Kabanata 2

1274 Words
Padabog na nilisan ni Alistair ang asawa matapos nitong makita kung gaano siya takot sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap, hindi ito ang asawa na kasama lamang niya ilang buwan na ang nakalipas. Mabilis din isinuot ni Alistair ang damit saka niya pinindot ang button na nasa keychain ng susi. Sumindi ang ilaw ng sasakyan kaya mabilis siyang sumakay dito. Ngunit bago pa makaalis si Alistair, napansin niya ang kasambahay na si Rica na nagmamadali patungo sa kanya. "Sir! Sir! Sandali po at may sasabihin ako sayo!" Sabi nito kaya naman pinatay ni Alistair ang makina ng sasakyan at ibinaba ang bintana. "What? Siguraduhin mo na may mapapala ako sa sasabihin mo dahil nasasayang ang oras ko." "Sir, kasi po si Madam Adelaide ay sinusumpong ng asthma!" Taranta nitong sabi kaya naman mabilis pa sa kidlat lumabas si Alistair sa sasakyan at patakbong binalikan ang asawa. "Paanong asthma? Wala pa akong isang minuto simula nang iwan ko siya sa silid namin, tapos asthma?" "Sir, hindi ko rin po alam, bigla na lang po nakita ko si Madam na nahihirapan huminga. Iyak po kasi siya nang iyak," "Damn! Damn that woman!" Tarantang pumasok sa loob ng silid si Alistair at nakita nga niya ang asawa na nahihirapan sa paghinga. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang asawa at saka niya ito niyugyog. "Breathe! f*****g breathe!" Hiyaw pa niya ngunit hindi talaga nakikinig ang asawa sa kanya. Kahit si Rica ay natataranta na rin at hindi alam ang gagawin. Lalo na ng pupungas-pungas na pumasok ang batang si Alisher, ang anak ni Alistair sa kakambal ni Adelaide. "What's happening po, daddy? Why is mommy crying? Is mommy okay?" Tanong ng bata at saka pa lumapit sa ama. "She's not okay, baby. Listen, dadalhin ko si mommy mo sa hospital pero ikaw ay mananatili dito kasama si yaya Rica, okay?" "But, can I go with you po? Gusto ko po makasama si mommy ko." Sabi pa nito ngunit mas lalo lamang lumalala ang paghihirap ni Adelaide sa paghinga. Mas lalong nataranta si Alistair kaya naman bago pa makasagot ang anak niya, buhat na niya ang asawa at saka sinakay sa sasakyan. Isang oras din ang itinagal ng byahe ni Alistair at Adelaide. Sa b****a pa lang ng hospital, nagsisigaw na siya upang unahin ang asawa. "Goddammit! Wala bang doctor dito upang unahin ang asawa ko huh! Kundi niyo uunahin ang asawa ko, ipapasara ko ang letseang hospital na ito!" Malakas niyang sigaw ngunit daanan lamang siya ng isang doctor. Mukhang nasindak naman ang mga ito kaya mabilis na kinuha ang dalaga. Subalit hindi pa nakakadampi ang kamay ng lalaking nurse ng panlisikang tingin ni Alistair ito. "Don't you f*cking dare touch my wife, idiot! Hayaan mo ako mismo ang maglagay sa kanya sa wheelchair!" "S-sorry sir..." Takot naman ang nakakaawa na nurse na lalaki kaya lumayo ito. "Anong nangyari? May nararamdaman ba siyang kakaiba? Bukod sa difficulty in breathing?" Tanong ng babaeng doctor. "I don't know okay? Do your f*cking job! Huwag kang tanong ng tanong sa akin dahil hindi ako doctor!" Bastos na kung bastos ngunit talagang natataranta si Alistair dahil sa walang palyang paghinga ng babae. "F*ck! Huwag ka lang basta tumunganga diyan! Gawin mo ang trabaho mo dahil nahihirapan na ang asawa ko!" "Calm down, mister. Ikaw lang ang nagpapalala sa sitwasyon ng asawa mo dahil sa pagpa-panic mo. Sinusumpong ng panic attack ang asawa mo kaya ganyan siya." Tumigil naman sa pagwawala si Alistair at saka tumingin sa asawa na umiiyak na naman ngayon. Saka muling bumalik ang tingin niya sa babaeng doctor. "What do you mean?" Suminyal pa ang doctor na ipasok na sa ER ang babae. Noong una ay hindi pumayag si Alistair ngunit binawalan siya ng doctora. "Hayaan mong tingnan ko ang asawa mo, Mr. Pero nakikita ko na ngayon palang na ang kailangan