Jake Fuentabella's POV:
Pinipilit ako ng mga magulang ko na i-handle ang mga business namin kaya napilitan akong mag-take ng course about business.
They even got me a training para daw kung sakaling mawala sila sa mundo, ako na ang magha-handle ng La'Familia.
Batak ako sa training. Hawak ng baril. Hawak ng patalim. Martial arts. Boxing. Hawak ng samurai. Halos lahat, alam ko na.
15 years old pa lang ako nung nag-start silang i-train ako.
Siguro, dahil do’n kaya wala akong naging time para bumarkada o manligaw. Lalo na ngayong 21 years old na ko. Ni minsan, wala akong naligawan.
Madaming umaaligid pero hindi ko pinapansin. Lagi nga akong nababansagang cold hearted guy at suplado. Hindi nila alam, wala akong panahon sa pakikipaglandian.
Seryoso lang ako sa buhay. Napapadalas lang talaga ang labas ko ‘pag nandiyan ang mga pinsan/kaibigan ko. Sina Kuya Zion, Kuya Jackson at Kuya Kristoff.
I grew up with them. Just only with them. Para ko na silang mga nakakatandang kapatid.
I remember si Kuya Jackson 4 years old lang nung pinanganak ako. Si Kuya Zion naman 3 years old, tapos si Kuya Kristoff naman 1 year old.
Pinsan ko silang tatlo. Kapatid ng Papa ko ang Papa ni Kuya Jackson at pinsan naman ng Papa ko ang Mama ni Kuya Zion. At ang Papa ni Kuya Kristoff, kapatid ng Mama ko.
‘Yung mga magulang nila is also a part of La'Familia.
I was working out nang bigla akong tinawag nila Papa.
"Jake, halika," sabi ni Papa.
Lumapit naman ako sa kanya habang nakangiti. Mukhang aalis sila dahil bihis na bihis ang parents ko.
"Yes po, Pa?"
"Aalis muna kami ng Mama mo. We're going to Canada. I know you can handle yourself, anak. Siguro mga one month bago kami makauwi. Naibilin na din kita sa mga pinsan mo. Baka dito muna sila mag-stay while nasa ibang bansa kami," sabi ni Papa.
I smiled a little.
"Papa, hindi na po ako bata," sabi ko.
"Ay naku, Baby ka namin ‘no? Basta mag-iingat ka dito. Tawagan mo kami ‘pag may problema, ha? Nandyan naman mga tauhan ni Papa mo. May bantay ka," sabi naman ni Mama.
Si Papa, boss ng La'Familia. Si Mama naman ang first lady. Madaming member ang La'Familia pero may mga kanya-kanyang ranking.
Kung baga, bukod kay Papa may under siya na mataas ang rank. Tapos may under pa ‘yung mga nasa under ni Papa.
Handle ng groups. Pero ‘di sila mahigpit. Depende na lang talaga ‘pag may inagrabyadong member.
Nagpaalam na sila sa akin at hinalikan naman ako ni Mama sa pisngi. Si Papa naman ay niyakap ako.
Nagpatuloy ako sa workout pagkaalis nila.
Pagkatapos ko at nang mapagod na ay nagpahinga na muna ako.
Hindi ko namalayan na napahaba ang tulog ko. Naalimpungatan na lang ako nang may kumakatok sa pinto ko.
Pagtingin ko sa orasan 7PM na. Tatlong oras na pala akong tulog.
Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ‘yung tatlo. Pero ipinagtataka ko, ang gloomy nila.
At parang pugto mga mata nila?
"Anong nangyari? Bakit mukhang may pinaglalamayan kayo?" biro ko pa.
"Jake..." malungkot na sabi ni Kuya Kristoff at inabot sa akin ang phone niya.
Nagtataka naman akong tiningnan ito.
Ganoon na lang ‘yung gulat ko nang mabasa ko ang nakasulat.
