Chapter 13

1400 Words
CHACHI'S POV' Nagising ako ng wala sa sarili ko, hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako o idlip lang. Hindi kasi mawala sa isip ko yung sitwasyon ko ngayon, para akong nagsakripisyo ng kasiyahan ko. Ayokong lokohin si Jimin o pagsinungalingan pero anong magagawa ko? Ang walangyang Leeteuk na 'yun, ang lakas ng loob niya para i black mail ako at wawasakin niya ang career ni Jimin? "Chachi, tawag ka ng BTS sa baba." "Di ba uso katok sa'yo? Pano kung nakahubad pala ako dito?" Sabi ko kay Mikayla. "Eh sorry na hahaha. Ako lang naman 'to eh tsaka nakita ko na yan baliw. Dalian mo!" Tumayo na kaagad ako sa kama ko saka ako naghilamos lang ng mukha at nagsipilyo saka ako pumunta sa baba. Nadatnan ko ang BTS na mga nakaayos at may iilang bagahe sa may paahan nila kaya napakunot noo ako. "Aalis muna kami Noona." Sabi ni Rapmon. "San kayo pupunta?" Tanong ko. "Pake mo?" Sabat ni Jimin kaya lalo akong nakaramdam ng lungkot. Oo nga naman ano nga bang pakialam ko? "Ah Miss Chachi may shoot daw kami para sa bagong comeback namin. Eh gustuhin ka man namin isama eh hindi daw pwede sabi ng Lolo mo." Naku talagang si Lolo parang nilalayo ako kay Jimin huhuhu. "Hindi ano ka ba Taehyung, okay lang naman sakin. Tsaka masama din pakiramdam ko eh." Pagsisinungaling ko. "Eh pano ba yan Miss Cha--" "You know what cut the drama, malalate na tayo hyung, pwede bang mag text nalang kayo sa byahe?" Sabay tayo ni Jimin bitbit ang bag niya. Binigyan ako ng apologetic look ni Taehyung pero sinuklian ko nalang siya ng ngiti para hindi na siya mag alala pa. "Itetext nalang kita V wag ka ng mag alala tsaka kasama ko naman si Mikayla." Sabi ko. Tumayo na din sila saka sila nag bow saakin. "Annyeong Noona!" Paalam nilang lahat. Hindi ko na sila hinatid hanggang sa labas dahil baka sungitan na naman ako ni Jimin. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapa under kay Jimin samantalang ako naman ang may ari ng kumpanya na pinagtatrabahuhan niya. Ganun ko lang siguro siya talaga kamahal. Pagkaalis nilang lahat, naiwan kaming dalawa ni Mikayla na nakatunganga lang sa may sala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil una sa lahat wala naman akong ibang lakad, pangalawa wala naman akong gagawin. *dingdong* Nagkatinginan kaming dalawa ni Mikayla saka kami pumunta sa may pinto para silipin kung sino ang bisita sa labas at laking gulat ko ng makita ko si Lolo at si JB ng Got7 na nasa labas. Anong ginagawa nila dito?! Agad kong pinagbuksan ng pinto si Lolo at JB. "Apo, buti naman at naabutan kita dito. May importante akong sasabihin sa'yo, sana hindi ka magtampo sa Lolo." Nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin ni Lolo kaya naman pinaupo ko na muna sila sa may sala saka nagtimpla ng maiinom si Mikayla sa may kitchen. "Ano po ba 'yun Lo? Please jump." Nagkatinginan muna sila Lolo at JB saka binalik ni Lolo ang tingin niya sakin. "JB will replace Jimin as your partner on WGM. I know you will be upset to your Lolo but please apo, BTS will be having their Asia tour starting next week and hindi maaasikaso ni Jimin ang taping niyo. We already spread the rumors and yes madaming natuwa na ARMY's and madami ding nalungkot dahil madami dami na din ang mga nag shiship sainyo." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabe ni Lolo at kusa nalang bumagsak ang balikat ko sa sobrang lungkot. Hindi naman dapat ako malulungkot dahil dapat nga matuwa ako dahil magkaka asia tour and BTS at syempre dadami na naman ang mapapasaya nilang ARMY's pero hindi ko pa din maiwasan malungkot, syempre may chance naman na magkagusto sakin si Jimin kapag nagkaroon kami ng sparks at palaging magkasama pero malabo na siguro ngayon. Maybe I should just give up. Hindi sa pagmamahal ko kay Jimin, mag gigive up nalang ako sa point na magkakagusto din siya sakin balang araw. "Apo? Are you okay?" Nawala ako sa ulirat ng bigla akong tapikin sa balikat ni Lolo. "P-po? O-oo