Sinubukan niyang igalaw ang magkabilaang kamay ngunit mahigpit siyang hawak ng mga tauhan ni Cedric. Ang lapad na ng pagkakangisi nito lalo na't tapos na sa ginagawa. Niyuko pa siya nito at proud na ipinakita ang nakasulat sa dulo ng iron rod na may bilog na kasing laki ng limang peso'ng barya. At nakasulat lang naman ang initial name nito na C.R. Shit! Mangangamoy comfort room pa ang balat niya. At kung ito ang itatakip sa tattoo niya sa likod baka hindi pa ito tapos ay mahimatay na siya sa sobrang sakit. Mapaso pa nga lang sa mainit na tubig ay masakit na. How much more kung bakal na ang ididikit sa katawan mo. "Are you ready?" masuyong tanong nito. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim para paghandaan na lumapat sa balat ang bagay na hawak nito.

