Gabriel Hernandez's POV:
Sabado ngayon kaya naman wala akong pasok. Naalimpungatan ako na may maingay sa ibaba. It was like a scream and talks na random.
Napabangon ako kasi ‘di naman aabot dito sa itaas ‘yung ganon kalakas na sigaw.
Dali-dali akong bumaba at nagulat na lang ako nang makita ko mga magulang ko pati Kuya ko na nakaluhod. Tapos, may lalaking nakaupo sa harap nila.
Napapalibutan din ang bahay ng mga kalalakihan. Most of them, kilala kong mga member ng La'Famila.
Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang lahat.
Biglang napunta sa akin ‘yung tingin nung lalaking nakaupo. Gwapo siya, at mukhang bata pa.
Sino siya?
"Please spare us. Magbabayad naman kami. Matatagalan lang talaga," pagmamakaawa ng Papa ko.
Bayad? S-Siya ‘yung anak ng Mafia boss at first lady na namatay?!
Nakatingin lang siya sa akin. Bigla nyang sinenyasan ‘yung mga tauhan niya kaya naman kinuha nila agad ako.
"No!!! Please, ‘wag ang anak ko!!!" sigaw ni Mama.
Pinaluhod din ako nung lalaki katabi nina Mama at nag-uumpisa na akong matakot.
Nanginginig ang mga katawan ko. ‘Yung lalaking nakaupo, may hawak na baril at pinaiikot ikot niya sa daliri nya.
"How sad Mr. Hernandez? Matagal na kayong may utang sa mga magulang ko. Kinamatayan na lang nila at ‘di n’yo pa nababayaran. I want the money or I'll shoot you to death," banta nya.
‘Yung boses niya, maganda. Kaso, alam mong puno ng hatred. Ngayon ko lang siya nakita. Pero alam ko na may anak si Mr. Hernandez na nag-iisang tagapagmana niya.
Ang layo ng ugali niya sa Papa niya.
"No, please. Gagawa kami ng paraan," sabi ng Kuya ko.
"Am I talking to you? Anong paraan? Nalulugi na ang business n’yo so anong paraan ang sinasabi mo?" sabi naman nung lalake.
"Y-You can take this house and my business. Lahat ng pag-aari ko, kunin mo na ‘wag mo lang kaming patayin," pagmamakaawa ng Papa ko.
Naiiyak na ako. Pero sabi sa akin ni Papa, bawal maging mahina.
"Ayoko ng bulok mong bahay. As far as I know baka nga gawa pa ‘to sa krimen. Nakaw? Pagpatay?" sabi niya.
Nagpanting ang tenga ko.
"Hindi ganyan ang mga magulang ko!! Wala kang karapatang sabihan sila ng ganyan!!" sigaw ko.
Napakapit sa braso ko si Mama. At ‘yung, lalake matalim ang tingin sa ‘kin.
"Really? Matapang ka pala? Eh, kung ikaw kaya unahin ko?" sabi niya at tinutok sa akin ‘yung baril.
Napapikit ako.
"Wag, please. ‘Wag ang anak ko. Ako na lang! Ako na lang!" pagmamakaawa ni Mama habang umiiyak.
Hindi ko kaya ‘tong nakikita ko. Ang sakit masyado.
Biglang tumayo ‘yung lalake tapos lumapit sa akin. Umupo siya na ka-level ko.
Hinawakan niya ‘yung mukha ko at sinuring maigi. Para bang may hinahanap siya. Napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda. Maitim na mabilog. He has a button nose. Firm lips na mapula. Ang gwapo niya kaso ang sama naman ng ugali.
Binitawan niya na ako at bumalik siya sa pagkakaupo.
"If you want to pay me. Then pay him to me," sabi niya sabay turo sa akin.
Nanlalaki ang mga mata ko pati nina Mama at Kuya.
"No!" sabi ni Mama.
"What? Make him my slave. Lahat ng ipag-uutos ko, susundin niya. Magiging katulong siya sa bahay ko at pagbabayaran niya lahat ng utang n’yo kapalit ng buhay n’yo," sabi niya at ngumisi siya.
"Now, choose. Siya na magiging alila ko o kayong lahat na sasabog at kakalat ang mga utak dito?" tanong niya na maawtoridad.
"Patayin mo na lang kami kesa pahirapan mo kapatid ko," matigas na sabi ni Kuya.
"Okay, sabi mo, eh," sabi nung lalaki. "Unahin na kita tutal ikaw ang nag suggest." Sabi pa niya at tumayo saka itinutok ‘yung baril sa ulo ng Kuya ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ako na lang ang pag-asa. Ako na lang ang pwedeng solusyon.
"Wag!!! Sasama ako," medyo pabulong kong sabi sa huling mga salitang sinabi ko.
