6 Black Cat

1570 Words
"Frieeeeeend!" malakas na bati ni Gabby sa kanya habang dala ang bitbit na pagkain mula sa isang kilalang restaurant. Ugali nitong manlibre lalo pag may atraso ito or may kailangan sa kanya. Mukhang dalawa ang motibo nito ngayon kaya magpapakain. Una ay dahil iniwan siya nito na kasama lang si Mark. Pangalawa ay dahil may gusto itong malaman sa kanya. First year college palang ay magkakilala na sila ni Gabby. Business Administration ang kursong kinuha niya at Nursing naman ang kinuha nito. Nagkakilala sila ni Gabby sa jeep habang pauwi siya sa Quezon City galing UST. Kakaiba ang personality nito. Natural lang kasi dito ang makipag-usap sa di kakilala. Tanda niya pa ang unang sinabi nito nung unang beses nilang naging magkatabi sa jeep na sinasakyan. "Ang init noh? Nagugutom tuloy ako," ani nito habang hinihimas ang tiyan. "May pagkain ka ba diyan?" Nagulat siya kasi di naman niya ito kilala pero kung kausapin siya ay parang matagal na niya itong kaibigan. Hinagilap niya ang skyflakes sa bag at inabot dito. Palagi siyang nagbabaon ng biscuit sa bag dahil madalas hindi na siya nakakapagbreakfast sa bahay. Inabot naman ito kaagad ni Gabby at kinain. Agad silang nakapagpalagayan ng loob dahil sa likas nitong kadal-dalan. Bago pa siya makauwi ay marami na silang napag-usapan. Nadiskubre nilang halos marami silang pagkakaparehas lalo na sa mga hobbies at past-time. Mahilig din kasi itong manood ng romantic movies at mahilig ding makinig ng mga romantic songs. Nagulat na lang sila na parehas sila ng binabaan. Natawa sila dahil tatlong bahay lang pala ang pagitan ng bahay nila. Hindi rin kasi pinapalabas si Gabby ng bahay. Solong anak lang ito kaya naman overprotective ang mga magulang. Siya naman ay madalas din na nasa bahay. Wala na siyang oras gumala sa labas dahil tulog lang ang pahinga niya. Sa gabi kasi ay pumapasok pa siya sa part-time job niya sa Cubao. Simula noon ay napagpasyahan nilang magsabay pag-uwi mula UST. Sa katagalan ay naging magbestfriend silang dalawa. Walang lihim na maitatago sa kanila. Kahit senyas or facial expression ng sino sa kanila ay alam nila kung ano ang ibig sabihin. Open ang mga bahay nila sa isa't-isa. Minsan nakikitulog siya kaila Gabby at kung minsan naman ay ito ang nakikitulog sa kanila. Dahil may pasok pa siya mamayang gabi ay sumaglit muna siya kay Gabby para makitulog. Hindi kasi siya dapuan ng antok sa kanila dahil sobrang ingay ng mga kapatid niya. Isabay pa na malakas ang volume ng TV dahil mahina na ang pandinig ng Lola niya. "Kain muna tayo bago ka matulog." Bait-baitan na sabi ni Gabby sa kanya. Halatang excited na malaman kung anong nangyari sa kanila ni Mark nung naiwan silang dalawa sa clinic at kung sino nga ba si Mark sa kanyang buhay. "Hmmmph! Bakit ko sasabihin sa iyo e iniwan mo ako di ba?" Kunwari'y pagtatampo niya dito. Pero sa totoo lang gusto niyang magsabi sa kaibigan dahil gulong gulo na talaga ang utak niya kakaisip sa mga nangyari kanina. "Sorry na....," panunuyo nito at parang batang nakanguso pa. Pero di niya ito pinansin "Hmmph!" pang-iismid niya dito. "Utang na loob Sam sorry na!!!" humiga ito sa sahig at nagpagulong gulong sa carpet na parang batang nagtatantrums. Natawa siya ng malakas sa ginawa nito at nasira ang kunwaring pagtatampo niya. Ito din ang nagustuhan niya sa kaibigan dahil lagi siya nitong pinapatawa. Hinawakan niya ito sa braso para itayo pero lalo pa itong nagpabigat. Kaya naman sumakit lalo ang tiyan niya kakatawa. Nakakapawi talaga ito ng stress. Pagkasama niya ito ay parang bulang nawawala ang mga problema niya. Ni minsan ay di sila nag-away nito dahil sabi nga nito palagi sa kanya, "Dapat good vibes lang palagi." Maya maya ay matagumpay na siyang nayaya nito sa kusina para kumain. Maykaya ang pamilya ni Gabby. Apartments ang pangunahing negosyo ng mga magulang nito. Sabik ito sa kapatid kaya naman gustong gusto nito pag pumupunta siya sa bahay nito. "Sino si Mark?" Ito agad ang una nitong tinanong sa kanya. Muntik na siyang mabilaukan dahil sa bigla nitong pagtanong. "Siya si 'Black Cat'" sabi niya dito habang binababa ang hawak na kubyertos. Binansagan kasi niyang 'Black Cat' si Mark dahil nga ito ang nagbigay ng kamalasan noong elementary at highschool pa siya. Ni minsan ay di niya ito tinawag na Mark sa tuwing ikinukwento niya ito kay Gabby. Kaya naman mas sanay ang kaibigan sa pangalan na "Black Cat" kaysa sa totoong pangalan nito. "OMG!!!" Nanlalaki ang mga mata nito, "You mean si 'Black Cat' ay si Mark??!" "Yes Gabby. Siya nga." Napabuntonghininga niyang pag-amin dito. "Grabe ka!! Hindi mo man lang sinabi sa akin na pogi pala yung black cat na sinasabi mo! Ang nagregister sa utak ko na