Napagpasyahan ng Lola Ising at Tatay Damian niya na ilipat siya sa St. Martin school para hindi na siya nabubully ng mga kaklase niya.
Nang sumapit ang bakasyon ay nangako siya sa sarili niya na babaguhin niya ang sarili at hindi na magiging mahiyain kaya naman inihanda niya ang sarili sa paglipat niya ng ibang school.
Binigyan siya ng mga teenager magazines ni Nanay Theresa para mapag-aralan niya ang tamang pananamit ng isang dalaga.
Nakataas ng confidence niya ang pagtakbo sa Quezon City Circle. Bukod sa naging fit ang pangangatawan niya ay nasanay siya sa mga taong tumatakbo dun.
Sumasama din siya sa biyahe ng kanyang ama para mas lalo siyang masanay sa mga tao. Siya ang nag-aabot ng mga bayad ng pasahero at nagsusukli sa mga ito.
Sumasama din siya sa pamamalengke ng Lola Ising niya. Hinahayaan siya nitong makipag-usap sa mga tindera at humingi ng tawad o discount sa mga pinamimili nila.
Madalas siyang bumisita kay Nanay Theresa para i-maintain ang kanyang maikling buhok. Tinuruan siya nito ng tamang pag-aayos sa sarili at tamang paglalakad. Lagi nitong itinutuwid ang kanyang likod at itinataas ang kanyang mukha para masanay siyang maging confident sa sarili.
***
PAGPASOK niya sa bagong school ay ibang-iba na siya.
Nakatulong ang maikli niyang buhok na lalo tuloy nagpahighlight sa maganda at maliit niyang mukha at sa kanyang brown eyes.
Naging mas kapansin-pansin din siya sa maraming estudyante dahil siya lang sa klase ang may maiksing buhok.
Siya na ngayon ang nag-uumpisa ng conversation kaya dumami ang mga kaibigan niya.
Palagi siyang nominated as class president dahil popular siya hindi lang sa buong klase kung hindi maging sa ibang section.
Ang dating malungkot at nakatungong Sam ay napalitan ng palangiting dalagita. Nagraradiate ang charming personality niya kaya naman madalas tawagin siyang "campus crush".
***
FROM first year hanggang second year ay naging mapayapa ang buhay estudyante niya.
Wala sa hinagap niya na magkikita ulit sila ni Mark pagdating ng third year at mauulit uli ang di naging magandang karanasan sa presensya nito.
Binili kasi ng St. Martin na eskwelahan niya ang dati niyang school na St. Rafael. Parehas na semi-private school ito at mabait ang may-ari nito na babaan ang tuition fee para makapag-aral ang mahihirap na katulad niya.
Binalita sa kanilang lahat na simula ngayon ay makakasama na nila sa mga events ang mga estudyante ng St. Rafael.
Ang unang event ay school fair na gaganapin sa Emerald Villa na pag-aari din ng school nila.
Malawak ito at kasya ang pinagsamang estudyante ng dalawang school.
Halata sa mga kaklase niya ang excitement maliban sa kanya.
Natatakot siya na baka makasalubong niya sa fair ang mga dating kaklase na nanunukso sa kanya nung elementary lalong lalo na ang muling makita si Mark.
"Ok ka lang Sam?" Pag-aalala sa kanya ni Gail na close friend niya nang makita nitong may malalim siyang iniisip.
"O-oo." pagsisinungaling niya. Wala kasi siyang pinagsabihan tungkol sa past niya. Maging sa mga close friends niya ay inilihim niya ito. Nagdesisyon siya ng ganun dahil gusto niya paglipat niya sa bagong school ay ibang tao na siya.
***
At dumating na nga ang kinakatakutan niyang event.
Pagdating niya sa mismong event ay sinalubong siya ng makukulay na banners ng school fair nila.
Bahagya ay napalitan ng paghanga ang kaba niya dahil napakalaki at napakaganda ng Emerald Villa. Napapaligiran ito ng iba't ibang klaseng mga halaman at makukulay na mga bulaklak. Napakapresko ng hangin dito dahil sa mga puno na malinis na nakahilera sa nilalakaran niya.
Pagpasok niya pa sa pinakalooban ay nakita na niya ang iba't-ibang makukulay na booths.
Nakasalubong niya si Gail habang kasama nito ang boyfriend na magkahawak kamay.
Nagsuggest ito na puntahan niya ang Science Booth dahil tiyak daw na mageenjoy siya.
Hinanap niya ang mga kaklase pero sa sobrang dami ng tao sa villa ay mukhang mahihirapan siyang hanapin ang mga ito.
Halos marami sa nakakasalubong niya ay may hawak na bulaklak mula sa flower booth.
Ang school fair kasi nila ay itinataon palagi sa Valentine's Day kaya ginagawang date event din ito ng mga magkasintahan.
Maraming nagtangkang manligaw sa kanya pero walang nagtagumpay sa mga ito dahil agad niyang binabasted.
Gusto niya munang makapagtapos ng highschool at makapasok sa magandang unibersidad kaya naman di pa niya priority ang magkaboyfriend.
Hindi pa siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Angel na kaklase niya dati.
Napaatras siya sa paglalakad at balak tumalikod dito ngunit tinawag na siya kaagad nito. "Sam? Ikaw na ba yan?"
Ineexpect niyang lalaitin siya nito pero nagulat siya ng hawakan nito ang mga kamay niya. "Hanggang ngayon nakokonsenya ako sa ginawa ko sa iyo nung elementary. Mabuti at nagkita tayo ulit gusto ko sanang magsorry."
Nakahinga siya ng maluwag at napangiti dito. "Wala na sa akin yun Angel. Matagal na kitang pinatawad."
"Salamat Sam." sabi nito. Ilang minuto din silang nagkausap at pagkatapos ay nagpaalam na din ito para samahan ang mga kaibigan.
Nabalitaan niya dito na lumipat na rin ng ibang school si Danny at Ben pagtungtong ng highschool pero nagpasabi din daw ang mga ito ng sorry kung magkikita daw sila ni Angela.
Gusto sana niyang itanong kung kumusta na si Mark pero tinawag na ito ng mga kaibigan.
Kahit paano ay interested siyang malaman kung anong nangyari na kay Mark sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya.
Muli ay mag-isa siyang naglakad papunta sa Science Booth.
Bago siya makapasok sa Science Booth ay pumila muna siya sa ticket booth para bumili ng mga tickets para sa mga booth na gusto niyang puntahan.
Pagdating niya sa bayaran ay tinanong muna niya ang lalakeng nakatungo kung magkano ang ticket sa Science Booth.
"Twenty" sabi nito habang busy sa pagbibilang ng pera.
"Ito o" inabot niya ang pera sa maliit na butas ng salamin. Tumingala ito para abutin sana ang pera pero sa pag-angat ng ulo nito ay parehas silang nagulat.
Si Mark pala ang lalake sa ticket booth!
Nagkatitigan sila ng ilang saglit. Nakita niya sa mga mata nito ang paghanga pero dagli niya ring isinantabi dahil wala siyang interes kung humanga ito sa kanya o hindi.
Siya naman ay nangangapa din ng magiging reaksyon habang nakataas ang mga kamay sa bintana ng booth at hawak ang ibabayad sanang pera. Hindi niya alam kung siya ba dapat ang unang magsalita o hihintayin niya itong mauna.
Matagal silang ganun ngunit siya na rin ang bumasag ng katahimikan.
"Bayad" sabi niya.
Natauhan din ito at agad na bumunot ng ticket sabay abot sa kanya.
"Salamat" matipid na sabi niya habang kinukuha ang ticket na nabili dito.
Tumalikod na kaagad siya at naglakad papalayo para di na humaba pa ang pag-uusap nila.
Papasok na siya sa Science Booth nang narinig niya ang pangalan niya na inaannounce ng Music Booth.
