Chapter 6

1908 Words
CHACHI'S POV' Galit na naman siya sakin.. Eh kelan ba siya hindi nagalit sakin? Sa paningin ni Jimin isa lang naman akong kaaway eh. Ni minsan hindi man lang niya ako nginitian o tinitigan sa mata. Nasayang lang effort ko dun sa date nila na hindi naman natuloy dahil sa kaartehan ng Minah na 'yun. Hehehehe. Pero okay lang atleast bad shot si Minah kay Jimin ng onti. Naglalakad ako papunta sa may bus stop ng makita ko si Minah na nakaupo duon at patingin tingin sa mga sasakyang humihinto sa may gilid. Mukhang may inaantay yata. Biglang nagliwanag ang mukha niya saka siya tumayo ng may tumigil na sasakyan sa tapat at bumaba ang isang lalakeng nakasuot ng mask. Idol din ba 'to? Hindi naman siya magtatakip ng mukha kung hindi diba? Eh bakit niya sinusundo si Minah? Hindi kaya.... O-M-Y-G! Pinagtataksilan niya si Jimin! Asan na ba yung cellphone ko? Ayyy! Nakay Taehyung nga pala. Ano ba naman yan ang malas! Chance ko na sana para ma picture-an sila eh. "I'm sorry baby natagalan ako. Na traffic lang eh." Sabi nung lalake. Omg! Baby daw! Pinagtataksilan nga niya! Humanda sakin tong babae na 'to! Susugod na sana ako sa kanila ng makasakay na kaagad si Minah sa kotse at pinaandar neto ng mabilis. Malas talaga! Ugh! *beep beep* "You're still here?!" Nagliwanag naman ang mukha ko ng marinig ko ang boses ni Jimin kaya dali dali akong tumakbo papasok sa kotse niya. Buti nalang hindi naka lock hehehe. "Sinabe ko bang pumasok ka? Labas!" Saka siya nag iwas ng tingin. "Ayaw!" "What the?! Labas sabi! I don't want you here! You ruined my date with Minah! Get out!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko saka ko siya hinarap at sinamaan ng tingin. "Hoy Chimchim! Para sabihin ko sa'yo hindi ko sinira ang date niyo! Ako kayang nag ayos nun!" Saka ko siya dinuro duro. "Whatever. I don't need to hear your lies." Lies daw, tanong niya pa kaya sa BTS. Ah basta hindi ako aalis dito! Manigas siya dyan! "Sabi ko lumabas ka diba? Labas!" Lumapit siya saakin kaya naman tinigil ko sandali ang paghinga ko. Hindi ko pala kaya ng malapitan kay Jimin baka yun pa ang ikamatay ko. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. "Parehas lang naman tayo ng uuwian kaya isabay mo na ako." Saka ko sinara ulit ang pinto niya. Napakamot naman siya sa ulo niya saka siya nag maneho ng mabilis kaya naman napangiti nalang ako ng patago. Okay lang kahit magalit siya, nakasakay naman ako sa kotse niya. Bwahahaha. ** "Oh! Sabay kayong umuwi?" Bungad kaagad ni Jhope saamin pagkapasok sa mansion. Nagkatinginan naman kami ni Jimin pero inirapan niya lang ako saka siya sumalmpak sa sofa sa sala. "Sa kamalas malasan oo. Masyadong makulit ang babaeng yan." Napatingin saakin ang BTS kaya naman napakibit balikat nalang ako. "Nasan si Mikayla?" Tanong ko sa kanila. "I'm right here!" Sabay yakap sakin ni Mikayla. "Tumawag pala ang lolo mo, na kay V kasi phone mo kailangan ka daw ngayon sa company. As in now na!" "Huh? Now na?! Eh gabing gabi na ah." Napatingin ako sa orasan at 11:30 na ng gabi. "Eh importante daw eh." "Samahan na kita kung okay lang sa'yo?" Tanong bigla ni V. Why not coconut? Si Taehyung kaya yan! Papaka choosy pa ba ako? "Sure! Lezzgooow!" Hindi na ako magpapalit ng damit, maganda pa naman ako eh. "Wait, you're not coming with her Taehyung. Maiwan ka dito at kailangan nating mag meeting para sa SBS Inkigayo." Sabi ni Jimin. Hala siya! Hahayaan talaga niya akong umalis mag isa! No! Hindi pwede! Lumingkis kaagad ako sa braso ni V saka ko sinamaan ng tingin si Jimin kaya napaayos siya ng upo. "Sasama siya sakin wether you like it or not. Bleeeh!" Saka ko hinatak si V palabas ng mansion. Kinuha ko ang susi ng kotse ni V sa bulsa niya saka kami sumakay kaagad. "Woah slow down hot stuff. Hindi tayo hahabulin non maniwala ka." Napahinga naman ako ng malalim saka sinukbit ang susi at pinaandar ang kotse. *PLAK* "Baba." Napatingin ako kaagad sa labas at nakita ko si Jimin na nakatayo sa may gilid ni Taehyung na nag uusok ang ilong. Problema nito? "Chill men." Bumaba si Taehyung habang tumatawa saka naman biglang sumakay si Jimin sa passenger seat. "Oy oy oy anong ginagawa mo? Bakit mo pinababa si V?!" "Just shut up and drive." Napatikom naman kaagad ang bibig ko saka ako nagsimulang mag drive. Masyadong high blood pa man din tong katabi ko. ** "Huwaaaaaaaaaat?!!!" Sigaw ko yan malamang. Kanino pa ba? Eh pano ba naman bukas na kaagad ang debut ko. Minadali ganun? "Apo pasensya ka na pero kailangan mo na talagang mag debut bukas. Ready ka naman diba? Pinost na ng company kanina ang MV mo at madami ka na kaagad na fans. Masyadong bumaba ang sales natin ng umalis ang solo artist natin kaya tulungan mo naman ako apo." P-pero.. Kinakabahan ako. Atsaka kailangan ko pang pagsilbihan si Jimin. Hindi ba makakapag hintay yan? "Pag iisipan ko lo." "What?!" Sigaw ni Jimin. "Sunbae-nim ako na pong bahalang kumausap sa apo niyo." Tumango naman ang lolo ko saka ako hinila palabas ni Jimin. "Ano bang laman ng kokote mo at kailangan mo pang pag isipan ang pagsabak mo sa showbiz? Huh! Tutulungan mo lang tumaas ang negosyo ng lolo mo. Mahirap ba yon?" Tama naman si Jimin, tutulungan ko lang naman si lolo. "Pero kasi kinakabahan ako." Napabuntong hininga naman si Jimin saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Don't be. I know I don't like you, I hate your presence but you're still part of the company kaya susuportahan kita I mean namin." Napangiti naman ako kay Jimin saka ko siya niyakap. Ramdam ko pa na nagulat siya pero tinapik niya naman ako sa likod saka agad siyang humiwalay. "Go ahead and talk to your grandpa. Hihintayin nalang kita sa labas." Tumango naman ako kay Jimin saka ako pumasok sa office ni Lolo. The next day... "Okay guys! This is it! Ang first debut stage performance ko. Kinakabahan ako pero gumaan namam na ang pakiramdam ko. Kaya ko 'to! Fighting!" Nagpalakpakan naman kami saka ko inayos ang suot ko. Naka pang Halloween kasi kami ngayon outfit kaya all black ako. Nasa audience din ang BTS pero hiwalay sa mga fans, gusto daw kasi nilang manood. Nakaka proud naman. "Kaya mo yan Chucks! Galingan mo ah? Make us proud!" Nag fighting sign siya sakin kaya naman niyakap ko siya kaagad. "Miss Chachi get ready. In 3 minutes dapat nasa stage ka na." Tumango naman ako dun sa staff kaya nagpaalam nako kay Mikayla at umakyat sa stage. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao, kaya naman napatingin din ako sa gawi ng BTS na pumapalakpak din syempre except kay Jimin na medyo nanlalata. Kailangan kong galingan para kay Jimin. Rinig ko na ang pagtugtog ng kanta ko kaya naman isusuot ko na muna ang maskara ko. Stage presence, energy, confidence ang kailangan ko ngayon. *Clap clap clap* Pagkatapos ng performance ko puro hiyawan silang lahat at palakpakan kaya naman todo hingal ako dahil sa dance performance. Nakakatuwa pala talagang maging Kpop Idol kahit na hindi naman Korean ang kinakanta ko. May subtitle naman daw silang ilalagay tsaka most of the Korean fans daw eh nakakaintindi ng English. Mabibigat pala ang kalaban ko ngayong taon sa mga awards. Si IU, Ailee, Taeyeon tapos mga iba pa. Harooooo! Pero may tiwala naman ako sa sarili at sa kakayahan ko. Napatakbo naman ako sa backstage saka ako sinalubong duon ng buong staff at ng BTS. Nanduon din si Lolo na proud na proud saakin. "Ang galing mo pala talaga kumanta Miss Chachi. Talbog mo na si Ailee!" Sabi ni Jungkook. Hahaha! Ayaw niya pang sabihing si IU, oo nga pala crush niya 'yun. "Hindi ko alam na may ganyan palang talent ang apo ko. Bakit ba ngayon ka lang napunta sa company ko? Hahaha." Napuno ng tawanan ang backstage kaya naman maya maya ay napag isipan na naming umuwi dahil bukas sa M Countdown naman ako magpeperform at ma memeet ko pa ang ibang mga Idols. Excited na ako! "Wooohoooo! Salamat sa pa pizza party mo Miss Chachi." Masayang sabi ni Jin. Hahaha papahuli ba sa pagkain 'yon? "Lagi nga akong nanonood ng Eat Jin mo sa V App. Naiinggit ako dun sa Jjajjangmyeon mo at duon sa chicken na iba't iba ang kulay." Pagbibiro ko pa na ikinatawa nila. Si Jimin naman na tahimik lang na kumakain habang hindi mapakali sa cellphone. May bigla tuloy akong naalala. Sasabihin ko na ba? Pero kasi kinakabahan ako baka magalit siya at hindi maniwala. Kung may pruweba lang sana ako, hindi ako mahihirapan. Ayokong makita si Jimin na malungkot. "Jimin okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin saka siya napabuntong hininga at tumayo. Sinundan ko pa siya ng tingin habang paakyat siya sa kwarto niya. "Pagpasensyahan mo na si Jimin Miss Chachi, badtrip yon kanina pa. Simula kasi kahapon hindi pa nagpaparamdam si Minah sa kanya." Sabi ni Suga. Minah na naman! Eh paanong magpaparamdam eh kasama niya yung lalake niya! Malandi! Tss. Humanda talaga sakin 'yon! Huwag lang magkukrus ang landas namin at baka ano lang magawa ko sa kanya. "Oh! Miss Chachi! 8 million views kaagad ang MV mo. Grabe! Kahapon lang 'to inupload diba?! Tapos 582k likes and 1k dislikes." Sabi ni Rapmon kaya lumapit kaagad ako sa kanya at tiningnan ang MV ko na inupload ng 1theK. Ang sarap sa feeling ewan ko ba. Pero wala na akong privacy, kailangan ko ng mag ingat lalo ngayon nasaakin ang mata ng lahat. "Miss Chachi paanong nagawang white yung buhok mo dito?" Pa inosenteng tanong ni Jungkook. "Ang daldal mo Jungkook malamang pinakulayan. Halerrr!" Sagot naman ni Mikayla. Buhay pa pala tong bestfriend ko na 'to. Masyadong busy sa pizza kanina eh. Oo nagpakulay ako ng white nun tapos pinakulayan kaagad ng light brown. Buti nga madaming treatment na ginawa sa buhok ko at hindi nasira. Rinig ko naman ang pagbaba ni Jimin sa hagdan kaya naman natahimik na naman kaming lahat. Badtrip nga pala siya. "Jimin, bat bumaba ka ulit?" Tanong ni V. "Hindi ako makatulog ang ingay niyo." Saka siya kumuha ng pizza ulit at kumain. Hooo! Gutom lang yan kaya ganyan. "Oo nga pala Miss Chachi next week na ang We Got Married niyo ni JB ng Got7 no? Excited ka?" Tanong ni Rapmon. Excited? Medyo? "Ewan ko ba. Hindi ko pa alam ugali ni JB kaya hindi ko pa alam ang nararamdaman ko." Sabi ko naman. *cough cough* Nataranta naman ako ng mabilaukan si Jimin kaya dali dali akong nagsalin ng tubig sa baso saka ko sa kanya inabot na ininom naman niya. "Bakit ba bigla bigla ka nalang nabibilaukan?" Tanong ko sa kanya. "Wala." "Asus! Naalala ka lang ni Minah kaya--AHH!" Nakita ko ang pagsiko ni V kay Jhope saka sila napatingin saakin at kay Jimin kaya napatikom sila ng bibig. Minah na naman. "Shut up." Sabi ni Jimin. Nagulat pa ako ng biglang tumingin sakin si Jimin saka ngumisi. "Goodluck sa We Got Married next week....." Sabi niya saka tumayo. Pero bago siya tuluyang makaakyat nagulat ako sa huli niyang sinabe na nakapag pahimatay sakin. "...partner." OMG! Si Jimin ang partner ko sa We Got Married?! End of the world na ba? Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD