Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang makita akong muli. “Uy. Hindi ba mag-ex ang dalawang iyan? What a co-incidence!” bulalas ng isa sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatayo na sa puwesto nito. Napuno ng bulung-bulungan ang kabilang area. May mga sinasabi ito na hindi ko maintindihan. “Hindi ba iyan yung nanloko kay Paulo pare? Si Rachelle Dela Luna.” “Cheater.” “Teka kanino pinagpalit? Bakit hindi ko alam?” “Doon kay Santos sa half brother ni Cabrera.” Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang sinasabi nila. Napailing nalang ako habang hindi inaalis ang titig ko sa kay Paulo. Nasa likuran ko naman sina Raella at Claudine para umalalay sa akin. “What did they just say?” tanong ko kay Paulo. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung anong nangyari sa amin dalawa eh. I c

