"Ms. Lorraine, stop running around!" saway ni Mrs. Ramos sa 8 years old na batang tumatakbo pababa sa hagdanan. Gusto na niya itong bihisan dahil malapit ng magsimula ang selebrasyon na gaganapin sa harden. Wedding Anniversary ngayon ng mag-asawang Javier kaya maraming bisita ang dadalo mamaya. At heto nga ang nag-iisa nilang anak, pauli-uli sa taas hanggang sa maisipan ng bumaba sa hagdanan. "Ms. Lorraine, wala ka pang ayos. Hali ka nga rito." Hinabol niya ito pababa ng hagdan. Busy ang lahat pauli-uli sa kusina at garden. Samantalang siya ay naghahabol sa makulit na bata. Nagpaikot-ikot na ito sa center table at sofa. Bumuntonghininga si Mrs. Ramos, likas na makulit at masayahin talaga si Lorraine at ewan niya ba kung bakit ngayon mas lalong umandar ang kakulitan nito. Nameywang

