Naalimpungatan si Adelaide ng maramdaman niya ang malamig na bagay na dumadampi sa kanyang mukha. Hirap man pinilit niyang buksan ang kanyang mga mata upang tingnan kung sino ito. Ngunit hindi talaga niya magawa dahil nahihirapan siyang imulat ang mga ito. Dumaing lamang siya ng marmdaman ang malamig na bagay na dumaan sa kanyang leeg pababa sa kanyang masakit na dibdib. "Shhh..." Dinig pa niyang pang-aalo sa kanya kaya muli siyang bumalik sa pagtulog dahil parang hinele siya sa ng boses na iyon. Hindi na nga namalayan ni Adelaide ng muling lumalim ang tulog niya. Samantala, tahimik naman si Alistair na pinagmamasdan ang asawa na dumaing ng padaanin niya ng malamig na bimpo ang dibdib nito. Hindi niya alam ang dapat na maramdaman ng makita ang pasa nito sa kaliwang dibdib. Siya ang may

