"Dexter?! Ikaw ba 'yan?" namimilog ang mga matang wika ni Mang Ipe nang pagbuksan niya ng gate ang binata. Hapon na iyon at abala siya sa pagluluto ng hapunan nila ni Lorraine nang makarinig siya ng sunod-sunod na doorbell. "Ako nga po, Mang Ipe, kumusta po kayo?" nakangiting sagot ng binata. "Aba'y ayos lang naman ako, ikaw ba kumusta na? Ang tagal nating hindi nagkita!" nakangiting sagot ng matanda. "Oo nga po eh, buti na nga lang at nahanap ko na kayo!" anang binata. Sumilip ito sa loob ng bahay na waring may hinahanap. Napansin ni Ipe ang ginawa ng binata kaya pinapasok niya na lang ito. "Pasok ka, tuloy ka sa aming bahay..." anyaya ng matanda. Napangiti ang binata pagkarinig niyon at nagpatiuna na itong pumasok sa loob. Ini-lock muna ni Ipe ang gate bago sinundan ang binata. Sa bi

