Napayuko si Henry nang makita ang seryosong mukha ng ama habang nakatingin sa kanya. "Binugbog mo si Dominic?" tanong ni Haring Linus. Kalmadong man ang tono ng boses nito alam ni Henry na kabaliktaran nito ang nararamdaman ni Haring Linus. "Ama, ginalaw niya si Zaira. Dapat lang sa kanya yun." Nagsalubong ang kilay ni Haring Linus saka tinignan ng masama si Henry. Nanlisik ang mata ng hari. "Dahil lang sa taong yun binugbog mo siya? Baka nakakalimutan mong alipin lang ang babaeng yun. Pwedeng gawin ang kahit na ano sa kanila." "Ama, mahal ko po si Zaira. Hindi basta alipin ang turing ko sa kanya." "Mahal? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo pwedeng mahalin ang taong kagaya niya. Gagamitin ka lang niya at pagkatapos iiwanan ka. Walang sinumang tao ang magnanais na mahalin

