ni Beth ang lugar na iyon, pupuntahan niya ang puntod ng kaibigan at isusumbong niya si Gabriel! Dumaan muna sa flower shop ang dalaga bago nagtungo sa sementeryo kung saan nakalagak ang kaibigan. Bitbit ang isang basket ng bulaklak, tahimik siyang naglakad patungo sa puntod ni Rima ngunit nagulat siya nang makitang may nauna na sa kanya. Isa iyong matabang lalaki at nakaluhod na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD