Pinagmasdan ni Zaira si Stephanie habang nililinis ang pinagkainan niya. Ngayon lang ito dumalaw sa kanya sa kwarto simula noong umamin ito sa mga kasalanang ginawa. Nagtataka si Zaira kung bakit ito ang nagliligpit ng pagkain niya. "Zai, nag-away ba kayo ni kuya?" tanong ni Stephanie. Nahinto sa pag-iisip si Zaira. "Nag-aalala kasi ako sa kanya. Isang araw na siyang hindi lumalabas sa kwarto." Kitang-kita ni Zaira sa mata ni Stephanie ang pag-aalala nito kay Henry. "Sorry," sabi ni Zaira sabay yakap sa sarili. Gustuhin man niya tulungan ito pero hanggang ngayon sariwa pa sa alaala niya ang nangyari. "May ginawa ba siya sayo?" Hinawakan ni Zaira ang leeg niya. "Pasensya na pero ayaw ko muna pag-usapan yung nangyari." Yumuko si Stephanie saka mahinang tumugon. "Naiintindihan

