“Rachelle look, ayun yung sinasabi ko sa’yo ng NU basketball team captain. Ang guwapo hindi ba?”
Napairap ako sa sinabi ng kaklase kong si Shane. Sa hitsura kong ito? Mukha bang mahilig ako sa guwapo?
Kanina pa kami narito sa MOA at kanina pa rin kami nanunuod ng basketball. Sa totoo lang, ayoko rito. Kung hindi lang dahil sa additional points na mare-receive ko sa bawat subject namin, hindi naman talaga ako pupunta rito. Napakarami ko pang kailangang asikasuhin para mag-aksaya ng oras dito sa UAAP basketball game between UST at NU.
“Nakita mo ba? Ayun siya oh.” aniya sabay turo muli sa lalaking may hawak ng bola at kasalukuyang nagdi-dribble.
Maya-maya ay inihagis nito ang bola sa ere. Suwerte ito at sumakto iyon sa butas ng ring. Dahil doon isang malakas na hiyawan na naman mula sa mga tao na supporter ng NU ang pumuno sa buong arena.
“Grabe ang guwapo talaga ni Paulo Janairo.” saad ni Shane sabay hawak sa braso ko. Inis na inalis ko ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa akin.
“Don’t touch me.” mahina ngunit mariin kong sambit dahilan para matigilan siya.
Pinagtaasan ko pa siya ng kilay dahil mukhang nabigla siya sa sinabi ko.
“What’s wrong with you? Humawak lang ako sandali tapos ganiyan ka na?” kunot-noo niyang tanong.
Imbes na sumagot ay inirapan ko lang siya. Hindi ko naman siya kaibigan at isa pa, hindi talaga ako nagpapahawak sa kung sino-sino. Kanina pa kasi siya maingay at panay ang sigaw. Sobrang sakit sa tenga at hindi ako maka-focus sa binabasa ko sa cellphone ko tapos bigla pa siyang manghahawak. Sino ba namang hindi maiinis?
“Pasalamat ka nga sinama pa kita rito. How ungrateful!”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at maya-maya’y marahang tumawa.
“Ako? Sinama mo rito? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Oh come on, Shane. I can go here even without you.” inis na sambit ko.
“I gave you a free ticket. Sinama kita rito para magkaroon ka ng plus points sa bawat subjects natin. Sobrang arte mo naman. Hinawakan ka lang, akala mo ginawan kita ng malaking pagkakamali.”
Tumawa ako nang marahan sa sinabi niya. Bakit parang utang na loob ko pa sa kaniya ang ticket na binigay niya sa akin ngayon? Ibinaba ko ang hawak na cellphone at nilagay iyon sa bulsa ng suot kong trench coat.
Humarap ako sa kaniya upang tingnan siya mula ulo hanggang paa.
“I didn’t ask for a free ticket. Ikaw ang nagbigay sa akin no’n. Sinabi ko na babayaran ko na lang pero sabi mo it’s free. I also didn’t ask you to accompany me kasi kahit mag-isa lang ako, kayang-kaya kong pumunta sa lugar na ‘to kung gugustuhin ko.”
Tumayo na siya at umambang itutulak ako sa balikat pero agad kong nahampas ang kaniyang kamay.
“Talagang ang sama mo ‘no? Bukod sa napakasama ng ugali mo, mayabang ka rin. Mabuti nga sa’yo at namatay ng maaga ang mga magulang mo. Siguro karma mo na ‘yon.”
Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig. Pakiramdam ko, lahat ng galit na naramdaman ko these past few days at sama ng loob na naipon ko sa mga nakalipas na araw ay handa ng sumabog.
Mabilis akong tumayo at hinila ang kuwelyo ng suot niyang longsleeve. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Karamihan ng mga tao na nasa paligid namin ay napabaling sa aming kinaroroonan dahil sa ginawa ko. I heard loud gasps from people who are sitting next to us. Mukhang hindi nila ‘yon ini-expect pero wala akong pakialam. Inubos niya ang pasensiya ko at walang ibang sisisihin doon kundi siya.
“Wala kang karapatang idamay ang mga magulang ko sa kung anuman ang natatanggap mong pagmamaldita ngayon mula sa akin.”
Binitawan ko ang kaniyang sleeves at kinuha ang wallet sa dala kong shoulder bag. Kumuha ako roon ng tatlong libo at inis na inihampas sa kaniyang dibdib.
“I can pay for that freaking ticket.”
