"Nakakainis talaga ang lalake na yun, masyadong mayabang!"
Naglalakad siya nang biglang may kumausap sa kanyang babaeng estudyante. Nakabrace ito at sa tantiya niya ay nasa first year pa lamang.
"Ate pwede ka bang magjoin sa booth namin? Kulang kasi kami ng tao." Mukha itong mabait at inosente.
Dahil sa likas siyang matulungin ay napa-oo siya dito kaagad.
"Thank you Ate!" Ang sabi pa nito na tuwang-tuwa sa pag-oo niya.
"Ano bang pwede kong maitulong?" tanong niya dito.
"Ibblind fold ka lang namin saglit tapos ok na." sabi nito na nakangiti.
"Ayun lang pala. Sige payag ako." Sagot pa niya dito.
Nilagyan na siya nito ng blindfold at dinala sa harapan ng stage.
Lingid sa kanya, ay may isa pang estudyanteng babae na tuwang-tuwa sa pagpayag niya. Kanina pa siya nito pinagmamasdan sa malayo. Sa pag-akyat niya sa stage ay agad itong namigay ng ticket ng kissing booth sa bawat lalakeng madadaanan nito.
Nung nakita siya ng mga kalalakihan na umupo sa malaking arco ng kissing booth ay humaba kaagad ang pila ng booth at marami pa ang bumili ng tickets.
Tuwang tuwa ang mga estudyante na nag-organize ng event dahil malamang sila ang tatanghalin na best booth sa school fair dahil sila ang makakakuha ng pinakamalaking kinita.
Wala siyang kaalam-alam na kissing booth pala ang nasalihan niya at siya ang unang mahahalikan! Ang akala niya ay simpleng laro lang ang ipapagawa sa kanya ng mga organizer kaya siya napapayag.
Naramdaman niyang may umupo sa harapan niya "Hi" sabi pa nito.
Nag-Hi din siya dito.
"Huhulaan ko ba kung sino ang umupo?'"
Di niya alam ang gagawin dahil wala namang instruction na sinabi ang organizer. Ang sinabi lang ay umupo lang habang nakablind fold.
Unti-unting nilalapit na nito ang mukha sa mukha niya.
Saktong dumating naman si Mark sa booth at kitang kita nito ang malapit na paghalik ng isang binatang estudyante sa kanya. Wala ng oras para makarating pa ito sa taas ng stage kaya kinuha na lang nito ang softdrinks ng katabing babae at agad ibinuhos sa kanya at sa lalakeng hahalik sa kanya.
Napatayo siya sa lamig ng softdrinks na biglang bumuhos sa katawan niya. Natigilan din ang lalake at nagulat sa nangyari.
Tinakbo ni Mark ang stage at tinanggal nito ang piring sa mata niya.
"ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAGAWA MO?!" Galit na galit ito habang hawak hawak nito ng mariin ang balikat niya.
Nakaramdam siya ng takot at pagkalito dahil di niya alam kung ano ang ikinagagalit nito.
Napansin naman nito na bumakat ang damit sa katawan niya dahil sa pagkabasa ng softdrinks kaya naman agad nitong hinubad ang tshirt at pinasuot sa kanya.
Nagtilian ang mga kababaihan sa baba ng stage dahil nakita ang maskuladong pangangatawan nito.
Siya naman ay shocked pa rin sa nangyayari at di napansin ang paghubad ni Mark sa harap niya.
"Ano bang ginawa ko? Bakit bigla na lang itong nagagalit sa akin?"
"Sumama ka sa akin." Hindi na siya nakatanggi nang hawakan siya nito sa kamay at hinila pababa ng stage.
Nasa baba na sila ng stage nang tignan niya ang inupuan kanina. Sa taas nito ay may arco na may nakasulat na "Kissing Booth".
Nanlaki ang mga mata niya at napahawak siya sa bibig. Di siya makapaniwalang nabiktima siya ng isang inosenteng first year highschool at muntik ng mahalikan ng isang estrangero!
Kung nagkataon ay masisira ang pangarap niya na makafirst kiss ang lalakeng mamahalin at magmamahal sa kanya.
