Maagang bumangon si Lorraine kinabukasan. Balak niyang ipasyal ang ama para hindi ito mabagot. Napapansin niya kasing hindi pa rin ito mapanatag sa lagay ng ina kahit araw-araw naman nilang nakikita na okay ito sa piling ng Brandon na iyon. Ganoon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapakali hangga't isang daang porsyento kang sigurado na okay lang ito. "Itay, nakapagbihis ka na ba? Bilisan mo at dadaan pa tayo kay Inay," aniya. Wala sa loob na lumabas siya ng banyo na nakatapis lang. Laking pagsisisi niya dahil sa pagka carefree dahil bumulaga sa kanya ang nakangiting si Gabriel. What the hell?! Ano ang ginagawa ng mokong na 'to sa apartment nila? "S-sir G-gabriel, ano pong ginagawa mo rito?" kandautal niyang sabi na halos hindi na niya malaman kung paano itatago ang s