Gulat na napatingin sa akin sina Mama at tila ba hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko.
"What?!! No, no, no, anak!! Hindi ako papayag!" sabi ni Mama.
"No, Gab. Hindi ka nga namin pinapahirapan at pinagagawa ng mabibigat na gawain dito sa bahay tapos magpapaalila ka?" sabi naman ni Papa.
"Wag, bunso. Okay lang na mamatay kami kaysa alilain ka ng gago na ‘to," sabi naman ni Kuya.
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Pero, I need to do this.
"Ma, Pa, Kuya. Please. Hayaan n’yo na ako. Kaya ko naman po. Saka one year na pagiging alila, okay naman na ‘yon, ‘di ba? Bayad na tayo no’n," maluha-luha kong sabi. Napatingin ako kay Kuya.
"Graduating ka na this year. ‘Wag mong sayangin, Kuya. Makakapag-aral ka pa. Ako? Pwede naman akong tumigil muna," sabi ko pa.
"No," bulong nila.
"Please. Hayaan n’yo namang may gawin ako," pagmamakaawa ko. Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. Kung ito lang ang solusyon, gagawin ko. Para sa pamilya ko.
"Nice. So, deal na ba ‘yan, Mr. Hernandez?" tanong nung lalake sa Papa ko nang nakangisi.
Sinenyasan niya ‘yung mga tauhan niya na lumapit sa akin.
Tumayo na ako at tuluyang nagpakuha sa mga tauhan nya. Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Mama.
Kung ito lang naman ang magiging solusyon, magsasakripisyo ako para sa kanila.
Isinakay ako sa van at narinig ko pa ang pagsigaw ni Mama at Kuya pero hinarang sila ng mga tauhan nung lalake.
Tahimik lang ako. Wala din namang kumakausap sa akin. Hindi din ako nagpumiglas. Pero parang may bumalot sa loob ko na sana ‘di na lang ako pumayag. Pero wala nang atrasan ito. Nandito na, eh.
Nakarating kami sa isang malaki at magandang bahay. Kung susukatin ang laki nito, limang bahay ang katumbas.
Parang isang malaking hotel sa isang resort ang datingan. Maganda.
Dinala na ako ng mga tauhan nung lalaki papasok sa loob. At nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakadekwatro.
"Luhod." ‘Yun lang ang sinabi niya nang makalapit ako sa kanya. Kaya naman lumuhod ako agad.
"Pinahanda ko itong kontrata sa sekretarya ko para naman may kasunduan tayo. Isang taong pagpapaalila sa akin kapalit ng buhay ng pamilya mo. Bawal kang humindi sa lahat ng sasabihin ko. Dahil kada isang hindi mo, isang buhay ang kapalit. It's a yes or no. Pipirmahan mo o hindi, it's up to you. But you know the consequences," sabi niya.
Napatingin ako do’n sa kontratang hawak niya. Hinablot ko agad pati ‘yung ballpen saka ko pinirmahan.
"Mabilis ka naman palang kausap," sabi niya at ngumisi.
"Aling Inday, pakisamahan naman itong bagong katulong sa quarters sa ibaba," sabi nung lalaki.
May hindi katandaang babae ang lumapit sakin at inalalayan akong tumayo.
"Halika iha at sasamahan kita sa kwarto mo," sabi niya.
Sumama na lang ako. Dinala ako ni Nanay Inday sa quarters ng mga katulong pero nagulat ako dahil isang tambakan ng mga gamit na ‘di na ginagamit ang pinagdalhan sakin. In short, bodega.
"Pasensya ka na, iha, ha? Hindi naman ganun ‘yon si Jake. Nagbago lang talaga simula nang mamatay ang Mama at Papa niya," sabi nung matanda.
Ngumiti naman ako.
"Okay lang po. Pwede po bang nanay na lang ang itawag ko sa inyo? Saka po h-hindi po ako babae," nahihiya kong sabi.
"Ay, jusko! Pasensya kana. Ang ganda-ganda mo kasi kaya akala ko babae ka," sabi niya.
"Okay lang po, ‘Nay," sabi ko naman.
"Esya, halika pasok ka. Tutulungan na lang kitang linisin to. Malaki-laki naman ‘tong space, tapos lagyan na lang din natin ng kama. Teka, nasaan ang mga damit mo?" nagtatakang tanong niya.
"Um... ‘Di ko po nadala kasi biglaan po," sabi ko naman.
"Ay naku, buti na lang at may mga damit sa itaas na mga ‘di pa nagagamit, mga nabibiling maliliit na size. Marami-rami din ‘yon. Ibababa ko na lang dito, ha?" sabi ni Manang.
"Salamat po, ‘Nay," sabi ko at ngumiti nang tipid.
