Walang imik si Lorraine na nakatitig lang sa pagkaing nasa harapan niya. She wanted to order vegetables salad but Esteban chose what she eats. Nasa isang exclusive restaurant sila para mag-lunch. Nasa loob lang naman ng mall ang restaurant kaya hindi na rin mahirap sa kanila ang mag-shopping ulit pagkatapos mag-lunch. Magkaharap silang dalawa sa mesa at si Alonzo naman ay nasa kabilang side nito nakaupo. Wala pa siyang ganang kumain ng karne dahil naalala niya si Hope. Pakiramdam niya masusuka na naman siya. "You need to eat meat because you lost too much weight," saad nito. As if naman may pakialam ito sa well-being niya, naiinis niyang turan sa isipan. "Palagay ko hindi gusto ni Lorraine ang roast beef sandwich at grilled beef steak," komento ni Alonzo. Napatingin siya rito, ngu

