Huling handog ng La Costa para sa iyo Binibini. Sabay na iniabot ang isang bote na may lamang alak
Naaalala ko ....
Hindi ako nagdalawang-isip. Binigay ko ang lahat—oras, lakas, tiwala, pati buong puso ko—para sa'yo. Lahat ng meron ako, isinugal ko. Hindi ko inisip ang sarili ko, basta maabot mo lang ang mga pangarap mo. Ganoon kita kamahal. Kahit pamilya ko, sinuway ko, binalewala ko ang mga paalala nila, dahil naniwala ako sa'yo. Naniwala ako na ikaw ang tama. Na ang kapangyarihan at pera na hinahangad mo ay may saysay… dahil para sa ating dalawa iyon. Pero ngayon, na nakamtan mo na ang lahat, nasaan na ako sa buhay mo?
Kapag napatunayan ko na sarili ko sa La Costa, lahat ng ari-arian ng pamilya ko ay mapapasayo, hihaharap kita sa altar saksi ang buong angkan ng La Costa at ikaw ang magiging bagong reyna. Mamahalin kita, poprotektahan at aalagaan kita hangga't ako'y nabubuhay. Mga matatamis na salita na mula kay Miguel
Mula ng ikinasal tayo unti-unting nagbago pakikitungo mo sakin. Saksi ang malamig at madilim na gabi sa aking pag-iisa at pananabik sa iyong presensya. Pusong naging manhid na sa paulit-ulit mong pagtataksil. Lahat inilihim, kinimkim ko dahil naniwala akong magbabago ka na babalik muli ang Miguel na nakilala ko. Upang ganap na tuluyan akong mawala sa buhay mo pinalitan mo ng pagkapoot ,pagkamuhi at hinagpis ang pagmamahal ko sayo. Hindi naging sapat ang pagdurusa at paghihirap ko at pati pamilya ko ay walang habag na nadamay sa bangungot na dulot mo. Patuloy sa pagragasa ng luha habang nanginginig na nilagok ko ang alak na nasa bote na binigay saakin ni Capo.
-
Kung muling mabubuksan ang pahina ng ating kwento, ang tinta nito'y magiging dugo ng aking paghihiganti.
Miss Issa Miss Issa.... sigaw ni Sally
Nakadungaw at tulalang pinagmamasdan ang mga puno at halaman na matatanaw mula sa bintana ng kuwarto ko.
Marahil ang kapalaran ko ay parang isang bulaklak. Habang tutok na pinapanood ang magandang view sa kanyang bintana.-
Still, priority ko dapat ang kaligtasan ng pamilya ko ngayon kahit na ang puso ko ay sumisigaw ng katarungan. I am fully aware this will be not easy; I have to be careful and avoid making mistakes or else worse will happen.
Miss Issa... sabay hawak sa balikat ko itong si Sally. Bigla akong natauhan at nakangiting humarap kay Sally...
Nakahanda na ang almusal sa hapag Miss Issa. Tara na po at sabayan sina Don Luncio at Donya Clarissa. Tutulungan ko na ho kayong magpalit ng inyong suot.
Pinagsaluhan ng pamilyang Mariano ang almusal sa hapagkainan.
How are you, Iha? Do you like it here? Napakasariwa ng hangin, and I know it will help you a lot to chill and relax and besides, pinaayos ko yung garden because I know you like flowers. You love being with nature., Saad ni Donya Clarissa bakas sa mukha ng Donya ang pagkasabik at sobrang galak sa pagdating ng kanilang anak na matagal na nawalay sakanila. Pinili ng mag-asawa na malayo sa anak sa kadahilanan na takot itong may mangyare hindi Maganda at mas gusto nilang mamulat si Issa sa mundong malayo sa gulo at kapahamakan.
Thank you, Mom. I appreciate that. Sabay ngiti si Issa
Anak, tell me the truth. Why did you go back? I mean, me and your mom we're happy because you are here with us, di mo saakin maiaalis na mag alala for your safety. I'm just worried. Turan ni Don Luncio ang ama ni Issa.
Daddy, no other agenda, it's just I want to do something here and besides you don't need to worry about me I can take care of myself tsaka andyan naman si Sally. All my life, you protected me, and I am grateful for that. So please no worries walang mangyayare saakin okay? I won't make both of you worried because of me, okay? I’m a big girl na.
But still, I'll hire more guards just to be sure. I won't let anything happen to you, anak. Hinding-hindi.
Daddy, I think you are being too much na. No need for that. Sally is enough to accompany me anywhere.
Luncio, Issa has a point. She is not a child anymore; let her do what she wants. I get your point, and I am also worried lalo't enemies are everywhere. The world we live in is so uncertain that we cannot just sit and relax, and I don't want Issa to live a life like that. I know you won't let anyone or anything harm her.
Alright. I'm being dominated again. But please be careful anak hindi ko alam anong mangyayare if anything happens to you.
Of course, Dad. Thank you for considering and for understanding. I love you!