Nag-umpisa na akong linisin ‘yung kwarto. Si Nanay Inday naman ay umalis saglit at kukuhain niya raw ‘yung mga damit at kutson pati unan na malilinis sa itaas.
Maayos naman itong kwarto. Maaliwalas at ‘di naman ganun kaalikabok. Buti at marunong akong maglinis. Kahit na spoiled ako kay Mama hinahayaan naman nila akong gumawa ng gawaing bahay.
Pagkatapos kong itabi lahat sa isang sulok ‘yung mga box at ibang gamit eh nagwalis na ako at nagpunas. May banyo rin pala dito at ayos na sakin.
Binaba na nga ni Nanay Inday ‘yung mga gamit. May kasama siyang isa pang kasambahay.
"Hi, ako nga pala si Jancy," sabi nung maliit na babae at mukha pang bata. "Anak ako ni Nanay Inday," dagdag pa niya at inabot sa akin ‘yung kamay niya.
"Ay, madumi ang kamay ko, pasensya na," sabi ko.
Pero she insists at kinuha niya pa rin ‘yung kamay ko at kinamayan ako.
"Sanay na ako. Naglilinis nga ako ng inidoro," natatawa nyang sabi kaya napangiti ako.
"Gabriel nga pala," sabi ko.
"Ay, naku, Jancy! Tumulong ka na lang para makapahinga pa muna si Gabriel," biglang sabat ni Nanay Inday. kaya naman tulong-tulong na kami at natapos agad.
Nagpaalam na sa akin ‘yung dalawa para daw makapagpahinga pa ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko.
"Isang taon lang, Gab. Isang taon lang," bulong ko sa sarili ko.
Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Walter. ‘Di ko man lang nadala ang cellphone ko. Nakakalungkot naman.
‘Di ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pagod.
Naalimpungatan ako na may kumakatok nang malakas sa pintuan ko.
"Hoy, hindi kita pinapunta dito para matulog lang!" singhal niya sakin pagbukas ko ng pintuan.
Nagulat naman ako. Ano nga ulit pangalan nito? Ah, Jake nga pala.
"P-Pasensya na napagod kasi a--." Hindi ko na natuloy ‘yung sasabihin ko nang bigla nyang putulin.
"Wala akong pakialam. Ayoko sa lahat ‘yung tatamad-tamad. Umakyat ka sa taas at linisin mo ‘yung kusina at isunod mo na agad ‘yung mga kwarto," sabi niya saka umalis.
Naiiyak na ako. Ngayon ko lang ‘to naranasan. Pero kailangan kong maging matatag.
Gaya ng utos niya, umakyat ako sa taas. Nakita kong wala sina Nanay Inday at Jancy doon. Naglinis lang ako. Sumunod naman ‘yung anim na kwarto.
Hatinggabi na nang matapos ako at halos sumuko na ang katawan ko sa pagod.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa guest room na nililinis ko.
Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko.
"Gab. Gabriel."
Pagmulat ko, Nakita ko si Jancy.
"Hinahanap ka namin. Akala namin saan ka na napunta. Umaga na, hinahanap ka ni Sir Jake." Wala pa ako sa ulirat na nakatitig sa kanya.
"Si Sir Jake ‘yon. Bilisan mo na," sabi niya.
Kaya naman dali dali akong bumaba at nakita ko si Jake na nagkakape sa kusina.
"Wow. Akala ko katulong ka? Ba’t kung umasta ka parang bisita lang?" mataray na pagkakasabi niya.
"S-Sorry po," bulong ko.
Bigla niyang tinapon ‘yung kape sa sahig.
"Oops. Sorry. Makikipunasan at pagtimpla mo ko ng bago," sabi niya.
Kaya agad kong sinunod.
Pagkatapos kong magtimpla ay inabot ko sa kanya. Nagulat ako nang itapon niya ulit.
"Ay, sorry nadulas," sabi niya.
"Makikitimpla ulit," sabi niya pa. Kaya inuna kong itimpla siya ng kape.
Laking-gulat ko na habang nagpupunas ng sahig ay tinapon niya ‘yung kapeng mainit at sa braso ko lahat pumatak.
"Aaaaaah!!!!!! Aray!!! Aray!!!!" sigaw ko na mangiyak-ngiyak.
Nakita kong nagtatakbo sila Nanay Inday at Jancy sa kusina.
"Anong nangyari?! Ay jusko mahabagin! Gabriel anong nangyari sa ‘yo?!" natatarantang tanong ni Nanay Inday.
"N-Natapon po ‘yung kape. N-nasagi ko po," sabi ko na umiiyak. Ang hapdi.
Agad akong inalalayan nila Nanay Inday at ginamot.
Hanggang kelan ko kaya dadanasin to?
