"Bitiwan ninyo ako!" Halos maglabasan na ang mga ugat sa leeg ni Lorraine dahil sa kasisigaw niya. Inubos niya na rin ang lakas para lang makawala sa dalawang lalaking kumaladkad sa kaniya papunta sa basement. "No... No!" malakas niyang sigaw nang makita ang bakal na pinto papasok sa madilim na basement. She felt nostalgic, but this time was scarier than the last time she was inside of it. Magkaiba nga lang na basement ang papasukan niya ngayon kaya mas nakakatakot. Sumulasok kaagad ang masangsang na amoy sa ilong niya pagkapasok sa loob. Nasuka siya pero walang lumalabas sa bibig niya. At basta na lang siya itinulak ng mga tauhan ni Cedric kaya napasubsob siya sa sementong sahig. Umingit ang bakal na pinto dahil isinara na ng mga ito. Sumigaw siya ulit dahil wala siyang nakikitan

