“Welcome back, Miss Rachelle.” excited na bati sa akin ng sekretarya kong si Julie pagpasok ko sa opisina ng dati kong opisina. Naroon si Kuya Dashiel at abala sa mga paperworks. Nang mag-angat ito nang tingin sa akin ay agad itong ngumiti. Iniwan nito agad ang kaniyang ginagawa para tumayo at salubungin ako. “Rachelle.” bati nito at agad akong niyakap. Tipid akong ngumiti at agad ding yumakap kay Kuya Dash. Dahil napakasariwa pa rin sa akin ng mga pangyayari sa amin ni Nikolai sa New York, hindi ko napigilang maluha habang yakap ang aking nakatatandang pinsan. Nang bumitaw ito ay agad niyang hinawakan ang aking magkabilang balikat. “I’ve heard about what happened to you friend. My condolences, Rachelle.” Tumango naman ako. Everyone in my family knew about it dahil kina Raella at