Dahil mahaba ang pila sa banyo ng babae ay dinala siya ni Mark sa isang kwarto sa horror booth.
"Isuot mo muna ito pansamantala," sabi nito habang inaabot ang bagong t-shirt sa kamay niya.
"S-salamat," ani niya. Dito niya lang napansin ang nakahubad na katawan nito. Ngayon lang siya nakakita ng katawan ng lalake na may magandang abs. Automatic na gumala ang mga mata niya sa muscles nito sa dibdib pati sa abs nito na nabilang pa niya kung gano karami "6 pack".
Tumikhim si Mark na umagaw ng attention niya. Pagtingin niya dito ay ngiting-ngiti ito na halatang enjoy na enjoy na pinagmamasdan ang paggala ng mga mata niya sa katawan nito.
"Sam, bakit mo ginawa yun?!"
Pinagalitan niya ang sarili sa nakakahiyang ginawa. Naisip niyang hubarin ang suot na damit na binigay nito kanina sa kanya para makalusot sa pagkapahiya.
"Suotin mo na ito dahil nasusuka ako sa nakikita ko."
Ito naman ngayon ang nagulat sa ginawa niya. Di niya kasi napansin na basa pa ang puting damit na suot niya humapit tuloy ito sa katawan niya at naging see-through. Kitang kita tuloy ang bra niya sa loob at magandang hubog ng dibdib niya.
Ito naman ngayon ang natulala at napalunok. Kitang kita niya kung paano hagurin ng mga mata nito ang katawan niya.
Pagtingin niya sa suot ay saka niya lang napansin kung bakit ganun na lang ang naging reaction ng lalake.
Tinakpan niya kaagad ng bagong bigay na damit ang nakaexpose na dibdib.
"Bastos!" sabi niya dito na galit na galit sa binata.
"Wala akong nakita," pagsisunungaling nito habang kinakaway ang dalawang kamay.
Mabilis siyang tumalikod dito at pumasok sa isang kwarto para magbihis.
Masyadong madilim ang kwarto kaya dahan dahan siyang pumasok sa loob. Naiwan sa labas si Mark na matamang naghihintay sa kanya.
Nung hinubad na niya ang puting damit niya ay nahulog naman ang damit na pinahiram sa kanya. Kinapa niya ito sa sahig pero bago pa niya makuha ang damit ay may nakapa siyang parang bola. Kinuha niya yun at tinignan ng malapitan.
Tinakasan siya bigla ng dugo ng marealize na hindi bola ang nahawakan niya kungdi bungo!
Nagtitili siya sa loob ng kwarto kaya naman agad pumasok si Mark sa loob para alamin ang kondisyon niya.
Napatakbo siya kay Mark pagbukas palang ng pinto at napayakap siya dito ng mahigpit sa sobrang takot.
Natigilan si Mark sa ginawa niya. At para itong naging istatwa na di gumagalaw nung naramdaman ang init ng katawan niya sa katawan nito. Paano ba naman ay parehas silang walang suot na damit pang itaas.
Nung kumalma siya ay saka lang niya narealize ang sitwasyon nilang dalawa. Nakataas ang mga kamay nito senyales ng pagrespeto nito sa kanya habang siya ay mahigpit na nakayakap dito.
Dahil nakabukas ang pinto ay bahagyang nagkailaw ang kwarto. Nakita niya na puno pala ng salamin ang paligid nito.
Hindi niya tuloy matanggal ang pagkakayakap sa binata dahil pag kumalas siya ay makikita nito ang katawan niya na nakabra lang.
Useless kung patatalikuran naman niya ito dahil makikita pa rin nito ang hubad na katawan sa mga salaming nakapaligid.
Ilang saglit pa silang ganun ang posisyon dahil iniisip pa niya kung ano ang susunod na gagawin para maisuot ang damit.
Hanggang nakaisip siya ng magandang solusyon sa problema niya.
"Wag kang titingin!" sabi niya dito. "Ipikit mo mga mata mo," ulit pa niya. Tinakpan pa niya ng mga kamay niya ang mata nito para makasigurado.