naman Lolo okay lang po." Napangiti naman si Lolo sakin kaya sinuklian ko din si Lolo ng ngiti saka nalipat ang tingin ko kay JB na medyo naiilang. *phone ringing* "Wait lang ha? Tumatawag si Jimin." Sabi ni Lolo. "Ne?" Napatingin sakin si Lolo saka naman biglang napahilot sa sentido si Lolo. Ano kayang pinag uusapan nila? "Jimin, mas importante pa ba 'yun kaysa dyan sa lakad niyo?" Medyo pagalit na sabi ni Lolo. "Arraseo, arraseo." Saka nalang binaba ni Lolo ang cellphone niya. "Bakit daw Lo?" Tanong ko. "Wala 'yun apo, may complications lang about sa Asia tour pero I'll fix it. Oo nga pala apo this is Jae Bum of Got7." "Yes I know him Lo." Sagot ko saka ko nginitian si JB. "JB alam mo naman na pure American yang apo ko na yan, so be nice okay? Kayo na ang magiging official na couples sa WGM kaya kilalanin niyo na din ang isa't isa para hindi kayo magkailangan sa mismong taping niyo." Paalala ni Lolo saka siya tumayo. "San ka pupunta Lo?" "Madami pa akong aasikasuhin apo, maiwan ko muna kayo ni JB dyan. JB yung paalala ko." Tumango naman si JB saka siya tumayo at nag bow sa Lolo ko. Nang makaalis si Lolo mahigit sampung minuto ata kaming hindi nagsalita ni JB pero maya maya ay nagsalita na din siya. "You have an incredible house Chachi." "Thanks." Sagot ko. "Galit ka ba dahil pinalitan ko si Jimin sa pagiging partner mo?" "What? Hindi no. Ano ka ba hahaha. It's not your fault or anyone's fault. BTS is a really busy group nowadays kaya expected ko na din na mangyayare 'to. Oo na disappoint ako pero at the same time natuwa na din ako kasi madaming raket ang BTS at madami na naman silang mapapasaya na fans nila around Asia." Napangiti si JB sa sinabe ko saka siya napatango tango ng biglang pumasok si Mikayla na may dala dalang tray. "Ayyy wala na si Bang PD nim? Sayang naman 'to. Well akin nalang 'to hahaha." Saka nilapag ni Mikayla ang tray na may lamang juice at cake. "Mikayla this is JB. JB this is Mikayla my bestfriend." Nagkamayan naman silang dalawa saka umupo si Mikayla sa may tabi ko. "Yes I know him, siya yung bias wrecker ko sa Got7! Annyeong oppa!" Ang hyper talaga netong si Mikayla kahit kelan. "Ne. Annyeong haseyo." Sagot naman ni JB. "So?????" "If it's okay with you, tomorrow pwede tayong mag meet somewhere or you'll go to my place or ikaw na bahala para i practice yung lines?" Eto na ba talaga 'yun? Yung time para maging si JB na ang partner ko sa WGM? I know I sounded unfair para kay JB pero hindi ko naman pwede turuan yung nararamdaman ko diba? Eto talaga ang nararamdaman ko. Parang kulang na namimiss ko siya. Basta ang hirap i explain. "Sure. Dito nalang okay lang ba?" "Oo naman. So mauna na ako?" Tanong niya. "Yeah sure." Tumayo na si JB kaya tumayo na din ako at si Mikayla saka namin siya hinatid sa may pinto. "I'll be here tomorrow at exactly 8am." Dagdag niya. Hihingin ko nalang kay Lolo yung number niya kung sakaling magka emergency pero wala naman siguro. Nang makaalis si JB, bigla naman ako sinabunutan ni Mikayla ng mahina. "Araaaaaay! Problema mo?!" Saka ko inayos ang buhok ko. "Hoy babaita, kay Jimin ka lang ha? Baka naman mafall ka kay JB nyan jusko kaninang nagkatitigan kami nakalimutan ko ng 2 minutes si Jungkook. Naku tatakungin talaga kita sa mukha!" Napaka brutal talaga ng babaeng 'to kahit kelan. "Hoy kahit na sino pa yang iharap mo sakin, kahit na si Kim Soo Hyun pa yan o Lee Min Ho o si Justin Bieber wala pa ding makakapantay sa pagmamahal ko kay Jimin 'no! Taga mo pa sa tigas ng ulo mo yan!" Sigaw ko saka ko dinutdot ang ulo niya. "Aray masakit. Siguraduhin mo lang kundi magsosolian talaga tayo ng kandila." Natawa naman ako sa sinabe niya, kasi kahit naman mangyare 'yung sinasabe niya eh hindi naman niya magagawang magsolian kami ng kandila. Trust me, ilang beses na niyang sinabe sakin yan pero hindi naman nangyayare. Ano kayang mangyayare bukas? Mag work out kaya yung samin ni JB?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD