Nakangising bumaling sa akin dalawa kong pinsan. I know that kind of look. Alam kong inaasar nila ako ngayon. Labag man sa loob ko, pero kinuha ko ang kare-kare at kinain iyon. I saw the satisfaction in Paulo’s eyes. Hindi na ako tumingin sa dalawang pinsan ko. I focused my attention on my food. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos ay walang naglakas ng loob na magsalita. Kahit ang mga nasa kabilang lamesa na kasama ni Paulo ay tahimik lang ding kumain. Ang isa namang ka-team mate ni Paulo ay panay lang ang sulyap sa akin. I’m not looking at him directly, nakikita ko lang ang kaniyang ginagawa through my peripheral.
“Aren’t you done yet?” walang emosyon na tanong ko kay Claudine. Kanina pa kami tapos ni Raella pero siya, kumakain pa rin. Dinaig pa ang pusa sa bagal at arte nitong kumain.
Paanong hindi babagal, eh panay ang tingin kay Paulo.
“Sinasabi ko sa’yo kapag hindi ka pa natapos kumain sa loob ng sampung minuto, iiwan ka namin dito ni Raella.”
Nang tumingin siya sa akin ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ganoon din ang ginawa sa kaniya ni Raella.
“Pupunta lang akong banyo. Kapag balik ko dapat tapos ka na.” saad ko saka mabilis na tumayo.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Jeez! That girl. Kapag nakakita talaga ng guwapo, bigla-biglang nagbabago ng ugali. Naghugas lang ako ng kamay at chineck ang mukha ko sa salamin. Hindi na ako magre-retouch dahil didiretso na rin naman ako sa opisina ko sa kumpanya maya-maya. May closet ako roon at doon ako palagi nagpapalit ng damit. Hindi ako maarte katulad ng ibang babae na mahilig mag-make up at mag-lipstick. Ang totoo niyan, hindi ako naglalagay ng kahit liptint man lang sa labi ko. My cousins told me that I don’t need to use it though. Natural kasing mapula ang labi ko. Maging ang pisngi ko ay parang may natural blush on. That’s why I don’t wear make-up. But I put sunscreen so I can protect my face from the heat of the sun.
After I wash my hands and check my face. Inilabas ko ang aking mouth spray para hind imaging amoy kare-kare ang bibig ko. Pagkatapos kong masiguradong maayos na ang hitsura ko ay lumabas na rin ako ng CR. I immediately stopped walking when I saw Paulo. Nakasandal ito sa cemented wall at abala sa pagtitipa sa kaniyang phone. He must be chatting with someone online. Nang makita niya ako ay mabilis niyang itinago ang kaniyang phone at umayos sa pagkakatayo. Ako ba ang hinihintay niya kaya siya narito?
“Celestine.”
I automatically roll my eyeballs when I heard him calling me using my second name.
“What?” walang gana kong tanong sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at inilagay sa bulsa ng kaniyang suot na jersey shorts ang kaniyang dalawang kamay.
“I think you should say sorry to Shane.”
Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay marahan akong natawa. A laugh that is full of sarcasm.
“Bakit naman? Ako ba ang may kasalanan sa nangyari?” taas-kilay kong tanong kay Paulo.
He sighed heavily.
“But do you think it’s right na ipahiya mo siya sa harapan ng ibang tao?”
Mas lalo naman akong natawa. He looks so concerned to her. Bakit ba gustong-gusto niya akong mag-sorry sa babaeng iyon?
“Bakit may relasyon ba kayong dalawa? Bakit ka ganyan ka-concerned sa kaniya?”
Bigla namang nagbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.
“Sa tingin mo ba, sa kaniya ako concerned? Come to think of it, Celestine. Hindi naman ako naging concerned sa ibang tao ah.”
Natahimik naman ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. He’s right. He’s never concerned to anyone. Kahit ano pang gawin ng mga tao sa paligid niya wala siyang pakialam. We’re pretty much same. Ang kaso, kapag dating sa akin, kapag may ginawa akong para sa kaniya ay mali, nangingialam siya. Nakakatawa nga eh, dinaig pa niya si Dad noong nabubuhay pa ito. My Dad has never done this to me. Hindi ako pinagbawalan ng ama ko na gawin ang mga bagay na gusto ko. My Mom has taught me to fight when I think I was being mistreated and being used by people.
Kung ano man ang ginawa ko kay Shane, deserve niya ‘yon. She just used me. Ang kapal din talaga ng mukha niyang gamiting pambili ng coffee sa starbucks ang pera na isinampal ko sa dibdib niya.
“I don’t need your concern, Paulo. And I know what I’m doing.”
Napailing-iling siya habang nakatingin sa akin.
“It’ll ruin the name of the company if it gets out. Hindi ba mas mabuti kung habang maaga ay maagapan na?”
“Paulo, I can take care of my own company. So mind your own business at huwag mo na akong pakikialaman ulit. What you did outside the Arena isn’t acceptable too. Dapat hindi ka na dapat humarang. Bakit mo sinalo yung sampal na para sa akin?”