***
Jake Fuentabella's POV:
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa kay Gabriel kanina. Hindi ko naman sinasadyang maitapon sa kanya ‘yung kape.
Nawala ako sa pag-iisip nang biglang pumasok ‘yung isa kong tauhan.
"Sir, may nakapagbigay sa ‘min ng lead ng isang inutusan na isabotahe ‘yung eroplano ng Papa n’yo. Dito po ang location, Sir," sabi niya at inabot sa akin ang isang printed na papel.
Nasa Gyeongju siya at ang family name niya ay Park. Korean business partner ni Papa ang isang ito.
"Eto naman po ‘yung litrato niya, Sir," sabi pa niya.
Nakita ko ang isang lalaking nasa mid-30's ang edad. Ngayon ko lang siya nakita kaya alam kong hindi siya parte ng La'Familia.
"Ihanda mo ang ibang mga tauhan. Hunting-in n’yo ‘tong gagong ‘to at dalhin sa ‘kin," sabi ko.
Nag-bow naman siya at dali-daling lumabas.
Tinignan ko ulit ‘yung picture.
Papahirapan kita hanggang sa umamin ka kung sinong pumatay sa mga magulang ko.
Ilang oras lang ang hinintay ko at nakita kong dumating na ang inutusan ko.
"Sir. Nasa headquarters na siya," sabi niya.
Agad naman akong tumango.
Bago ako lumabas ng bahay nakita ko si Gabriel na nakasilip sa hallway papunta sa baba.
Hindi ko na lang muna pinansin.
Pumunta na kami sa headquarters at naririnig ko na ang pagsigaw nung nasabing lalake.
Tino-torture na ng mga tauhan ko.
"Stop. Ako na," sabi ko.
Hinawakan ko siya sa buhok at iniharap ko sa akin ang mukha nya.
"Henry Park," sabi ko habang nakatitig sa mukha nya.
"Sinong nag-utos sayong ipapatay mga magulang ko?" sabi ko habang nagtatagis ang mga bagang.
"Wala kang mapupurat sa ‘kin," sabi niya sabay tawa.
(WARNING : VIOLENT SCENES AHEAD ⛔)
Sinenyasan ko ‘yung isa kong tauhan. Nagpainit siya ng kutsilyo at tsaka inabot sa akin.
Unti unti kong pinadaan sa dibdib niya ‘yung mainit na kutsilyo at maririnig mo ang masakit sa tenga niyang pagsigaw.
"Uulitin ko, sinong nag-utos sa ‘yo?!" sabi ko ulit.
Hindi siya umimik. Kaya naman pinaulit ko sa tauhan ko ‘yung pagpapainit sa kutsilyo.
Hanggang sa napuno na ng sugat ang buo niyang katawan pero ‘di pa rin siya nagsasalita.
"Napaka loyal mo naman sa amo mo. Para hindi ka kumanta at isaalang alang mo buhay mo," sabi ko at natawa ako.
"Lagyan n’yo ng asin at sili lahat ng sugat n’ya," utos ko. Kaya naman agad ginawa ng mga tauhan ko.
Sigaw ng sakit at hapdi ang umalingawngaw sa buong headquarters.
"Matibay ka, ha. Mukhang wala tayong mapapala dito, boss. Patayin mo na," sabi ng tauhan ko.
"Pahirapan n’yo pa. Malay n’yo kumanta na," sabi ko pa at naupo ako habang pinapanuod siyang pahirapan ng mga tauhan ko.
"Boss ayaw talaga," sabi nung isa kong tauhan.
Sinenyasan ko syang iabot ‘yung baril ko.
Kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanya.
'BANG!'
Head shot.
"Linisin n’yo na ‘yan. Itapon n’yo na lang, kahit ‘wag n’yo nang ilibing. Tutal, wala namang kwenta ‘yan. Ipakain n’yo sa pating o kaya sa buwaya," sabi ko saka umalis na.
Wala akong napala. Pero ‘di ako titigil.
Pagbalik ng mansion, nakita ko naman si Gabriel na naglilinis.
Kaya ‘yung init ng ulo ko sa kanya ko ibubunton.
"Anong ginagawa mo?" sabi ko.
Halatang nagulat siya.
"S-Sir naglilinis po," nauutal nyang sabi.
"Bakit d’yan lang?! Linisin mo ‘yung pool at hugasan mo lahat ng kotse sa garahe bilisan mo!!!" sigaw ko sa kanya.
Halatang napapitlag siya sa sigaw ko at dali-daling ginawa lahat ng utos ko.
Pumunta na ako sa kwarto ko.
Nai-stress ako sa nangyari ngayong araw hindi pa ko tapos iisa-isahin ko sila.
--
Thanks for reading! Follow me!