Kanina pa nakatayo si Lorraine sa harapan ng salamin. Nakatalikod siya at pinipilit na tingnan ang pangalang nakaukit sa likod ng balikat niya. Bumabangon ang poot at galit niya kay Esteban pero kapag sumagi sa isipan ang ginawa nila no'ng araw na 'yon ay pinagpapawisan siya. Natatabunan ng pagnanasa kung anuman ang galit na naramdaman niya nang araw na 'yon. Bumuntonghininga siya. Buti na lang pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na sila nagkita pa dahil naging busy ito. Siya naman ay walang ginawa kundi magpahinga at kino-kondisyon ang utak para gumana nang maayos dahil mukhang hindi na niya nagagamit kapag napapalapit siya kay Esteban. Nahaplos niya rin ang leeg dahil naninibago siya. Wala na siyang suot na collar. Matagal ng tinanggal ni Esteban. Ibig bang sabihin nito ay hindi na s