ng asawa mo ay psychiatrist at hindi ako." "Anong ibig mong sabihin?" "Your wife was experiencing panic attacks. Takot na takot ang asawa mo at base rin sa nakita ko na may nag-trigger sa kanya. Please, huwag mong biglain ang babae kung maaari." "What's nonsense are you talking about? Ako dapat ang ma-trauma dahil sa kahayupang ginawa ng babaeng iyan. Gawin niyo ang makakaya niyo na ayusin siya bago ko pa ipasara ang walang kwentang hospital niyo." Pagbabanta ni Alistair bago ito lumabas ng opisina ng doctor. Isang palaisipan sa isip ni Alistair kung totoo nga ba na nagpapanic attack ang asawa o isa na naman ito sa drama. Ilang beses na siyang pinaglaruan ng babae sa mga kamay nito. Ilang beses siyang nagmakaawa noon pa man na ayusin ang pakikitungo nito sa kanila ng bata ngunit hindi. Kung ano man ang pinaparamdam niya ngayon ay dahil lamang sa kung ano ang naranasan niya. Siya si Alistair, ang asawa ni Adelaide, at hindi na kailanman mag pabilog ng ulo. Hindi na siya muling maniniwala sa mga drama ng asawa, lalo na kung ang sarili nitong anak ay nagawa niyang saktan. NAALIMPUNGATAN si Adelaide ng maramdaman niya ang malamig na bagay na dumadampi sa kanyang pisngi. Hirap pa siyang buksan ang mga mata ng masilayan niya si Rica. "N-nasaan ako?" Tanong pa niya sa namamaos na boses. May konting kirot din sa kanyang lalamunan dahil siguro sa matinding pag-iyak. "Huwag ka munang bumangon at mahiga ka lang dyan. Sabi ng doctor ay magpahinga ka at pagkatapos ay kumain ka ng masustansya para bumalik ang lakas mo," "N-nasa hospital ako? A-ayoko dito, Rica! Ilabas mo ako rito!" Nagpapanic na sabi ni Adelaide. Ito ang isa sa ayaw niyang mapuntahan, hindi niya kailanman gugustuhin na puntahan. "Pero hindi pwede dahil hindi ka pa magaling," pinigilan pa siya ni Rica na hawakan ang swero niya sa kamay. "Please lang, ilabas mo ako dito dahil ayoko sa ganitong lugar!" "Pero hindi pa pwede dahil magagalit ang doctor!" Tumaas na ang boses ni Rica dahil naging makulit na ang babae. Nagsimula na itong manlaban at haklitin ang swero sa kamay, mabuti na lamang at napigilan ito ni Rica. "H-hindi mo ako maintindihan! Hindi ko gusto ang ganitong lugar! Ilabas mo ako rito!" "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Dito lamang natigil sa pagwawala at pagsigaw si Adelaide ng pumasok sa loob ng hospital ang isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng puting uniporme at may stethoscope sa kanyang dibdib. May hawak din na papel at ballpen. Hindi mo akalain na isa lamang doctor ang nasa harapan nila dahil mukha itong lumabas sa magazine. "Doc, pasensya na po, gusto kasi niyang lumabas na ang kaso. Sabi ni doctora ay kailangan ubusin ang suero niya." "Did you hear that, Mrs? Kailangan mong ubusin ang suero na iyan bago ka magwala diyan at mag-iyak. Please, tandaan mo sana na hindi lamang ikaw ang pasyente." Malamig na sabi ng lalaking doctor kaya naman tumahimik si Adelaide. Isinupil niya ang nagbabadya ng mga luha dahil sa sinabi nito. Lalo na ng tingnan nito ang kondisyon niya. Katulad din ito ng lalaking kumuha sa kanya, nakakatakot at makapangyarihan kahit boses pa lamang. "I'm not him, huwag mo sanang isipin na demonyo ako tulad ng asawa. Wala nang mas idedemonyo sa asawa mo, remember that," ani pa nito. Nagkatinginan pa sila ng doctor at nanghihingi ng tulong ang mata niya ngunit bumaling lamang ito sa lalaki. "Hindi ko akalain na nakapag-asawa ka ng ganito kababang uri ng babae, Alistair." "Shut up, Vladimir, iwanan mo kami ng asawa ko dahil may pag-uusapan kami." Utos ni Alistair. Mas lalong namutla si Adelaide ng tumingin sa kanya ang mga nagbabagang mata nito. "Malandi ka talagang p*ta ka." Ani ni Alistair kaya naman mas lalong nanginig sa takot si Adelaide.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD