KABANATA 55 “Anong plano mo ngayon? It’s been a month that you came back.” Napaangat ako nang tingin kay Kuya Dash nang marinig ko ang kaniyang tanong. Kasalukuyan kaming kumakain sa kaniyang opisina. Naisipan ko kasing magluto ng pagkain dahil wala na akong magawa sa bahay. Huminga ako nang malalim at saka muling ibinalik ang aking atensiyon sa aking pagkain. “Baka pumunta muna ako ng San Narciso para asikasuhin ang lupa na iniwan sa akin ng mga magulang ko. I plan to turn it into a resort since naisip kong wala pang gaanong resort sa area.” Umayos sa pagkakaupo ang pinsan ko at tinitigan ako nang maigi sa mukha. “Are you sure about that? May concrete plans ka na ba? What about people who will work on it? Engineer you wanted to hire? I can help you with that. Oh, right. Tita Pa