Pagkasabi ko noon ay agad akong tumalikod. Humawi naman ang mga tao sa dinaraanan ko. Mukhang karamihan ay nakita ang ginawa kong pagmamaldita kay Shane. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang kumpol ng tao na nagbubulungan sa bandang itaas at panay ang tingin sa akin pero wala akong pakialam.
“Ang sama talaga ng ugali niya.”
“I knew it. Mayaman lang siya, matalio at maganda but her attitude, it’s trashy.”
Hindi ko na pinansin ang mga naririnig ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ng mismong arena. Sanay na akong sinasabihan na masama ang ugali. Totoo naman. Hindi ko iyon itatanggi. Pero hindi porke masama ang ugali ko ay masama na akong tao.
I never degraded anyone, hindi ako bully o nananakit ng ibang tao unless they deserved it. I respect elders and other people only if they deserve it as well. Because I believe that respect is being earned and not being imposed.
Maraming tao ang nasa labas. May mga magjowang ginawang dating area ang mga bakanteng benches. May mga magkakaibigan na nagtutumpukan at nagchi-chismisan sa mismong daanan kaya hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng space na hindi ganoon na ka-crowded. Pero dahil wala akong choice, pinili ko na lang na doon sa parteng halos karamihan ay mga lalaki ang nakatambay. Mas maluwag kasi roon ang daanan at hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan. Agad kong namataan ang mga paparating na basketball players ng Ateneo. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita ko ang team captain ng team nila na si Eros Sarmiento. Kung minamalas ka nga naman. Sa dinami-rami pa ng puwedeng makasalubong, talagang ex-boyfriend ko pang manloloko?
Hindi ako huminto sa paglalakad. Inayos ko pa ang trenchcoat ko na suot saka naglakad nang dire-diretso. He stopped walking and talking to his teammates when he saw me. Nakita ko agad ang pagkorte ng isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.
I tried not to roll my eyes. Pinipigilan ko rin ang sarili kong matawa. Akala yata niya apektado ako sa ginagawa niya. Akala yata niya, hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya. Is he even real or was he just dumb to not realize that I never liked him? Kung hindi lang naman dahil sa dare ng dalawa kong pinsan, hindi ko naman siya papatulan.
Tapos ngayon ang lakas ng loob niyang ipagkalat na siya ang nakipag-break sa akin. Well, that’s kinda true. Sino ba namang magtatagal sa ugali ko? Pero yung ipagkalat niyang gusto ko pa rin siya, that’s ridiculous. Kahit siguro mga balakubak niya sa ulo matatawa dahil sa sinasabi niya.
“Long time no see, Rachelle Celestine.” bati niya sa akin.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago siya nilampasan. Rinig na rinig ko ang malakas na hiyawan ng mga teammate niya. Narinig ko pang inaasar siya ng iba. Dahil napahiya, agad niya naman akong hinabol at hinawakan sa braso. Nilingon ko siya at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Umiling-iling pa ako saka inalis marahang hinila pabalik ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Tumawa siya sa ginawa ko.
“Stop pretending that you’re not affected.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Affected? Saan?” I asked in innocent tone.
“Oh come on, Rachelle. Don’t deny it. I know you’re still into me.”
I scoffed. Wala pa rin siyang pinagbago. Mas malakas pa yata sa hanging amihan ang kayabangan niya. Ang taas naman ng tingin sa sarili. Muntik ng maabot yung 57th floor ng kompanya namin. I crossed my arms and looked at him directly in his eyes.
“Hindi ko alam kung ano yang drama mo sa buhay, Sarmiento. Hindi kita gusto. I never even liked you.”
His jaw clenched. Muli niyang hinawakan ang braso ko. This time, mas mahigpit. Magsasalita na sana akong muli nang biglang may tumawag sa kaniya.
“Ateneo VS Adamson next game.”
Nakita kong nakatayo kasama ng mga teammate niya yung basketball team captain ng NU. Iyong lalaking itinituro sa akin ni Shane kanina, si Paulo Akihiro Janairo.
Nakatitig ang lalaki sa akin. Wala man lang ka-emo emosyon ang mga mata niya. Kung tingnan niya ako ay para lang siyang nakatingin sa isang pader. I hate the way he looks at me. Kung ang ibang tao ay takot sa akin, siya naman walang pakialam. I have never been intimidated by other people. Kahit na mga board members at shareholders pa iyan ng kompanya. Kahit na mga kamag-anak kong matataas ang posisyon sa politika, hindi man lang ako nahihiya. Pero pagdating sa kaniya, nandoon palagi yung mumunting kaba sa puso ko. And at some point, I hate it. Ayoko ng ganoong pakiramdam.