Naihilamos niya ang isang palad sa kaniyang mukha at marahang naglakad palapit sa akin.
“I’m just protecting you.” saad niya.
Walang gana akong umiling.
“No you don’t. Ang sabihin mo, gusto mo lang akong pakialaman sa mga desisyon ko. Stop it. I don’t need it. Sa ginagawa mo, mas lalo lang akong naiinis sa’yo.”
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay naglakad na ako pabalik ng table. Nang makarating ako roon ay nakita kong malinis na ang table at handa na ring umalis ang dalawa kong pinsan.
“Natagalan ka yata.” puna ni Raella.
Instead of answering her ay nginitian ko na lang siya. Nang makarating kami sa parking ay humiwalay na ako sa kanila. May dala kasing sasakyan si Claudine at sa kaniya nakikisakay pansamantala si Raella. Habang ako ay napagdesisyunang mag-taxi na lang patungo ng kumpanya. Kung sa tutuusin ay puwede ko namang tawagan ang personal driver ko pero hindi ko na ginawa. Pagdating ko sa gilid ng high way ay agad akong pumara ng taxi.
“Saan po kayo, Ma’am?” tanong ng driver pagkasakay ko sa backseat.
“Dela Luna Incorporated po.” sagot ko rito.
Tumango naman ang driver. Sumandal ako sa backrest at napabuntong-hininga. Hindi pa man natatapos ang araw, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang magpahinga. Bakit ko ba kasi naisipang pumunta pa roon sa Arena para manuod ng basketball game?
Dapat dumiretso na lang ako sa kumpanya at doon na lang nagreview. Edi may natutunan pa ako. I closed my eyes so I can rest. Ang kaso, pagkapikit ko ay imahe agad ni Paulo ang bumungad sa akin. His face when he was talking to me a while ago. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman siya. I know he’s just trying to protect me and the image of the company my parents’ established. Paulo and I knew each other when we were kids. We used to be playmates and bestfriends. Siya rin ang takbuhan ko noon sa tuwing pinapagalitan ako ni Dad. I know that I grew up very spoiled back then. Gusto ko, lahat ng gusto ko ibinibigay ng magulang ko. But when I became ten years old, nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Dad. She said that I should be responsible with the decisions I’m doing. Noong una ay hindi ko siya maintindihan. Palagi akong umiiyak noon kasi ang akala ko, nagbago na sila at hindi na nila ako mahal. Pero mali ako. Dad was right after all. I should be responsible of all the decisions I made and will be making in the future.
At kung ano man ang nangyari kanina, magiging responsible ako sa kalalabasan noon. Wala akong pakialam kung magreklamo pa si Shane. Haharapin ko siya at sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa sa akin. I know she isn’t nice, but at some point, naisip ko rin na baka wala siyang ulterior motive sa pagbibigay sa akin ng libreng ticket. Pero mali ako. Alam ko namang hindi ako gusto ng mga tao sa NU dahil sa cold aura ko. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko maalis sa isipan ko na baka sakaling may maging kaibigan ako, yung totoong kaibigan na maiintindihan ako. Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit isang kaibigan. Pero wala eh. Yung iba, lumalapit lang sa akin dahil alam nilang may pera ako. Yung iba naman sinasadyang awayin ako because they know what I usually do kapag nagagalit ako. I have this habit to slapped people with money in the face. Nakakatawa hindi ba? But that’s true.
“Nandito na po tayo Ma’am.”
Nang marinig ko ang boses ng driver ay iminulat ko ang aking mga mata. Mabilis akong kumuha ng pambayad sa wallet ko. Nang maiabot ko ang pera sa driver ay bumaba na rin ako agad. Mabilis akong naglakad papasok sa main door ng kumpanya. Nagulat pa ang guwardiya nang makita ako.
“Miss Rachelle.” bati nito sa akin.
Nginitian ko ang guard at dire-diretsong nagtungo sa elevator. Naghintay ako ng limang minuto bago bumukas ang pinto nito. May iilang empleyado ang sakay nito. Nang makita nila ako ay magalang na bumati ang mga ito sa akin. I just gave them a smile before I walk inside the elevator. Pipindutin ko na sana ang close button nang marinig kong humahangos ang isang babae patungong elevator.
“Miss Rachelle.”
Sinamaan ko nang tingin si Julie nang makita siyang nakatayo sa labas ng elevator. Mukhang gulat na gulat ito nang makita ako.
“Ano pang hinihintay mo? Get in.” utos ko sa kaniya.
Tumango naman agad siya at nagmadali sa pagpasok sa loob. Pinindot ko naman agad ang close button ng elevator saka ang floor kung saan kami hihinto.
“What are those papers you’re holding?” kunot-noong tanong ko nang makita siyang hindi magkanda-ugaga sa pagbubuhat nito.
“Ah, mga documents na kailangan po ng pirma niyo.”
Napamaang ako ng tingin sa mga papel na iyon. Ganon kadami? Kaya ko bang pirmahan iyon lahat ngayong araw? Kung kailan pagod ako?
“Akin na yung iba.” saad ko saka lumapit sa kaniya para kunin ang kalahati ng mga papel na buhat niya.
Nahihiya pa siyang ilapit ang mga ito sa akin. Julie is three years older than me. She’s 20 years old. Maganda, sexy at matalino. Hindi siya nakapagtapos sa kursong business management dahil kapos siya sa budget. Hanggang third year college lang ang kaniyang inabot. Kinailangan niya na rin kasing magtrabaho dahil nagkasakit ang kaniyang Ina at wala namang ibang susuporta sa kaniyang pamilya kundi siya. Panganay kasi siya sa kanilang apat na magkakapatid. Maliliit pa ang mga kapatid niya. Ang tatay niya ay tricycle driver at hindi rin naman gano’n kalaki ang sahod nito sa pamamasada. Minsan pag sinuwerte ay makaka-200 pero minsan ay wala talaga.
When I saw Julie during the secretarial interview, I knew that she’s the one I’ve been looking for. And I was right that I chose her. She’s too dedicated in her job at higit sa lahat, napaka-loyal din niyang secretary.
“Miss Rachelle. Puwede niyo po kayang unahin muna ang payroll?” marahang tanong nito sa akin. Hawak nito ang isang long folder na sure akong listahan ng mga empleyado at kung ilan ang sasahurin ng mga ito ang laman.
Tumango naman ako at kinuha iyon sa kaniya.
“Siya nga pala Julie, kumusta iyong tungkol sa ibinalita mo sa akin kanina.”
Humarap sa akin si Julie at pinameywangan ako nito.
“Sinabi na sa akin ni Sir Paulo ang dahilan kung bakit gano’n ang nangyari. Miss Rachelle naman. Ilang beses ko na ba kayong pinaalalahanan na subukan niyong kumalma kapag naiinis kayo hindi ba?”
Tumigil ako sa pagpirma at humarap sa kaniya.
“Sinabi sa iyo ni Paulo?”
Ngumiti siya nang pilit at tumango-tango.
“So magkakampi na kayo ngayon?”
Umiling naman siya kaagad.
“Pero Miss Rachelle. Hindi kaya mas makabubuti kung—“
I raised my hand which made her stop speaking immediately.
“Ayoko nang marinig ang sasabihin mo.”
Ngumuso naman siya saka tumango. Akala ko ay aalis na siya pero bigla ulit siyang nagsalita.
“I suggest Miss Rachelle—“
“Please, Julie. I don’t need your suggestion. Alam ko na ang ginagawa ko. Malapit na akong mag- eighteen. Isang buwan na lang at nasa legal age na ako. Please let me handle it on my own. Isang salita mo pa, iho-hold ko na ang sahod mo.”
Umiling siya at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig.
“Sabi ko nga shut up na lang ako.” saad niya saka nagmadaling tumakbo patungo sa kaniyang cubicle na matatagpuan sa labas ng aking opisina.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang ipinagpapatuloy ang pagpirma sa payroll ng mga staff ng kumpanya. Nang matapos ko iyon pirmahan ay tinawag ko agad si Julie para mai-forward niya ang documents sa finance department. Itinuloy ko naman ang pagpirma sa mga documents na magkakapatong sa table ko. I’ve checked it before but I had to double check it para makita kung may nagbago bas a content ng mga ito. Mag-aalas siete na ng gabi nang matapos ko iyon lahat. Saktong pagkasandal ko sa backrest ng aking upuan nang pumasok si Julie sa opisina ko para ipaalam sa aking nariyan na ang aking sundo.
“Five minutes, Julie.”
“Miss Rachelle, umuwi na tayo. Gutom na yung mga pusa ko sa bahay. Baka ‘pag uwi ko roon pagkakalmutin na ako ng mga iyon.”
Sinimangutan ko siya.
“Takot ka sa mga pusa mo pero sa akin hindi?”
Ngumiti siya sa akin at nag-peace sign. Tumayo na ako at inayos ang mga nagkalat na papel sa lamesa ko. Lumapit naman agad si Julie para tulungan ako.
Sabay na rin kaming bumaba ni Julie. May iilan pang mga empleyado akong nakita roon, marahil ay mga nag-o overtime o hindi kaya ay may mga trabahong tinatapos. Kung sabagay, maaga pa naman ang alas siete. Nang makita ko si Manong Arthur, ang family driver namin ay kumaway ako rito. Ngumiti ito at kumaway rin pabalik sa akin. Bago ako tuluyang sumakay sa kotse ay muli akong bumaling sa mataas na building na itinayo ng mga magulang ko ilang taon na ang nakalilipas.
Mom, Dad, I’ll make sure that I will take good care of this company. Ilang buwan na lang at ako na ang magiging legal na may-ari ng kumpanyang ito.