"This song is dedicated to Sam Chavez" saka pinatugtog ang "You Are So Beautiful".
Napangiti siya sa dedication at nacurious kung sino ang romantic na lalakeng nagdedicate sa kanya.
Kung sabagay, hindi malayong may magdedicate sa kanya dahil nandito rin sa school fair ang mga naging manliligaw niya.
Pagpasok niya sa Science Booth ay sinabihan sila ng organizer na maghawak hawak ng mga kamay para padaluyin ang kuryente na manggagaling sa bilog na device sa harapan nila.
Isa isa silang nagform ng circle at naghawak hawak ng kamay nang biglang may sumingit sa kaliwa niya at humawak sa kamay niya. Pagtingin niya ay nakita niya ang matangkad na pigura ni Mark.
Hindi pa man naguumpisang paandarin ng organizer ang device ay may kung anong kuryente na ang dumaloy sa buong katawan niya.
Bigla niyang binitiwan ang kamay ni Mark. Nakita naman ng organizer ang ginawa niya. "Miss, di ko pa po pinapadaloy ang kuryente."
Nagtawanan tuloy ang mga estudyante sa paligid niya.
Hiyang hiya siya sa nangyari at pulang pula ang mukha niya.
"Miss, hawakan mo na ulit yung kamay ng katabi mo para makapag-umpisa na tayo." pagreremind nito sa kanya. Siya na lang kasi at si Mark ang hindi magkahawak kamay.
Napaatras siya sa kinakatayuan at balak na umurong na lang ngunit hinawakan ulit ni Mark ang mga kamay niya "Hawak kamay daw." sabi pa nito at kinindatan siya. Napansin niya na abo't tenga ang mga ngiti nito.
Tuwang tuwa ang mga estudyante ng maramdamang dumaloy ang kuryente sa kanilang katawan.
Ngunit, siya lang ang bukod tanging di nakaramdam ng kuryente dahil mas nakafocus siya sa kamay ni Mark na hawak kamay niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
"Naramdaman mo yung kuryente?" Tanong nito sa kanya na makahulugang nakangiti sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nitong kuryente. Yun bang kuryente nung hinawakan siya nito o yung kuryente sa Science Booth. Yung pilyo na pagkakangiti nito ang nagsabi sa kanya na yung unang kuryente ang tinutukoy nito.
Di niya mapigilan na mainis dito dahil sa pang-aasar nito kaya naman pagkatapos na pagkatapos ay agad siyang bumitaw sa kamay nito at naglakad ng mabilis papalayo dito.
"Teka... Saglit lang..." Tawag nito sa kanya habang hinahabol siya.
Mabilis naman itong nakahabol sa kanya.
"Pwede ba? Ayokong makipag-usap sa iyo." sabi niya dito. Medyo nagulat pa ito sa pagiging assertive niya dahil di naman siya ganito dati.
"Teka mag-usap muna tayo." binilisan nito ang hakbang at hinarang nito ang katawan sa dadaanan niya. Hindi niya tuloy magawang makatakas dito.
Dahil sa kakulitan nito ay napilitan siyang makinig dito.
Huminga muna ito ng malalim para kumuha ng lakas ng loob bago magsalita.
"Gusto ko sanang humingi ng sorry dun sa nagawa ko sa iyo dati."
'Alin yung pagsulat mo ng "exotic" sa slambook ko o yung paggupit ng buhok ko?' Galit niyang tanong dito. "Dahil sa ginawa mo hindi ako nakaattend ng graduation!" Hindi niya napigilan na tumulo ang luha niya dahil muling nanumbalik yung sakit na naramdaman niya noon.
Kahit dalawang taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin sa mga alaala niya ang lahat ng mga pangyayarin.
Halatang nag-alala ito sa pag-iyak niya. "Sam..."
Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Pinapatawad na kita Mark. Kaya sana pakiusap ko na wag mo na akong aabalahin pa." pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan na niya ito.