Muli kong ibinalik ang atensiyon kay Eros na nakahawak pa rin sa braso ko.
“Captain, tara na. Baka magalit na naman si Coach.”
Wala pa sana siyang balak na bitawan ako pero lumapit na yung isa nilang kasama para hilahin siya palayo sa akin. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kaniya. Bago siya tumalikod ay nginisihan ko pa siya. Mas lalo tuloy sumama ang tingin niya sa akin. I don’t care. He deserved it. Kung hindi siya jerk, hindi ko naman siya tatratuhin ng ganon.
Mabilis akong dumiretso sa pinakamalapit na CR para umihi at mag-retouch. Suwerte naman at pagpasok ko ay walang tao kaya mabilis akong pumasok sa isang bakanteng cubicle para umihi at sakto ring pagpasok ko sa loob ay narinig ko agad ang mga yabag ng mga paparating at mahihinang tawanan ng mga ito.
“Grabe, nakita niyo ba kung paano inilagay ni Rachelle De Luna yung pera sa dibdib ni Shane Laxamana kanina? Bitchesa talaga yung babaeng ‘yun.”
My brows furrowed when I heard what the girl said. Sobrang familiar din sa akin ang boses niya.
“I totally agree that she’s a witchy b***h. Pero hindi ba, yun naman talaga ang purpose ni Shane kaya niya ginawa ‘yon? We all know how rich that De Luna girl at balewala sa kaniya ang magtapon ng pera. Tagapagmana ba naman ng De Luna Shipping Lines at De Luna Inc. Tatlong libo, limang libo. For her, barya lang yun.”
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ng isa about Shane. Hindi kaya…
“Papalugi na ang kompanya ng mga Laxamana. And knowing Shane, hindi ‘yon papayag na hindi magmukhang mayaman sa paningin ng iba. I bet she used that chance to get on Rachelle’s nerves at sampalin siya ng pera ‘cause that’s what Rachelle always do. She slaps people with money.”
Huminto ito at sandaling tumawa.
“I bet she’s out now and buying a coffee in starbucks.” sabi naman ng isa.
Mabilis kong inayos ang suot kong damit at balewalang lumabas ng cubicle. Parang nakakita ng multo ang dalawang babaeng nag-uusap. I was right. Kilala ko nga ang isa sa kanila dahil naging blockmate ko ito noong first year college ako.
“Rachelle.” mahinang sambit ni Fely na bahagya pang napaatras nang makita ako.
Nilingon ko ito at nginitian. Bakit ba sila mukhang takot palagi sa akin eh hindi naman ako nangangain. Sa totoo nga niyan, natuwa pa ako sa pinag-uusapan nila eh. At least nalaman ko na kung bakit ako inapproach ni Shane three days ago. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi. Bumaling ako sa isa pa at ngumiti. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng apat na libo roon at inilapag sahig ng sink.
“Thank you for the information, Fely.” saad ko saka naglakad palabas ng CR.
Paglabas ko ng CR ay agad tumunog ang phone ko. Umarko ang kilay ko nang makitang si Julie iyon, ang secretary ko sa opisina.
“Hello, Julie, how many times do I have to tell you not to call me when I am attending my school-related activities?”
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga sa kabilang linya bago nagsalita.
“Naku Miss Rachelle, may tao kasing pumunta rito kanina. Taga Laxamana Steels daw siya at secretary ng anak ng may-ari ng kompanya. She’s been asking for twenty-thousand pesos daw po kapalit ng ginawa niyo na pamamahiya sa boss niya riyan sa Arena.”
Twenty-thousand pesos? Sobrang nangangailangan na ba siya? Eh half salary na ‘yun ng secretary ko ah. Sobra naman ‘yun.
“Don’t give her money Julie—“
“Pero Miss Rachelle—“
“‘Pag binigyan mo ‘yan ng pera, sisiguraduhin ko sa’yo Julie, ikakaltas ko ‘yan sa sahod mo.” pananakot ko rito.
And if she really needs money, bakit hindi abogado niya ang papuntahin niya sa opisina ko. Because I’m sure I did nothing wrong at kaya ko iyong patunayan. I even gave her money.
“Copy po Miss Rachelle.” saad nito saka bumuntong-hininga.
Agad kong pinatay ang tawag saka mabilis na ibinalik ang phone ko sa aking bag. Inis na hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko saka mabilis na naglakad patungo sa lobby. Kailangan ko nang makapunta ng kompanya ngayon bago pa malaman ni Tita Sophie. Paniguradong ‘pag umabot iyon sa kaniya, mapapagalitan na naman ako ng wala sa oras.
Hindi naman kasi talaga ako yung tipo ng taong nagwawaldas ng pera sa mga walang kuwentang bagay. Suwerte pa niya dahil binigyan ko siya ng pera. Talagang ako pa ang pinagmukha niyang masama huh. Mabilis ang naging bawat paghakbang ko pero agad akong natigilan nang makita siyang papasok muli sa loob kasama ang dalawa niyang kaibigan habang hawak ang inumin na mukhang kabibili lang nila sa starbucks. Nang makita niya ako ay agad ko siyang nginitian ng peke. Inirapan niya lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tuluyan niya akong malampasan.
Pero kung inaakala niyang mapapalampas ko ang ginawa niya, puwes nagkakamali siya.
“Masarap ba ang lasa ng iniinom mo, Shane?” tanong ko sabay lakad patungo sa kaniya.
Lahat ng taong nasa lobby at natigil sa ginagawa at natahimik. Pinagmasdan ko pang maigi ang cup ng iniinom niya saka napangisi. Tama nga si Fely, she really bought a drink in Starbucks. Wow.
“Ano bang sinasabi mo?” tanong niya sa akin sabay layo ng konti.
I pouted and walked towards her para abutin ang cup ng iniinom niyang frappe.
“Masarap ba ang lasa ng pera ko?”
Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga nasa paligid. Mabilis niya namang inagaw sa akin ang cup at akmang lalakad ng bigla kong iharang ang paa ko dahilan para sumubsob siya sa sahig at matapon ang laman ng cup na hawak niya. Naiwang nakatanga sa harapan ko ang dalawang kasama niya. Nang makita ng mga ito na nakatingin ako sa kanila, nagmadali silang naglakad papalayo.
Hindi nila pinansin ang pagtawag ni Shane sa kanila ng ilang beses. Marahang bumangon si Shane. Nang makita niyang natalsikan ng frappe ang kaniyang suot na damit, ay doon na siya nagwala.
“Sumusobra ka na, Rachelle.” sigaw niya sabay taas ng kaliwang kamay para sana sampalin ako ngunit agad na may humarang sa harapan ko dahilan para sa kaniya tumama ang sampal ni Shane na dapat ay para sa akin. I heard loud gasps from people. Maging ako ay nagulat sa biglang pagharang ng lalaki sa harapan ko.
Kumunot ang noo ko nang mapadako ang tingin sa likurang bahagi ng jersey top nito.
Janairo.
Kung si Shane ay nagulat dahil sa nangyari, ako naman mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa ginawa ni Paulo. Anong karapatan niyang mangialam?
“Rachelle Celestine, say sorry to her.” utos niya sa akin.
Hindi ko mapigilang matawa nang marinig iyon mula sa kaniya.
“Siya dapat ang mag-sorry. Ang kapal ng mukha niyang papuntahin ang secretary niya sa opisina ko para humingi ng pera.”
Namutla naman si Shane nang marinig ang sinabi ko. Siguro hindi niya akalaing malalaman ko iyon kaagad.
“Tell me, Laxamana, naghihirap ka na ba kaya gustong-gusto mo ng pera?” tanong ko.
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses sa kaniya. Nakita ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Karamihan sa mga tao ay nagbubulungan habang nakatingin sa direksiyon namin. And there, she burst out in tears. Sa harapan namin ni Paulo at sa harapan ng ibang tao. She deserved it. Kulang pa nga ‘yon sa totoo lang. She even approached me for money. Nakakahiya siya.
Akmang lalapit ako para hilahin sana ang buhok niya ng pigilan ako ni Paulo. Bumaling ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
“Mag-sorry ka sa kaniya, Rachelle.”
This time, tumaas na ang tono ng kaniyang boses. This time, alam kong pinapagalitan niya na ako. Sino ba siya para gawin ‘yon sa akin? Anak lang naman siya ng pinagkakatiwalaang abogado ng mga magulang ko. Sino ba siya para utusan ako? Eh dati ko lang naman siyang utusan noong mga bata kami. Sino ba siya sa tingin niya? At nagagawa niya akong ipahiya sa harap ng ibang tao?
Naiiling ko siyang binalingan. Nang maramdaman ko ang pag-init ng palibot ng mga mata ko ay mabilis kong hinigit ang braso ko para kumawala sa pagkakahawak niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng lobby at wala akong ibang narinig kundi ang paulit-ulit na pagtawag niya sa pangalan ko habang ako naman ay pinipigilan ang sarili sa pag-iyak.