“Sigurado kang hindi ka sasama sa San Narciso, Rachelle?” sa ikalawang pagkakataon ay tanong sa akin ni Tito Dylan. Muli ay umiling ako. Narito kami ngayon sa airport. Kasama ko si Julie ngayon para ihatid sila. Si Raella sana ang kasama ko ngayon pero nag-pass ito dahil may inutos daw sa kaniya si Tita Patrice na importante. Si Claudine naman ay nasa Batangas din ngayong araw. Actually, halos isang linggo na siya roon, kina-career ang pagiging receptionist sa resort nila. Parusa sa kaniya ng Dad niya dahil napakapasaway nito. Sa apat na magkakapatid, kung sino pa ang panganay, siya pa ang sakit sa ulo ng kaniyang mga magulang. Kaya wala akong choice kundi isama si Julie ngayon. Mabuti nalang at wala itong masyadong ginagawa at pumayag ito. Usually, kapag marami siyang trabahong nakata

