CHACHI'S POV'
Matamlay akong bumaba at kumain kaya naman nagtataka silang lahat sa kinikilos ko. Ni hindi ko nga gaano nagalaw ang pagkain ko. Paano naman kasi naaalala ko na naman yung mga pang rereject ni Jimin saakin. Oo nga't cinomfort niya ako pero walang wala pa din 'yun sa pang rereject niya.
Kay Minah lang talaga ang focus niya.
"Chachi ano ba. Ano bang problema at ang sama ng mukha mo?" Pang limang tanong na saakin ni Mikhail yan at titig lang ang naisasagot ko sa kanya.
"Masama lang talaga yung pakiramdam ko." Umakto pa akong masakit ang ulo kaya naman napalitan ng pag alala ang mukha niya.
"That's good then walang taping and may time ako kay Minah ngayon." Bigla naman akong nag panic ng magsimula nang tumayo si Jimin at akmang aakyat ng tumayo na din ako.
"Kaya ko pa naman mag taping Chim. Atsaka hindi tayo pwedeng hindi umattend dun, magagalit si Lolo." Napairap naman siya.
"Then I'll tell him that you're not feeling well. Pwede ba for once ayoko munang makita yung pagmumukha mo?" Ouch. Tagos sa buto "Jimin! Language!" Sermon ni Rapmon. Tumayo naman si V sa kinauupuan niya at akmang susugod kay Jimin ng pumagitna na ako sa kanila.
"Hindi ko na nagugustuhan tabas ng dila mo Jimin ah. Ayus ayusin mo at baka makalimutan kong ka miyembro pala kita." Nag samaan naman sila ng tingin kaya ako na ang naghila kay V palayo kay Jimin at baka mag away pa sila.
Ang VMin feels ko nawawala. >."Miss Chachi naman bakit mo naman ako nilayo dun?" Nakasimangot na tanong ni V. "Hindi ako natatakot sa kanya ang liit liit non eh."
Ouch. Hoy bias ko pa din si Jimin kahit maliit at ayaw sakin non!
"V naman. My hearteu." Humawak pa ako sa puso ko na ikinatawa niya.
"Hahahaha say that to Jhope wag sakin. Sige na Miss Chachi mag ayos ka na at malapit na magsimula taping niyo kakausapin ko lang si pandak." Sinamaan ko naman ng tingin si V saka siya nag peace sign. Tinapik naman niya ako sa balikat saka siya naglakad palayo kaya umakyat na din ako at dumiretso sa kwarto ko.
TAEHYUNG'S POV'
Ako na ata ang pinakamasayang kpop idol sa balat ng lupa, kinausap lang naman ako ni Miss Chachi. Ang ganda niya talaga.
Nasa harapan na ako ng kwarto ni Jimin at rinig ko ang sounds niya sa loob kaya kumatok na ako.
"Pasok." Sabi niya saka ko narinig na nawala ang sounds kaya pumasok na ako. Anak ng! Ang ganda talaga ng kwarto ni Jimin hyung, unfair ah.
Miss Chachi talaga napaghahalataan ang favoritism.
"Anong kailangan mo V hyung?" Sabi nito habang naghahanap ng damit sa walk-in closet niya.
"Hindi ka ba talaga magkakagusto kay Miss Chachi?" Natigil naman siya sa ginagawa niya saka siya humarap sakin.
"Anong klaseng tanong yan? Malamang hindi! Wala akong balak magka girlfriend na Amerikanang hilaw 'no." Makapag salita naman 'to. Ang ganda ganda kaya ni Miss Chachi.
"Bulag ka ba talaga o bulag? Ikaw lang ata ang hindi nagagandahan kay Miss Chachi eh."
"Sino bang may sabing hindi ako nagagandahan sa kanya? Yeah you're right she's pretty but I don't like her. Si Minah lang ang gusto ko." Napailing naman ako saka nagbuntong hininga.
Ramdam ko talaga na hindi siya mahal ni Minah, nararamdaman kong pineperahan niya lang 'to at ginagamit ang kasikatan.
"Hindi mo man lang ba maaappreciate ang effort ni Miss Chachi sa'yo? Hyung fan natin siya, wag mo namang awayin at sungitan. Isa din siya sa dahilan kung bakit nabuo ang BTS at kung bakit nandito ka ngayon." Bumalik naman siya sa paghahanap ng damit saka niya kinuha ang ripped jeans niya at hoodie na jacket.
"Baka naman si Bang PD nim ang tinutukoy mo? Apo niya lang si Chachi baka nakakalimutan mo." Wala na talagang pag asa ang isang 'to. Bulag na nga ang manhid pa. Hay nako.
"Iwanan na nga kita, wala kang kwentang kausap." Naiinis na sabi ko saka ako naglakad papuntang pintuan.
"Same here."
"Aba't!"
"Don't forget to lock the door." Saka ko nalang narinig ang malakas na pagsara niya ng pinto ng CR.
Talaga nga naman oh! Aish!
CHACHI'S POV'
Pagkadating namin ni Jimin sa taping syempre balik na naman ang aura niyang kangware eh close kami. Pero okay na sakin 'yun, kahit na peke lang atleast nakikita ko na mabait siya sakin.
"Remember be sweet okay?" Sabi nung Director saamin kaya sabay kaming napatango.
"Aish, why do I have to do this?" Reklamo ni Jimin ng pabulong pero rinig ko naman. Hindi ko nalang siya sinita at baka mag away pa kami dito.
"Aaaand... Action!"
"What do you want to do jagi?" Saka niya ako inakbayan. Nakaupo kami sa may sofa habang nagkakape. Sa bahay namin ang scene ngayon eh.
"Kahit ano, ikaw ano bang gusto mong gawin?" Balik tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Ang mahalin ka habang buhay."
O\O
Omyfeels! Pakingshet!
Para naman akong nakaramdam ng kuryente ng hawakan niya ako sa baba sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko kaya naman napahawak ako duon.
"Hahaha you're blushing jagi. Masanay ka na at araw araw kitang pakikiligin." Rinig naman namin ang hiyawan sa mga nanonood kaya lalo ako nakaramdam ng hiya.
Omg! I'm speechless.
"That's for stealing my first kiss pabo." Bulong niya sa tenga ko. Gusto kong bumaon sa lupa ngayong oras na 'to. As in now na! S-so gising siya nun? Narinig niya ang mga kagaguhan kong pinagsasasabi?! Holy!!! "You better say something woman, nasa taping tayo at lahat ng ito ay arte lang kaya wag kang kiligin dyan."
T____T
Oo na ako na assumera!
"A-hahahahaha! M-masyado ka palang bolero 'no." Saka ko siya mahinang hinampas sa hita saka ako umayos ng upo.
"Who says I'm joking? Am not." Lalong lumakas ang hiyawan sa audience kaya naman ramdam ko ang pag blush ng pisngi ko.
Alam niyo kahit na acting lang 'to at walang kahulugan, hindi ko maiwasang hindi kiligin! Nyeta! Kayo kaya sa pwesto ko oh? Pero joke lang ayoko nga! Kaagaw ko na nga siya kay Minah, pati sainyo din? No way!
Napalunok naman ako ng sunod sunod ng makita ko si Jimin na lapit ng lapit saakin habang nakatingin siya sa labi ko.
"A-anong ginagawa mo jagiya?" Tanong ko.
"Isn't obvious? I want to kiss you." Maglalapat na sana ang labi namin ng biglang sumigaw ang direktor.
"Aaaaand cut!" Excuse me lang ano? Hindo pa ho tapos yung kissing scene! Malapit na po oh, konting respeto naman. Walang bastusan.
Nakita kong nag smirk si Jimin ng makatayo siya at ako naman eh agad na tumayo din at lumapit sa direktor.
"Don't worry we'll fix that scene nalang na kangware ay nag kiss kayo. Break muna kayo." Hindi kami magbebreak 'no! Bastos talaga direktor na 'yun.
Nang makabalik kami ni Jimin sa dressing room nagulat naman kami parehas ng makita namin si Minah na nakaupo sa sofa habang may bitbit na paperbag. Lumipat ang tingin niya sakin saka niya ako tinaasan ng kilay.
"M-Minah? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Jimin saka niya ito nilapitan saka niyakap.
"Woah haha chill babe. I brought you lunch para dito ka nalang kumain, no need to buy foods para hindi ka na mahirapan. Oh diba ang sweet ko?" Tumango naman si Jimin saka niya ito hinalikan sa pisngi kaya nagsimula na silang mag PDA kaya ako na ang umiwas ang tingin.
Masakit "Oh oh oh and by the way babe, yung sa last scene niyo kanina na dapat ay may kiss sinabihan ko kasi si Direk na wag nalang paglapatin ang bibig niyo para hindi hassle. Sinabe ko din na girlfriend mo ako kaya ganun." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabe ni Minah.
"Pero grab--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Jimin.
"That's good. Sana pala lagi ka nalang nandito para alam mo yung mga scenes and nandyan ka palagi para pigilan si Direk." Napaiwas nalang ako ng tingin saka umupo sa may pwesto ko at nag umpisang maglabasan ang luha ko.
I know this is all an act but I felt betrayal.
"You're here pala Chachi. It's not so nice meeting you pala, be careful with my boyfie ah? Galit ako sa mga mang aagaw at malalandi." Sabi niya. Hindi ko nalang siya sinagot saka ko pinunasan ang luha ko. Hindi dapat ako magpakitang mahina ako. Tandaan mo Chachi binili mo si Jimin at namarkahan mo na siya.
"Minah, stop it." Saway ni Jimin sa kanya.
"Wha-uh.. What Jimin? Don't tell me na kinakampihan mo yang basurang babae na yan?" Napahawak naman si Jimin sa sentido niya saka niya hinawakan si Minah sa braso dahil akmang tatayo ito.
"Sorry.. I uh... I just don't want to see you fight. Wala kang dapat ipagalala, dahil kahit na may balak umagaw sakin sa'yo, hindi naman ako magpapaagaw." That made me shut up.
Gustong gusto kong sabihin na kay Jimin ang panloloko ni Minah sa kanya pero alam kong wala naman akong pruweba at siya pa din naman ang kakampihan nito.
"Ohhh.. How sweet of you babe. Kaya mahal kita eh, don't worry dahil malalaman na ng lahat ng fans natin ang tungkol saatin kaya naman dapat mag celebrate tayo nyan. Right?" Napatingin naman saakin si Jimin saka niya binalik ang tingin niya kay Minah saka siya tumango. "Yaaaay! Ohh I'll be buying lots of pizza. Invited lahat ng BTS and Girls Day even you Chachi. You should come and bring Taehyung with you." Bakit nadamay si V dito?
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ko.
"News flash. Haven't you heard ang daming nagshiship sainyo at ang daming nag eedit ng photos niyo ng magkasama? Open your Twitter and makikita mo naman ang sinasabe ko. You're in trending number 2 worldwide." Agad ko namang binuksan ang Twitter ko at laking gulat ko ng makita ko nga ang picture namin ni V na parang totoong magkasama.
Inumpisahan kong basahin ang comments.
"Waaaah! The ship is sailing."
"Sinong nag umpisa nito I love her! Kyaaa!"
"Paano si Jimin? Diba sila yung magkapartner sa WGM?"
"TaeChi na itooooo!"
"Ang sakit bro! Huhuhu si Alien ko.."
Tama nga siya napakadami ngang nagshiship saamin.
"See? Bagay naman kayo eh." Sabi ni Minah kaya napatingin ako kay Jimin na kinakalikot din ang cellphone. Chinecheck niya din siguro.
"So? See you later? I have to go at may lalakarin pa ako." Tsss syempre sa isa niyang boyfriend na member ng Super Junior. Psh!
Humalik na ito sa pisngi ni Jimin saka siya nagmamadaling lumabas kaya naman nakakabingi na naman ang katahimikan sa loob.
"What are you doing?" Tanong ni Jimin dahil kinakalikot ko ang cellphone ko.
"Kailangan kong tawagin si V para itanong kung nakita na niya ang mga photos." Sabi ko. Nagulat nalang ako ng may humablot ng cellphone ko at laking gulat ko ng makitang nasa harap ko na pala si Jimin.
"Forget it. Tanga ka? Malamang alam na niya 'yun. Ikaw nga na nagtataping alam na siya pa kayang nasa bahay lang?" Hindi ko alam kung bakit high blood na naman ang isang 'to. O baka naman dahil wala na si Minah kaya ganun?
"Chachi and Jimin back to set na." Sabi nung assisstant ni Direk kaya lumabas na ulit kami.
Hayyy napakadaming heartbreak ang mararanasan ko ngayon. Kailan ba matatapos 'to?