Chapter1: Ang Pagbabalik sa Mansyon ng La Costa

1487 Words
Naalala mong mahabang panahon ang ginugol mo dito sa mansiyon ng La Costa. May mga matamis, at may mga masakit. Biglang sumagi sa isip mo ang mga araw na binuno mo rito — mga araw na tila walang katapusan, na binalot ng iba't ibang damdamin. May mga sandaling puno ng halakhak, ng saglit na pagkalimot sa pait ng katotohanan. Ngunit higit ang bilang ng mga gabing nilamon ka ng lungkot, ng sakit na pilit mong kinimkim habang ang mundo'y patuloy na umiikot na parang walang pakialam - mga araw na hindi lang basta lumipas kundi iniukit sa bawat sulok ng iyong pagkatao. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hampas ng hangin sa buong katawan mo, ramdam mong unti-unting binubura ng panahon ang mga alaala mo — ngunit nananatili ang bigat sa dibdib. Ang pagdurusa ay naging bahagi na ng iyong araw-araw. At sa gitna ng lahat ng iyon, sa pinakatahimik na gabi ng iyong pananatili rito, doon ka nanumpa: Kung totoo man ang kabilang buhay, kung muling bubuksan ng tadhana ang pinto ng pagkakataon, babalik ka. Hindi upang muling damhin ang hapdi, kundi upang tuparin ang pangakong binitiwan mo — na ikaw ay maghihiganti. Hindi dahil sa poot lamang, kundi dahil sa pangangailangang maibalik ang katarungan na matagal nang ipinagkait sa iyo. Dahil ikaw ay tao noon na punong-puno ng pagmamahal, mapagpatawad at mapag-unawa, ngunit ngayon... isa ka nang anino...isang kaluluwang matagal nang pinatahimik na muling gigising upang singilin ang mga utang ng nakaraan. Matatayog at nagtataasang mga punong pine ang agad na sumalubong kay Issa sa malawak at marangyang mansiyon ng La Costa. Nakabaling ang kanilang matatandang sanga na tila mga matang nagmamasid, tahimik ngunit mapanghusga. Sa bawat hakbang niya, maririnig ang langitngit ng tuyong mga dahon sa ilalim ng kanyang mga paa, habang ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang batok na para bang may ibinubulong. Ang samyo ng dagta at dahon nito ay matapang, parang babala mula sa kalikasan. Sa ilalim ng mga aninong nililikha ng mga punong ito, ang buong paligid ay tila may tinatagong lihim na hindi basta-basta ipinapaalam na nagbigay ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib - mistulang isang lihim na paraiso ang kanyang tinatahak. Mga tore’t pabilyon sa bawat sulok, napapalibutan ng walang katapusang pasilyo’t marangyang bubungan. Bawat lipon, may kanya-kanyang layunin, naglalaban-laban sa gitna ng karangyaan. Hindi maalis ang mga mata sa ganitong karangyaan. Pinakamaharlikang tahanan ng bayan — ang La Costa Mansion. Nagpakawala ng isang malalim at mabigat na buntong-hininga si Issa, parang hangin ng nakaraan na matagal niyang kinimkim sa kaibuturan ng kanyang pagkatao —isang hangin ng dalamhating matagal nang ikinulong, pilit na ibinaon sa limot. Tila mga multo sa dilim, unti-unting bumukas ang pinto ng nakaraan isa-isang bumalik ang mga alaala— mga pangyayaring may bigat, may lalim, hapdi at kirot na bumabaon sa kanyang puso. Ang mansiyong ito - ang minsang naging tahanan ng kanyang mga pangarap, ngayo’y tila kulungang pilit niyang makawala. Bawat pader, bawat haligi, tila nagsasalita—dumudurog muli sa kanyang puso, nagpapaalala ng sugat na hindi pa tuluyang naghihilom. Ang dating init ng mga alaala, ngayo’y apoy na muling sumusunog sa kanyang kaluluwa. Sa katahimikan ng paligid, ramdam ni Issa ang sigaw ng kanyang puso—sigaw na kay tagal nang kinikimkim, sigaw ng isang kaluluwang pagod sa pagtitiis. Ito ang mansiyon ng kanyang nakaraan—hindi na tahanan, kundi isang dambana ng lahat ng kanyang pagdurusa at ng lahat ng iniwang sugat sa kanya. Alam kong hindi ito magiging madali, at oo, alam kong delikado at hindi na ako aatras pa. I’m already decided to do this no one can stop me now. Buo na ang loob ko—handa akong gawin ang lahat—kahit ano pa—para makuha ko ang bagay na matagal ko nang pinapangarap. Miss Issa, andiyan na po Secretary ng La Costa. Pabulong na turan ni Sally Agad na bumalik sa kanyang huwesto si Issa sa bulong ni Sally sa kanya at ngiting sinalubong ang sekretarya ng La Costa. Without further ado I am Secretary Cora of La Costa. Iniabot ang kanang kamay upang makipagkamayan ito kay Issa. Let's get into the business Miss Mariano. Please have a sit. I’ve brought the copies of the project outline for La Costa Homes for today’s discussion. *(sabay abot ng isang makapal na files at flash drive)*.The document provides a detailed overview