BREAKING NEWS:
Isang pribadong eroplano ang namataang bumagsak sa kabundukan sa Canada na nasabing paglalapagan nito. Sumabog sa himpapawid ang naturang pribadong eroplano bago bumagsak sa lupa. Limang katao kasama ang piloto ang naitalang patay. At napag-alamang ang sikat na business personnel ng Korea na sina Mr. and Mrs. Fuentabella ang dalawa sa sakay ng naturang eroplano.
Halos hindi ko na mabasa pa ‘yung mga sumunod dahil tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
Hindi pwede.
Hindi pa patay sina Mama at Papa.
Baka mali lang sila.
"Jake," sabi ni Kuya Zion at hinawakan ako sa braso. "Sorry," bulong niya.
"H-Hindi," sabi ko.
Nag-umpisa nang bumigat ang pakiramdam ko.
"Hindi! Hindi pa sila patay! Hindi!" sigaw ko.
Nag-umpisa na akong humagulgol ng iyak. Niyakap ako ni Kuya.
"Jake, tahan na."
"Jake, kumalma ka lang."
Halos wala na kong marinig. Nakita ko na lang na inaalalayan nila ako pababa sa salas.
Biglang pumasok ‘yung ibang member ng La'Familia. Mga tauhan ni Papa.
"Mga sir, nakatanggap kami ng report. ‘Yung plane crash daw po ay planado."
Napatingin ako sa nagsalita. Parang umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa narinig ko.
Napatayo ako at nakwelyuhan ko siya.
"Sino?! Sinong may gawa nito sa mga magulang ko? Sino?!" sigaw ko sa kanya.
Biglang may humawak sa balikat ko.
"Jake!!! Tama na sabi!!!"
Napabitaw ako. Napahilamos sa mukha. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Bakit?
Bakit kinuha agad sa akin sina Mama at Papa?
Hindi ako papayag hanggat hindi ko nalalaman kung sinong may kagagawan nito.
Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti.
Naibalik agad ng bansa ang labi ng mga magulang ko at diretso cremation na dahil sunog na rin ang buong katawan nila.
Halos manlumo ako.
Buo sila nang umalis, abo na lang sila nang umuwi.
Hindi ko matanggap. Namumuo ang galit sa puso ko. Lahat ng galit at poot ay nandito.
Magbabayad sila.
Hindi ko pinatagal ang burol nina Mama at Papa dahil gusto kong ako mismo ang makatuklas kung sino ang nagpapatay sa kanila.
Sa araw ng libing nila, nandito ang lahat ng member ng La'Familia pati na rin ang mga pamilya nila.
Isa-isa ko silang tiningnan.
Alam ko.
Alam kong isa lang sa inyo ang pumatay sa mga magulang ko at magbabayad ka kung sino ka man.
Matapos ang libing, halos araw-araw pa rin akong umiiyak.
Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na wala sila. Wala si Mama na magluluto para sa akin. Si Papa na istrikto sa training ko. Kulang na kulang ako.
Uumpisahan ko na ang pagpapahirap sa mga taong nasa likod ng pagpatay sa kanila.
Bago pa man ako ideklarang bagong leader/boss ng La'Familia ay aalamin ko lahat ng may atraso sa magulang ko.
Pinakuha ko lahat ng records ng mga may atraso kina Papa. Mula sa mga utang at pisikal na atraso.
Unang napuna ko ay ang pangalan nina Mr. and Mrs. Hernandez. Halos kalahating bilyon ang utang nila. Si Mr. Hernandez ang kanang kamay ng Papa ko.
Sisingilin ko sila, pera man yan o buhay. Wala akong puso. Wala akong awa. Mag-uumpisa na akong magpahirap dahil ‘yon din naman ang ginawa nila sa ‘kin.
Humanda lang ‘yung mga taong gumawa nito sa magulang ko. Magbabayad sila at papahirapan ko sila.
---
Thanks for reading! Please keep on supporting me. Follow me and share my stories!