Hindi alam ni Lorraine kung anong oras tatagpuin si Nate dahil wala namang sinabi sa sulat nito. Dumaan muna siya sa kitchen para mag-dinner dahil nakaramdam na siya ng gutom. Pagdating niya ay halos patapos na ang lahat sa pagkain. Ang iba naman ay nagmamadali dahil may client pang naghihintay. "Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray na tanong ng matandang babae na nangangasiwa sa kusina. "Kakain?" aniya sa hindi siguradong boses. Nainis siya dahil obvious naman na kakain siya. Kailangan pa bang tanungin? Umismid ito. "Utos ni boss na huwag kang pakakainin kaya bumalik ka na sa kwarto mo!" The nerve of this man! Akma siyang kukuha ng tinapay na nasa lamesa ngunit tinampal ng matanda ang kamay niya. Napangiwi naman siya. "Akyat na!" Bumuntonghininga siya at walang nagawa kung hindi