How about me?You too, Mom, I love you! Kakampi talaga kita. Of course. You can always count me in.
-
Mahinang kumatok si Sally sa pinto ng kuwarto ni Issa upang ilagay ang mga natuping damit ng kanyang amo. Hindi ito narinig ni Issa dahil sa tutok na tutok ito sa kanyang laptop. Ng matapos na si Sally sa kanyang ginagawa muling Nakita nito na hindi nagbago ang posisyon ni Issa kung kaya’t napagpasyahan niya na kunin ang atensyon nito.
Ang pogi niyan Miss Issa sa personal jusko parang anghel na bumaba mula sa langit. Matangos ang ilong at matangkad lahat na atang makakakita sa kanya talaga namang maaamaze. Gulat na lumingon si Issa sa likuran nito.
Ano ba naman yan Sally. Halos humiwalay kaluluwa ko sayo. Wag ka ngang nanggugulat. Aatakihin ako sa’yo.
Sorry po Miss Issa. Hindi ko sinasadya akala ko ho kasi alam mo na andito ako. Pero alam mo Miss Issa napakapogi po nyan sabay turo sa screen ng laptop ni Issa. As in super pogi. Ganda magiging lahi pag yan talaga napangasawa mo bukod sa napakamayaman na, pogi pa. Super na bless ni Lord. Sana all nalang diba. Alam mo Miss Issa bagay kayo kasi maganda ka tapos diba mayaman din kayo di ka lang basta basta. Mukhang compatible kayo Miss Issa.
Napabugtong-hininga nalang si Issa sa kadaldalan ni Sally. Mabait, maaasahan at mukhang mapagkakatiwalaan naman itong si Sally. Bukod sa magaling itong sumagap ng chismis taglay neto ang natural na aura sa pakikitungo sa ibang tao. Sadyang matabil nga lang ang dila nitong si Sally. Kung anu-ano sinasabi mo Sally. Tsaka lower your voice baka may makarinig satin kung ano pa sabihin nila okay? At teka paano mo nakilala itong tao na to? sabay turo sa screen ng laptop
Hay naku Miss Issa sinong hindi makakakilala sa pamilyang yan. Gaya ng sinabi ko isa sila sa mga prominenting pamilya dito sa La Costa gaya ng pamilya niyo. The Lord of La Costa. From the family name itself imagine mo yun pamilya nila ang nagtayo ng lugar na ito at sila ang hari. Ganun sila ka impactful not an ordinary family ika nga nila.
Tanging maang-maangan na tango na lamang ang ginawa ko habang nagkukwento si Sally. Bago pa man ako umuwi sa La Costa nagresearch na ako para di na ako mangapa sa mga impormasyon tungkol sa mga La Costa. Lalo’t napag-alaman ko na dito namamalagi ang sina Daddy at Mommy dahil sa may ongoing project ito sa mga La Costa kung kaya’t di ko mawari kung ano ang mararamdaman ko matutuwa ba o magaalala. At dahil kailangan nang isagawa ni Issa ang kanyang mahalagang misyon, nagsimula na siyang magplano kung paano siya makakalapit sa pamilyang La Costa. Alam ni Issa na hindi magiging madali ang paglapit sa kanila. Protektado, maimpluwensya, at mapagmatyag ang pamilyang La Costa. Isang maling hakbang ay maaaring magbunyag ng kanyang tunay na intensyon at ikapahamak niya at ng kanyang pamilya, kaya't kinailangan niyang maging matalino at madiskarte.
Matapos ang ilang araw ng pag-iisip, naisip ni Issa na ang tanging paraan upang maisakatuparan niya ang kanyang layunin ay sa pamamagitan ng pagsama sa proyekto ng kanyang mga magulang—isang malaking development project kung saan nabibilang ang pamilyang La Costa. Alam ni Issa na hindi lang basta-bastang proyekto ito pagkat kapag involve ang mga La Costa tiyak bigatin at malaking proyekto itong hinahawakan ng kanyang magulang.
Buong tapang na nilapitan ni Issa ang kanyang mga magulang at muling kinumbinsi ang mga ito na isali siya sa proyekto. Ipinakita niya ang kanyang kahandaan, kakayahan, at determinasyon. Ipinabatid niya na handa siyang gampanan ang anumang papel, basta't mabigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng proyekto.
Sa kabila ng pag-aalinlangan noong una, napapayag din sa huli ang kanyang mga magulang. Nakita nila ang dedikasyon ni Issa at ang posibleng pakinabang ng kanyang presensya sa proyekto. Higit pa sa inaasahan ang naging resulta—si Issa ang napiling maging project manager ng kanyang sariling ama.
Tagumpay ito para kay Issa. Sa wakas, may konkretong dahilan na siya upang makihalubilo sa pamilya La Costa, at mas mapapalapit siya sa kanyang tunay na layunin. Ngunit sa kanyang tagumpay, dala niya rin ang bigat ng responsibilidad at ang panganib ng misyon na kanyang pinasok.