of the project, broken down into three main sections. The first is the construction plan, which outlines the proposed timeline, key phases of the building, and major milestones. It also addresses site logistics, contractor coordination, and resource planning to ensure smooth execution. Structure and Design – here, you’ll find the architectural concepts, structural plans, and layout designs. It includes materials to be used, sustainability elements, and compliance with all relevant codes and regulations, and estimated budget. This section presents a cost breakdown covering labor, materials, permitting, and contingencies. It also includes projected financial benchmarks to help us stay aligned with both budget expectations and market standards. Manghang napatingin kay Issa. As expected... you're a Mariano. I could tell sa simula pa lang. The way you carry yourself, how you speak, looks very familiar... Pareho kayo ni Don Luncio. Well, what can I say? It runs in the blood. That’s very kind of you to say, Secretary Cora. I’m just doing my best—if any of that reflects where I came from, then I’m grateful. Continue to impress me Miss Mariano at the end of the day we both want this to be successful. You know ayaw na ayaw ng mga La Costa pumapalpak especially sa mga gantong proyekto. I treat this project as if my life depends on it, mistakes have no place here and I expect a lot from you hindi lang dahil you have the capability dahil you are a Mariano - your family is remarkable in the development and construction world - the first class. Thank you for the trust and high expectations Secretary Cora — both mean a lot. I understand the weight this project carries, and I share your commitment to making it a success. Rest assured, I’m all in. You can expect results, not excuses. I know the La Costas have zero tolerance for failure. That kind of mindset is exactly why I have full confidence in you Miss Mariano. The La Costas demand excellence, and I know you're more than capable of delivering it. Let’s move forward with a success in mind. Accept this small gift from the La Costa (sabay iniabot ang isang wine bottle na gawa mismo ng mga La Costa na isa na ngayon sa mga rising Winery sa lugar nila). Kinuha ko ang regalo na binigay saakin ni Secretary Cora kahit na may parte sa puso ko na ayaw kong tumanggap ng kahit na ano mula sa mga La Costa. Hindi ko magawang tanggihan dahil kailangan makuha ko kiliti at tiwala ni Secretary Cora. Agad naman akong inalalayan ni Sally at siya na ang humawak sa wine na hindi nakaligtas sa mapagmasid na mata ni Secreatry Cora. At sino naman itong dalagang kasama mo Miss Mariano? Your assistant? Yes, She's Sally. I hope this is not a problem to you Secretary Cora, Sally is a trusted girl and I need her assistance so whenever I am she's always with me. Not a problem unless she knows her duties and boundaries. Nagpaalam na si Secretary Cora kay Issa dahil kailangan na niyang umalis para umattend sa isa pang mahalagang appointment na nangangailangan ng kanyang personal na presensya. Bago siya tuluyang umalis, nagpasalamat siya kay Issa sa maikling ngunit makabuluhang pag-uusap nila at nangakong makikipag-ugnayan muli sa mga susunod na araw. Nagpakawaala ng malalimna hininga si Sally. Wow! super intense naman itong si Secretary Cora jusko aatakihin ako sa puso. Napakaseryoso sa life. parang bawal ka magjoke or kung hindi sa tingin palang deads kana. Mygad. buti nakasurvive tayo Miss Issa. Shhhh Sally watch your words. Baka may makarinig satin. Lihim na napabugtong hininga rin ako. Hindi na ako madadala sa kaba at sindak dahil alam ko wala pa itong binatbat kapag mismong La Costa na ang kaharap at kausap ko. She's just being professional yun ang trabaho niya okay? So, lets work together Sally. I need your whole cooperation on this are we clear? Nauunawaan ko po Miss Issa. Asahan mo hundred percent. Walang palpak at kokontrolin ko bunganga ko lalo na kapag kaharap natin si Secretary Cora. Hindi ako magiging pabigat sa'yo Miss Issa. Behave and behave. Medyo napanatag ang loob ko sa mga sinabi ni Sally. Nakakatuwa na kaya naman pala nitong maging seryoso marahil nakik ita at nararamdaman neto na bakas saakin na talagang seryoso ako sa project na ito na behind it I have an another agenda at sa ngayon hindi pa puwedeng malaman ni Sally o kahit na sina Daddy at Mommy dahil ayaw ko na mapahamak at madamay sila.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD