Chapter 12

1503 Words
CHACHI'S POV' Napabangon ako sa kama ng sobrang sakit ng ulo ko, ni hindi din ako makatayo ng maayos dahil sa pagkirot ng sentido ko. Naaalala ko naman ang lahat kagabi pero bakit naman ganito sa pakiramdam pagkagising? *KNOCK KNOCK* "PASOK!" Sigaw ko. Agad na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kim Taehyung na nakabihis at napakalapad ng ngiti sa mukha. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Sasamahan kita sa taping niyo ngayon." Nakangiting sabi niya. "Pero may rehearsal pa kayo diba?" Kinuha ko ang hairbrush ko sa may tukador saka ako pumunta sa may salamin para mag suklay. "Hindi natuloy eh, kaya samahan nalang kita. Hindi ka din naman masasamahan ni Mikayla dahil may aasikasuhin daw siya." Wala na akong nagawa kundi napatango nalang ako kay V. Mas maganda nga siguro kung isama ko siya para hindi naman ako mag mukhang third wheel kay Jimin at Minah. Baka lalo lang akong masaktan kapag palagi ko silang pinagmamasdan. "Sige na V. Mag aayos na muna ako, hintayin mo nalang ako sa baba." Ngumiti naman si V sakin saka siya naglakad papunta sa may pinto. Milagro hindi nagsasalita 'yun ngayon. May problema kaya? Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad na akong bumaba para puntahan si V, at as usual hindi na naman maganda ang inabutan ko. Bakit? Naabutan ko lang naman si Jimin at Minah na nasa sala at magkahawak ang mga kamay. Mukhang napansin naman ni V ang lungkot sa mga mata ko kaya agad na siyang tumayo at lumapit papunta sakin. "Miss Chachi ako ng magdadala ng bag mo." Inabot ko naman kay V ang mga dala kong bag saka ko iniwas ang tingin ko saka ako bumaba ng hindi na sila pinapasadahan ng tingin. Dumiretso na kami sa van saka ako tumabi kay V. Tahimik lang ang naging byahe namin dahil hindi ko na tinangkang lumingon pa sa kanilang dalawa. Nag headphones nalang din ako para hindi ko marinig ang usapan nilang dalawa. Pagdating namin sa venue ay nauna na din akong bumaba kasunod si V na naka disguise. "Pfffft. Seriously V? Minion? Hahaha." Pano naman kasi nakasuot siya ng minion na jacket na may hoodie saka nerdy glasses at mask kaya hinding hindi mo siya makikilala. "Atleast napatawa kita haha." Sagot niya na nakapag patigil sakin. Oo nga naman, pumapangit na siguro ako sa kakasimangot ko. "Nandito na sila Direk!" Sigaw nung isang staff kay Direk kaya agad na kaming dumiretso ni V sa may dressing room. Nang makapasok kami sa dressing room pinaupo ko na muna si V sa may sofa habang inaayos ko naman ang mga make up na gagamitin ko. "Wag mong sabihing hanggang dito sa dressing room susundan mo yang si Chachi?" Naiinis na tanong ni Jimin kay V. "So?" Sagot naman ni V kaya naman nagsalita na din ako at baka dito pa sila mag away na dalawa. "Hayaan mo siya Jimin, mas gusto ko na nandito siya para naman hindi siya pagkaguluhan ng media sa labas. Hindi ko naman kayo pinapakialaman ng girlfriend mo kaya please lang." Nanlaki naman ang mga mata ni V at si Jimin naman ay hindi na nakapag salita kaya tumalikod nalang ako at inayos ang mga gagamitin ko. Hindi siguro sila makapaniwala na napagsalitaan ko si Jimin ng ganun. Alam ko labag sa loob ko ang pagsigaw kay Jimin pero pati ba naman si V pagbabawalan niya pa din na makasama ako? Ano ba ako? May sakit na nakakahawa? "5 minutes nalang Chachi and Jimin, game na kayo." Sabi nung assistant director kaya binilisan ko na ang pag lagay ng lipstick sa labi ko saka ko inayos ang damit ko. "Goodluck Miss Chachi!" Napangiti naman ako kay V saka ako naunang lumabas ng dressing room kasunod si Jimin na diretso lang ang tingin. Pagkadatig namin sa set nagpakalma muna ako saka ako ngumiti at inayos ang buhok ko bago ko hinarap si Jimin na mukhang ready na din dahil sa pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. "Aaaaaaaaaand action!" MINAH'S POV' Kanina pa ako nakatingin sa paggalaw ng orasan dito sa loob ng dressing room at konting konti nalang bibigay na ako para manggulo sa labas. Napakatagal naman kasi nila. Anim na oras na akong naghihintay dito at ito naman kasama ko na alien na 'to mukhang masaya pa siya sa paghihintay niya. Bakit ba ako nandito? Bakit ko nga ba inaantay ang walang kwentang lalake na 'yun? Hindi ko naman siya mahal. Pwe! Kadiri!! "Hoy alien! Bakit ka nakangiti dyan?! May nakakatawa ba?!" Sigaw ko kay V. "Wala. Pake mo?" Napataas naman ang isang kilay ko ng bigla niya akong sungitan. Aba! Akala mo naman kung sinong gwapo. Well oo gwapo nga siya pero duh! Ang kapal ng mukha niya para sungitan ang isang dyosa na kagaya ko! "Wow. Ang kapal naman ng mukha mo para--" "Pwede bang tumahimik ka? Kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng dressing room. Kababae mong tao napaka skandalosa mo." What the effin fvck?! "Ano bang--" "Binabalaan kita Minah, isang pagtataray mo lang kay Chachi ako makakalaban mo. Wala akong pake kung masira ang pangalan ko sa mga fans mo, basta mailabas ko lang ang baho mo kuntento nako." Napanganga naman ako sa sinabe ng alien na 'to. Ilabas ang baho ko? May alam ba siya tungkol samin ni Leeteuk? Hindi nalang ako nakapag salita saka ako lumabas ng dressing room para puntahan si Leeteuk. May pinagsabihan ba ang gag*ng 'yun?! CHACHI'S POV' Pagkatapos ng taping namin ay agad ko ng tinanggal ang pagkakayakap saakin ni Jimin saka ako dumiretso sa dressing room para kamustahin si V. Dapat 4 hours lang ang taping pero kasi si Jimin kundi niya makakalimutan ang linya niya eh bigla nalang siyang matatawa. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya lang ba ang taping o sinasadya niya talaga para magtagal kami? Pagbalik ko sa dressing room ay walang Minah akong nakita kaya nakaramdam ako ng konting tuwa. "Miss Chachi!" Tumayo agad si V sa pagkakaupo niya saka niya ako pinaupo sa sofa. "Pasensya ka na V ha? Nagtagal yung taping kasi laging nagkakamali si Jimin eh." Napatingin naman si V kay Jimin na nakangisi saka niya binalik ang tingin niya saakin. "Okay lang 'yun Miss Chachi, kahit mas tagalan niyo pa sa susunod okay na okay lang sakin." Napasimangot naman ako kay V. "Mas tagalan edi lalo lang akong napagod nun." "Where is my girlfriend?" Biglang singit ni Jimin. "She ran away hyung. Go find her." Nakangising sabi ni V kaya agad namang tumayo si Jimin at kinuha ang mga gamit niya saka niga hinanap nga si Minah. Pagkaalis ni Jimin ay tumayo na din kami ni V saka niya ako tinulungan sa mga gamit ko. Nagtataka kayo kung bakit wala akong tiga ayos ng gamit ngayon at tiga make up? Pinakiusapan ko kasi si Lolo na wag na muna niya akong bigyan ng mga alalay habang kasama ko si V at baka dagdag issue lang ang mangyare. Ayoko naman ireject si V dahil andami na nga niyang nagagawa para sakin eh. Pagkauwi namin sa mansyon ay walang anino ng ibang miyembro ng BTS kaming nakita kahit si Mikayla ay wala pa. "Nasan sila?" Tanong ko. Agad naman na kinuha ni V ang cellphone niya saka siya may tinawagan. "Rapmon hyung! Nasan kayo?" Nakita ko ang pagkunot noo ni V saka siya napatingin saakin. "Ne. Arraseo." Agad na binaba ni V ang tawag kaya tinanong ko na agad siya. "Nasan daw sila?" "Nag grocery lang daw sila. Pabalik na din." Napatango nalang ako. Umakyat na agad si V bitbit ang mga bagahe ko saka ako dumiretso sa kusina para uminom ng tubig ng may biglang tumakip ng bibig ko. "Mmmppp mmmmppp." "Chachi wag kang maingay kung ayaw mong masaktan. Sumama ka lang saglit saakin at mag uusap lang tayo." Hindi pamilyar saakin ang boses niya kaya naman nagpatangay nalang ako papunta sa kotse niya. Nang mabitawan niya ang pagkakatakip sa bibig ko saka ako nagulat ng makita ko si Leeteuk na member ng Super Junior. Hindi ako nagkakamali, siya yung boyfriend ni Minah. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko. "Kailangan ko ang kooperasyon mo." Napakunot noo naman ako sa kanya. "Alam kong alam mo na kami ni Minah habang sila ni Jimin. Kaya gusto ko na tumahimik ka, lahat ng nalalaman mo gusto ko itago mo nalang sa sarili mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" "At bakit naman ako makikinig sayo?! Niloloko niyo si Jimin!" Sigaw ko sa kanya. "Kapag hindi ka nakinig sa sinasabe ko, ako mismo ang sisira sa kinabukasan ng pinakamamahal mong si Jimin. Alam kong masama 'tong pinaplano namin pero eto lang ang tanging paraan para sumaya si Minah." Nababaliw na sila! Nababaliw sila! "Oo tama ka ng iniisip mahal ko si Minah, ginagamit niya si Jimin para sa kasikatan niya. Alam kong hindi din niya ako mahal at ginagamit niya lang din ako pero ano bang magagawa ko? Mahal ko eh. Alam kong ganun ka din kay Jimin kaya kung mahal mo si Jimin pinapakiusap ko sa'yo sarilinin mo na lang ang nalalaman mo." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD