Kabanata 2

1295 Words
“Where have you been? Kanina pa kami naghihintay.” bungad sa akin ng pinsan kong si Claudine pagkapasok ko sa restaurant na malapit sa Arena. Kasama pa nito ang isa naming pinsan naming si Raella na katatransfer lang ng NU kahapon. Sa ibang bansa kasi ito dati nag-aaral at umuwi nang biglaan dahil kailangan na raw siyang matuto sa pamamahala ng kompanya na pagmamay-ari ng mga magulang niya. Her Mom is one of my mentors pagdating sa pagpapalakad ng kumpanya na iniwan sa akin nina Mommy at Daddy. Kaya ang Daddy niya halos ang nag-aasikaso ng kanilang negosyo. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid panahon na para matuto siya sa pagpapatakbo nito gaya ng ginagawa ko. Si Claudine naman ay bunsong anak nina Tito Emmanuel kaya sunod ito sa luho. Sa aming tatlo, ito na yata ang pinaka-spoiled dahil grabe kung magwaldas ng pera. Minsan nga, pumapatak ng sampung libo ang nagagastos nito sa isang araw dahil masyado rin itong galante sa mga kaibigan niyang halata namang piniperahan lang siya. Don’t get me wrong, she actually knows it. Pero gaya nga ng palagi niyang sinasabi, kaya niya lang daw iyon ginagawa dahil naaawa siya sa mga hampaslupa. Among us three, siya ang pinakamatapobre at sumunod sa kaniya si Raella. Habang ako, walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko unless of course sila ang magsimula ng gulo. I know for sure na gaganti ako. “Ikaw ang nagyaya kaya ikaw ang magbayad.” Walang gana kong sambit kay Claudine. Pagkaupo ko ay agad akong sumandal sa backrest ng upuan. “Did you cry?” maarteng tanong ni Raella sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “At ano naman sa’yo kung umiyak ako?” She winced and shakes her head slowly. “Oh my goodness, hanggang ngayon ba iyakin ka pa rin?” Nginisihan ko siya. “Hanggang ngayon ma-attitude ka pa rin?” Tumawa si Claudine sa aming dalawa. Halatang tuwang-tuwa siya na nakikita niya kaming nagsasagutan ni Raella. Nagkatinginan kaming tatlo sandali saka sabay-sabay na tumawa. This is us. We are the Tres Marias of our family. Magkaka-edad, may similarities sa pag-uugali at higit sa lahat, nakatataas ang antas ng pamumuhay kumpara sa ibang tao. “You’re planning to stay here?” tanong ni Claudine kay Raella pagkatapos nitong sabihin sa waiter ang order namin. Raella rolled her eyes. “Wala naman akong choice kundi manatili. Dad said he won’t support me kapag bumalik ako sa Spain.” Napailing na lang ako. I know how much she likes Spain. Pangarap niyang doon makapagtapos ng pag-aaral dahil halos lahat ng Architect sa side ng Daddy niya roon nakapagtapos. “Don’t worry, maganda naman sa NU. May escalator kami sa entrance.” Sabi ni Claudine sabay tawa. “But I heard La Salle and Ateneo are way better than your school.” sabi naman ni Raella. Nagkatinginan kami ni Claudine. Well, actually she has a point. But NU is great as well. Magaling din naman ang mga professor na nagtuturo sa amin. Siguro talagang depende lang sa estudyante. “Mas maraming guwapo sa NU, I swear.” Natawa naman ako sa sinabi ni Claudine. Sa aming tatlo, siya rin ang pinakamahilig sa mga lalaking guwapo. “I agree.” pag-sang ayon ko para naman may sumuporta sa kaniya. “Teka, I heard doon din nag-aaral yung anak ng Family Lawyer niyo.” Awtomatiko namang nalukot ang hitsura ko nang marinig ang sinabi niya. “Ka-edad lang natin ‘yon hindi ba? What’s his name again?” Makahulugang tumingin sa akin si Claud bago bumaling kay Raella. “Si Paulo Akihiro Janairo.” “Oh yes, siya nga. Kumusta, Rach. Hanggang ngayon ba pinakikialaman ka pa rin ba niya sa mga ginagawa mo?” Agad kong ipinag-ekis ang aking dalawang braso sa harap ng aking dibdib. Masama ang tingin na bumaling ako sa salaming bintana ng restaurant at sa hindi kalayuan ay nakita ko na naman ang taong kinaiinisan ko magmula pa lamang noong high school ako. Paulo Akihiro Janairo. “Uh-oh. Here comes Rachelle’s number one enemy.” Mahinang bulong ni Claudine sabay turo nito kay Raella. Raella’s eyes widened. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin. “Girl, Paulo is such a hottie.” maarteng sabi niya. Gusto kong abutin ang vase na may lamang tubig at ihampas sa kaniyang ulo para matauhan siya at marinig niya ang sinasabi niya. Hottie? Saan banda? “Ghad Raella, kailangan mo na yata magpasalamin.” iritang sambit ko. Mukhang dito rin sila magda-dine ng mga kasama niyang basketball player ng NU. Ang malas nga eh. Kung saan ako nagkolehiyo, nagkataong doon din siya pumasok. Akala ko noon, once na makagraduate ako ng high school, makakatakas na ako sa kaniya but I was wrong. Pagpasok nila sa restaurant ay agad na bumaling si Paulo sa akin. Gaya ng dati, walang emosyon ang mukha nito sa tuwing titingnan niya ako. Dinaig niya pa ang ice Prince sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Akala niya naman cool siya sa part na iyon. Nang makita ako ng isa sa mga kateam-mate niya na may gusto sa akin ay itanaas pa nito ang kamay para kumaway. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dito. “That guy next to Paulo, mukhang may gusto yata sa’yo.” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Claudine sa sinabi ni Raella. “How did you know?” Raella shrugged. “Halata lang. Infairness ha, ang guguwapo ng players ng NU.” “I know right.” Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako nang makitang isa-isang naglalakad papalapit malapit sa amin ang mga lalaking kasama ni Paulo. It turned out na pinili nilang doon umupo sa katabing table ng sa amin. Bigla tuloy akong nailang. “Oh my gosh, napapalibutan tayo ng mga pogi.” Claudine said and then she giggled. Kilig na kilig ang bruha habang ako ay naiirita rito. Bago tuluyang dumating ang order namin ay nakipagkuwentuhan pa siya sa isang player. Enjoy na enjoy niya naman dahil panay ang tawa niya. Si Raella naman ay nakataas lang ang kilay sa ginagawa niya habang ako ay iwas na iwas tumingin sa gawi ni Paulo dahil baka mapansin niya ang mata Ko lalo na at ilang metro lang ang layo namin sa isa’t isa. Napansin na iyon ni Raella kanina. Ayoko namang pati siya makitang umiyak ako. It’s his fault why I cried. Nakakainis ang ugali niya. Kung hindi sana siya humarang kanina edi sana nasampal ko ‘yong babaeng mukhang pera na iyon. “Eat up, Rachell.” utos ni Claudine. Kanina pa naihatid sa table namin ang mga pagkain ngunit wala akong ginawa kundi titigan lang ang mga iyon. I don’t know if I would I can eat it. Bakit naman kasi hindi ko tiningnan kung anong pagkain ang oorderin ni Claudine. Ang akala ko, maaalala niyang allergic ako sa seafoods. Pero ayoko namang masayang ang pagkain na inorder niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago marahang inabot ang pinggan na may lamang hipon. Akmang hahawakan ko pa lang ang plato para sana kumuha ng ilang piraso nang biglang may pumigil sa kamay ko. Kunot-noong bumaling ako kay Paulo na nakahawak sa kamay ko. “Do you want to die?” malamig niyang tanong. Kunot-noong bumaling sa aming dalawa ang dalawa kong pinsan. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Claudine nang ma-realize ang sinabi ni Paulo. “Oh my gosh, I’m sorry Rach. I forgot you’re allergic to seafoods.” Tipid lang ako na ngumiti. It’s okay as long as it wasn’t intentional. Ilang sandali pa ay biglang may inilagay si Paulo na bowl sa harapan ko. May laman itong kare-kare, ang paborito kong ulam. “Eat that instead.” aniya saka hindi na muling lumingon pa sa akin. Tsk. Pakialamero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD