Chapter 11

1454 Words
CHACHI'S POV' Nasa mansion na kami ngayon and guess what tinotoo nga ni Minah ang pagpapa pizza party niya dito. Ni hindi man nga lang siya nagulat na magkakasama kami sa iisang bubong ng BTS eh. "Hoy babae! Makatitig kay Minah wagas ah? Baka magkapalit kayo ng mukha nyan ah?" Pang aasar ni Mikayla habang ngumunguya siya ng chips. "Edi mabuti, para magkagusto sakin si Jimin." "Heol... Baliw ka na nga talaga sa Jimin na yan." Tumango nalang ako kay Mikayla saka ko iniwas ang tingin ko sa naglalambingan na sila Jimin at Minah. Gustuhin ko man hablutin si Minah at sipain palabas ng mansion ko, hindi ko naman magawa. Baka lalong madisappoint sakin si Jimin and worst baka iwasan pa niya ako at mas kakampihan niya si Minah. "V?" Tawag ko kaya agad naman lumingon saakin si V. "Ne Noona?" "Pahingi ako." Oh ha! With matching aegyo pa yan. Hinihingi ko kasi yung alak na iniinom ni V at gusto ko lang tikman kung anong lasa. Kanina ko pa kasi napapansin na parang tubig lang kung tunggain ni Minah eh. "Bwo?" Tanong niya. "Yung soju paabot kako." Pag uulit ko kaya nagkatinginan silang lahat saka niya binalik ang tingin saakin. "P-pero Miss Chachi hindi kayo pwede uminom at baka kami ang mapagalitan ni Bang PD nim." Umiling naman ako. "Ako ng bahala kay Lolo, just hand me the soju." Halata sa mata ni V ang pag aalinlangan pero maya maya ay kinuha na niya ang bote ng soju saka niya iyon binigay saakin. Nagsalin ako sa baso na may yelo saka ko muna pinaikot 'yun para lumamig. Alam ko magagalit si Lolo kapag nalaman niya 'to pero sa tingin ko eto muna ang kailangan ko para mawala kahit sandali ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Daig ko pa ata ang namatayan sa nararamdaman ko eh. Masyado ko ng mahal si Jimin kaya ganito. "Daebak! Lolo mo si Bang PD nim?" Tanong ni Minah. "Ne." Sagot ko. Akmang iinumin ko na ang alak ng hablutin ni Jimin ang baso ko kaya nakaramdam ako ng inis. "Kung gusto mong magpakalasing wag dito, duon ka sa labas o sa bar. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kundi kami." Masungit na sabi ni Jimin. "Sinabe ko naman na ako na nga ang bahala diba?" Saka ko hinablot ang baso ni V saka ko nilagok ang alak. Pinilit kong hindi mag react sa lasa ng alak kaya napapikit nalang ako at unti unting nilunok iyon. Bwelk! Ganito pala lasa! "Yah! Aish!" Sigaw ni Jimin. "Let her drink Chim. Hindi na siya bata para pagbawalan sa mga ganyang bagay." Sabat ni Minah saka niya niyakap sa leeg si Jimin. Tch. Hintayin mo lang ako malasing at ilalabas ko ang baho mong malandi kang babae ka. You don't deserve Jimin. TAEHYUNG'S POV' Tinigilan ko ang pag inom ko ng magsimulang uminom si Miss Chachi, kinakabahan kaming lahat kay Bang PD nim at baka malaman niya ito at kami ang malilintikan. Lalo na ako. "Bwii!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Miss Chachi at tumingin saakin. "A-ako?" Turo ko sa sarili ko. Tumango naman si Miss Chachi kaya umayos ako ng upo saka ko tiningnan si Rapmon na nakahawak sa sentido niya. "Naranashan mo na bang mainlove?" Napalunok naman ako sa mga titig ni Miss Chachi. Ang ganda niya talaga nakaka distract. "Hahahaha! Si Taehyung ba Miss Chachi? Lahat ata ng sexy at magandang girl group pinagpapantasyahan niyan eh wahahaha." Sinamaan ko naman ng tingin si Jhope hyung pero tuloy pa din siya sa kakatawa. "Tologo? Kung ganun naranashan mo na din ma reject?" Napatingin naman ako kay Jimin hyung na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Miss Chachi. Naalala ko yung time na kapag andyan ako para kay Miss Chachi si Jimin ang hinahanap niya. Should I take it as rejection? "Oo naman." Sagot ko. "Sakit no?" Oo masakit Miss Chachi. Lalo na ngayon alam ko naman na si Jimin hyung ang tinutukoy mo pero wala akong alam na gawin kundi tanggapin ang lahat ng nakikita at naririnig ko mula sa'yo. "May kaibigan kashi ako na nareject ng mahal niya. Iyak nga siya ng iyak tuwing gabi eh. May mahal na kashing iba yung lalake. Walang ibang nakikita yung lalake kundi yung babaeng mahal niya lang. Hindi niya naaappreciate yung effort ng ibang tao." Napaiwas naman ako ng tingin. Parehas lang pala tayo ng gustong sabihin Miss Chachi eh. Gustong gusto ko ding sabihin sa'yo yan pero wala akong lakas ng loob. Hindi ako pasok sa standards mo. Sobrang natutuwa nga ako dahil napakadaming nag shiship saamin ni Miss Chachi, nag trending pa nga kami at isa pa ako sa nag retweet nun kaya mas lalong naging rumor sa mga fans 'yun. Tuwang tuwa ako at iniisip ko na kangware nalang eh totoo ang hinala nila saamin pero malabo pa siguro sa malabong mangyare ang iniisip ko. "So anong gusto mong palabasin?" Biglang tanong ni Jimin hyung. "Wala naman. Kinukwento ko lang kay Bwii yung kinwento shakin nung kaibigan ko." Saka nagsalumbaba si Miss Chachi sa lamesa. "As far as I know, you don't have any friends than Mikayla." Natigilan naman si Miss Chachi sa sinabe ni Jimin hyung kaya napapikit siya at yumuko. "Now tell me, sino ba yung kaibigan mo na 'yun?" "Stop it hyung." Sabat ko pero hindi ako pinansin ni Jimin. "It's none of your business Jimin." Napangisi naman si Jimin. "Yeobo, bakit ba nacucurious ka sa kwento ni Chachi? Hayaan mo nalang siya, nag dadaydream lang yan." Kahit na babae si Minah hindi ko mapigilang hindi siya murderin sa utak ko at hilingin na sana eh tangayin siya ni Do Min Joon papunta sa planeta nila at wag ng bumalik dito. "Wala ka ng pakialam dun Jimin kung sino ang tinutukoy ko." Sagot ni Miss Chachi saka siya tumayo na gegewang gewang kaya tinulungan siya ni Mikayla na makatayo ng maayos. "Ah.. Ako na mag aakyat kay Chachi. Ituloy niyo lang yan." Sabi ni Mikayla kaya tumango nalang kami. Nang makaakyat sila Chachi at Mikayla tumayo na din si Jimin. "Iuuwi na kita Minah." "Waeyo?" "I'm tired and I need to get some rest at may rehearsal kami bukas." Tumayo naman si Minah saka naunang lumabas si Jimin hyung. Sinamaan naman kami ng tingin ni Minah. "This is all your fault. Bakit ba kasi lumipat pa kayo dito?! Ni hindi ko masolo si Jimin ng dahil sainyo! Bwisit!" Tinaasan ko naman ng kilay si Minah kaya napunta saakin ang tingin niya. "At ikaw husay husayan mo naman ang pagpapacute mo kay Chachi! Ilayo mo siya sa boyfriend ko pwede ba? Ugh!" Inirapan niya kami saka siya naglakad palabas. "Aish! Simula palang talaga sa una ayoko na yung ugali ng babaeng 'yun." Sabi ni Jin. "Sinasayaw ko pa man din lagi yung Something nila." Napangisi naman ako sa sinabe ni Jungkook. Nakakapangsisi nga eh. "Sarap kitilan ng buhay." Sabi naman ni Rapmon. Same here hyung, same here. "May araw din 'yun sakin. Pero sa ngayon matutulog muna ako." Sabi ni Suga hyung saka siya umakyat papunta sa kwarto niya. "Ikaw V hyung wala ka bang sasabihin?" Tanong ni Jhope. "Nasabi ko na lahat sa utak ko ang gusto kong sabihin. Wag niyo ng alamin at baka hindi niyo kayanin." Saka ako naglakad paakyat sa kwarto ko. Gusto kong kamustahin si Miss Chachi at alagaan ngayon pero natatakot akong pumasok sa kwarto niya at baka isipin pa niya eh may balak akong masama sa kanya. Oo nga pala bukas may rehearsal kami tapos diretso sa taping si Jimin hyung. Eh kung sumama nalang kaya ako? Para naman may mag asikaso kay Miss Chachi dun. Panigurado naman eh binabalewala lang ni Jimin hyung si Miss Chachi dun. *KNOCK KNOCK* "Come in." Sabi ko. Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko saka ko nakita si Mikayla kaya agad ko na siyang pinapasok. "May problema ba?" "Tulungan mo si Chachi." Napakunot noo naman ako. "Wae?" "Alam mo naman ang dahilan diba? Hindi mo kasi kilala si Chachi eh, suicidal 'yun." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabe ni Mikayla kaya nagsimula akong mag panic. "Mworago?" [Translation: What did you say?] "Nung bata pa siya, nang mamatay ang Lola niya which is ang asawa ni Bang PD nim, sinubukan ni Chachi na tumalon sa rooftop ng hospital kung saan namatay ang Lola niya. Buti nalang at nakita ko siya. Duon kami unang nagkakilala. Kinwento niya saakin ang lahat." Napayuko naman ako saka napahawak sa sentido ko. Hindi maaari 'to, ayokong maulit 'yun. "V alam kong ikaw ang pinakamaraming fangirls sa BTS kaya kung pwede gawin mo ang lahat para magkagusto sa'yo si Miss Chachi. Alam kong gusto mo siya dahil nararamdaman ko 'yun. Tulungan mo ang bestfriend ko V. Jebal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD