Kahit anong gawin ni Lorraine ay hindi siya dalawin ng antok. Kanina niya pa naiisip ang sinabi sa kanya ng tatay niya. Kung hindi siya nagkakamali ay nagkaroon lang ng problema ang ama nang atakehin sila ng hindi makilalang suspek at pagtangkain siyang halayin. Ilang linggong ininda ng ama ang pananakit ng balikat nito. Paano malalaman ni Dexter ang tungkol sa naging kalagayan ng ama? Walang ibang nakakaalam noon bukod sa kanilang mag-ama at si Gabriel. Hindi kaya si Dexter ang nagtangkang manghalay sa kanya noon? Kaya ba siya nito nilapitan dahil may balak itong masama sa kanya? At ano ang sadya nito sa pagpunta sa kanyang bahay? Ini-stalk ba siya nito kaya alam ang lahat ng detalye sa kanya? Kung ang kababata ang nagtangka sa kanya noon, posibleng may motibo ulit ito sa paglapit sa kan