Saka lang siya dahang dahang kumalas sa pagkakayakap nung nasigurado niyang maayos niyang natakpan ang mga mata nito.
Ginala niya ang mga mata para hanapin ang damit na nahulog kanina at nang makita niya yun ay sinabihan niya ang lalake na sumunod sa kanya.
Tumalima naman ito kaya habang naglalakad siya papunta sa damit at takip ang mga mata ng kamay niya ay lumalakad din ito kasabay niya.
"Bababa na ako at pupulutin ko ang damit," sabi niya para bumaba din ito.
Dahan dahan silang bumababa paupo. Pero dahil walang makita ay nawalan ng balanse ang binata sa pagkakaupo. Nawala tuloy ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata nito. Sa takot ay hinabol niya ang mga mata nito para muling takpan pero pati siya ay nawalan na ng balanse.
Bumagsak siya sa katawan ng lalake habang ito naman ay nakaalalay sa kanya at hawak hawak ang kanyang likod. Nang makabawi ay inangat niya ang ulo niya. Nakita ng lalake ang pamumula ng pisngi niya.
"Wag mong ibababa ang tingin mo," galit na sabi niya dito. Concern pa rin siya na masilipan siya.
Pero nagulat siya sa sumunod na ginawa nito. Bigla silang gumulong at ngayon ay ito naman ang nakapatong sa kanya. Ramdam niya ang pagbilis ng paghinga nito.
Hindi niya alam kung kanino sa kanila ang nararamdamang bilis ng pintig ng puso dahil lapat na lapat ang kanilang mga katawan sa isa't-isa.
Parang nakakatunaw ang ma titig nito. "You're beautiful," sabi nito.
Namula pa lalo ang pisngi niya. Napahinto ang paghinga niya nang dahan dahang ibinababa nito ang mga labi papunta sa mga labi niya.
Hinawakan niya ang dibdib nito para sana itulak pero parang nawalan ng pwersa ang mga katawan niya.
Napapikit na lang siya at hinintay ang pagbaba ng bibig nito.
Pero bigla silang natigilan nang marinig ang mga taong nagtatawanan papunta sa direction nila.
Agad na nagbihis si Mark at siya naman ay pinatago naman sa kurtina nito.
"Cap, ikaw ha. Nagdala ka na naman ng chicks sa horror booth," sabi ng isa sa mga dumating.
Natawa lang ang binata sa sinabi nito.
"Chicks? Horror Booth? Ibig sabihin gawain ito ni Mark? Nagdadala siya palagi ng babae dito sa horror booth?'"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig.
Isa ba siya sa naging biktima ng binata? "Hindi maaari!" Naiiling na sinabi niya sa sarili. Bakit hindi niya agad nakita ang masamang plano ni Mark? Naitikom niya ng mahigpit ang mga kamay sa pagpipigil ng galit na malapit ng sumabog.
Pag-alis na pag-alis ng mga tao ay dali-dali niyang isinuot ang damit. Hinarap niya kaagad ang binata at sinampal.
"Hindi ako makapaniwala na nagpapain ako sa bitag mo!" mangiyak ngiyak niyang sambit dito.
Nagulat ito sa ginawa niya at halatang nagtataka kung bakit siya nagagalit dito at umiiyak.
"Isa pala ako sa mga chicks na nadala mo dito sa horror booth! Hindi ako makapaniwalang nahulog ako sa patibong mo. Napakatanga ko!" Lalo pang lumakas ang pag-iyak niya.
Saka lang narealize ng lalake kung bakit siya nagagalit dito. "Teka Sam... Mali ka.."
Sinuntok niya ang dibdib nito. "Wag ka ng magsinungaling dahil alam ko na ang lahat!" sabi niya habang humihikbi. "Simula ngayon wag ka ng magpakita sa buhay ko!"
Pagkasabi nun ay tumakbo na siya ng mabilis palabas ng horror booth.
Hinabol pa siya ng binata pero madali siyang nakasakay ng taxi paglabas ng Emerald Villa.