itsura niya ay maitim, pango ang ilong at umiilaw sa gabi ang mata!" Seryosong sabi pa nito. Nabilaukan tuloy siya sa kinakain habang iniimagine yung description ni Gabby kay Mark. "Parang kinalimutan ko na yung itsura niya noon. Ang tumatak sa isip ko yung mga masasamang experience ko sa kanya. Kaya nung makita ko siya sa malapitan---" sabi niya habang wala sa sariling iniikot-ikot ang kutsara sa plato habang iniimagine ang mukha ni Mark. "Nung nakita mo siya sa malapitan nagulat ka kasi "sobrang pogi" niya?" Pagpapatuloy ni Gabby habang inemphasize pa ang salitang "sobrang pogi" sa pagalaw ng dalawang daliri ng mga kamay, "Sa madaling salita, aminado ka na ngayon na tama ako. Na makapigil hininga ang kagwapuhan ni "Black Cat". Tama?" "Inamin ko naman sa kanya na attracted ako sa kanya." "HUWHAT?! Umamin ka na nagwapuhan ka sa kanya?!" Hindi ito makapaniwala. Kilala siyang conservative nito at di basta basta aamin sa feelings niya. "Anong magagawa ko? Nahuli niya akong ineexpect ko na hahalikan niya ako?" "Ano?! Ineexpect mo na hahalikan ka niya?! Aba bestfriend, masyado ka na yatang liberated ngayon?" "Hindi mo naiintindihan e.. Lumapit siya sa akin. As in ganito," sabi niya habang itinataas at inilapit ang dalawang kamay na kunwari mga mukha nila ni Mark. "O tapos?" "Pinikit ko mga mata ko." "O tapos?" "Kinuha niya lang pala yung nahulog na pilik-mata sa mata ko." "Hala nakakahiya ka Beshie! Nag-expect ka nga!" Tinakpan niya ang mukha niya ng mga kamay, "Nakakahiya! Naiinis ako sa sarili ko bakit ko ginawa yun?!" Tumawa si Gabby ng malakas. "So anong problema?" sabi nito. Tinanggal naman niya ang pagkakatabing ng mga kamay niya sa mukha. "A-anong problema?" naguguluhan niyang tanong. "Nag-expect ka. Ibig sabihin may gusto ka sa kanya. So bakit ayaw mong magpaligaw?" "E kasi Gabby para sa akin, hindi lang naman physical na katangian ang dapat basis sa relationship. Gusto ko sa magiging boyfriend ko yung di ako sasaktan. Nasabi ko naman sa iyo yung past namin ni Mark di ba?" "Nagsorry naman siya sa iyo di ba?" "Oo." "Yun naman pala e." "E paano kung ulitin na naman niya? Di ba nga kaya ko tinawag siya na "Black Cat" dahil puro kamalasan ang ibinibigay niya sa akin? Paano kung niloloko lang pala niya ako at gusto niya lang akong saktan sa huli?" "Ay naku! Ipahinga mo yang utak mo at masyadong nagooverthink." sabi nito na napapailing. "Nakapagdecide na ako Gabby." "Final na ba yan?" Parang nahuhulaan na nito ang sasabihin niya. "Oo final na. Di na ako makikipagkita sa kanya." "E paano kung si destiny naman talaga ang naglalapit sa inyo?" "Siguro nangyari lang yun kahapon para makapagpatawaran kami. Pero hanggang doon na lang yun." "Sige ikaw bahala. Pero friend wag kang maiinis sa akin ha?" "Bakit naman?" "Pag unintentional na nagmeet kayo kakanta talaga ako ng 'Baby you're my destiny. You and I we're meant to be..,'" sabi nito habang kumakanta. Feel na feel nito ang pagkanta kaya natawa na din siya. "Baliw! Sa ginawa mo mas lalo akong namotivate na di na makipagkita pa kay Mark dahil ayaw kong marinig yang sintunado mong boses." "Ay grabe siya oh! Kung makapagsalita ka akala mo mas magaling kang kumanta sa akin ah. Sige nga kantahin mo nga yung kanta ko?" Pinatulan naman niya yung hamon ni Gabby. "Baby you're my... desti--ny! You and I we're meant to beee!" Tawang-tawa naman si Gabby sa kanya dahil kaliwa't-kanan ang pagsemplang ng boses niya. "May naisip ako friend." Tawang-tawa pa rin ito. "Ano yun?" "Subukan mo kayang kantahan na lang si Mark? Kasi pag narinig niya boses mo di ka na mahihirapan na iwasan siya. Siya na mismo ang lalayo sa iyo!" "Bwisit!" Parang dumadagundong sa buong bahay ang tawa ni Gabby. Enjoy na enjoy itong asarin siya. Pati naman din siya ay nahawa sa pagtawa nito. PAGKATAPOS nilang kumain ay pinatulog na siya ni Gabby sa kwarto nito. Ilang oras na lang ay papasok na siya pero di pa rin siya datnan ng antok. Nananariwa yung eksena nila ni Mark kanina sa gym. Yung gwapong itsura nito at matipunong pangangatawan. Naalala din niya ang boses nito at lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Ibang-iba ang pakiramdam niya. Di tulad ng nangyari dati ay naging peaceful ang pagkikita nila. Walang masasakit na salita. At ang maganda pa nun ay nagkapatawaran sila. Nangiti siya habang unti-unting nakatulog pero sa pagtulog niya ay muling bumalik ang mga masasakit na eksena sa buhay niya na gusto niyang alisin sa memory niya. Parang isang pelikulang bumalik sa alaala niya ang mga pangyayari nung elementary at school fair nung third year highschool pa siya. Lahat ng scenes ay parang isa-isa niyang pinapanood sa panaginip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD