Papapasok sila Blaize sa tinutuluyan nila nang may dalawang lalaking humarang sa kanila. "Kayo ba ang celestial guardian?" tanong ng isang lalaki na may suot na salamin. Bumaba ang tingin ni Blaize sa bandang dibdib nito kung saan may makakitang simbolo. Minsan na niya iyon nakita sa uniform nila Zaira tuwing nagtatarabaho sila para sa white legion kaya nilingon niya si Liam. Tumayo ito sa harapan nila. "Ano kailangan niyo?" "Ako si Martin, ang team leader sa Demesne. Pinadala kami dito ni President Fiester para tulungan kayo sa paghahanap sa mga kapatid mo." Tumango si Liam. "Doon tayo sa kwarto." Sumunod sa kanya ang dalawang miyembro ng white legion. Naglakad na rin sila Blaize habang pinagmamasdan ang likod nila Martin. Sinara ni Ivan ang pinto saka sumandal doon. "Ahe

