MIKAYLA'S POV'
Dalawang araw na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi pa din nag uusap ni katiting na salita si Chachi, I mean hindi pa sila nag uusap ni Jimin. Ang drama ng loka, ilang balde kaya ang napuno niya sa luha niya. Hahahaha! Tinitiis pa si Jimin eh alam naman niyang walang balak talagang kausapin siya ni Jimin kahit na anong gawin niya.
"E-e-ehem! Ah.. Taehyung ano nga ba yung title nung bagong kanta ng Gfriend ngayon? Ang ganda eh!" Pagbasag ni Jhope sa katahimikan. Paano kasi puro tunog lang ng pinggan ang maririnig mo kanina at yung tunog ng crunch ng fried chicken.
"A-ah 'yun ba? Smooth ata 'yun?? Smooth nga ba? O rock?" Pffft. Gusto kong matawa sa facial expression ni Chachi atsaka ni Jimin na nagpipigil ng tawa, obvious namang alam ni Chachi at Jimin yung title na sinasabi nila.
"It's Rough, idiot." Sabi ni Jimin sabay subo ng toast. Napairap naman si Chachi saka biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa.
Napalingon naman silang lahat sa pwesto ni Chachi na hinihintay nilang sagutin ang tawag na 'yun.
"*ehem* Ah.. Yobosaeyo?"
CHACHI'S POV'
"*ehem* Ah.. Yobosaeyo?" Bakit ba nakatitig silang lahat sakin? Tss.
"Chachi apo?" Ah si Lolo pala.
"Yes lo? May problema po ba?"
"Maghanda ka na sa last rehearsal mo mamaya, pagkatapos ay may schedule ka sa We Got Married next week."
O______O
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko kaya naman lalo silang na curious sa pinag uusapan namin ni Lolo. We got married? Seriously? Eh sino namang makakapartner ko? Aba aba! Hindi ako papayag kung pangit yan!
"Huh? Sino namang ka partner ko dun lo?" Walang ganang sabi ko.
"It's still not decided either JB from Got7 or si Leo ng Vixx."
"Yiiiii! Hindi ba pwedeng sa BTS nalang lo? Kinakabahan ako eh."
"Ano daw ba yan Miss Chachi?" Tanong ni Rapmon kaya nag wait sign ako sa kanila.
"Apo, napakadaming schedule ng BTS ngayon. Alam mo naman siguro 'yun, gustuhin ko man. Sige na apo may gagawin pa ako."
"Pe--"
*toot toot*
Aish! Ano ba yan! Nakakainis! Si JB nalang pipiliin ko. Pero kasi.. Mas gusto ko sana kung si Jimin eh, para magwala ng lubos yung lintik na Minah na 'yun. Bwisit siya! Gustuhin ko mang kausapin na si Jimin, baka mapahiya lang ako at sigawan na naman niya ako. Masakit sa puso eh.
"Chucks ano daw yung partner partner na 'yun?" Tanong ni Mikayla.
"May schedule ako ng taping sa We Got Married next week." Rinig ko naman ang pag ubo ng BTS sabay napatingin silang lahat saakin.
"Jinja????!! Sinong ka partner mo??" Pasigaw na sabi ni V. Natawa naman ako sa kanya saka ako napalingon kay Jimin na nakatitig saakin pero bigla siyang nagpatuloy sa kinakain niya ng tingnan ko siya.
"Hindi pa din decided daw, either JB ng Got7 or si Leo ng Vixx." Sabay subo ko ng strawberry. Mmm, ang sarap pala nito.
"Awww, request ko kaya kay Sunbae na ako nalang? Hehehe." Tanong ni V habang nagkakamot ng ulo. Pwede din, gwapo naman si V eh. Tsaka BTS naman siya, cho-choosy pa ba ako? Aba! Ultimate bias group ko kaya ang BTS fyi! Kaya kahit na sino sa kanila game ako! Pero mas special kung si Jimin wahihihi.
"Shut up Taehyung." Sabi ni Jimin sabay tayo niya at pinasadahan ako ng tingin saka umirap. Napayuko nalang ako sabay buntong hininga. Galit pa din siya saakin.
Ano bang magandang gawin para naman magkaayos na kami ni Jimin? Ako nalang ang magbababa ng pride tutal ako naman ang may dahilan eh. Umeepal pa kasi ako eh wala naman akong karapatang makialam.
*ting!*
Ah alam ko na!
**
"M-Miss Chachi sigurado ka ba dito sa gagawin mo? P-pero baka magalit saamin si Jimin hyung." Sabi ni Jungkook kaya naman nginitian ko sila.
Alam ko ang ginagawa ko at alam kong hindi ako papalpak dito.
"Akong bahala sainyo, aakuhin ko lahat ng sermon niya kapag nagalit siya hmm? Tumutulong lang naman ako sa date nila ni Minah ngayon dito." Oo tama kayo ng basa.
Narinig ko kasi sa usapan ni Jimin at ni Minah kanina sa phone na may date sila ngayon dito sa rooftop ng isang mamahaling restaurant. Ni rentahan ko pa ang buong restaurant para walang storbo at walang mga pakalat kalat na media na kukuha sa kanila.
Walang alam si Jimin dito, kami lang ng BTS ang nakakaalam dito dahil humingi ako ng tulong sa kanila para mag ayos ng decorations. Ako ang nagbayad ng lahat at nag design kaya alam kong matutuwa si Jimin dito.
Napag isip isip ko kasi na ang pagmamahal ko kay Jimin ay gagamitin ko sa mabuting paraan kung saan siya sasaya, malay mo one day marealize niya na ang ma effort na gaya ko ang nararapat para sa kanya. Diba? Hehehe. Galing ko talaga.
Sa ngayon ang role ko sa date nila ay isang mascot na isang malaking teddy bear, balita ko kasi mahilig si Minah sa mga teddy bear.
"Malapit na sila Miss Chachi." Sabi ni Suga habang hawak hawak niya ang cellphone niya. Kinuha ko naman ang ulo ni Teddy bear saka ko sinuot sa ulo ko.
"Sige na iwanan niyo na ako dito, kaya ko na 'to. Salamat sa tulong niyoooo." Masayang sabi ko habang kumekembot pa. Hayy ang init naman pala sa loob nitong mascot na 'to.
Natawa naman ang BTS kaya umalis na din sila, napatingin naman ako sa kabuuan ng ginawa ko at ang masasabi ko lang 'priceless'. Kokotongan ko talaga si Minah kapag hindi siya natuwa dito.
V'S POV'
Gusto kong mainis at hatakin si Miss Chachi duon dahil alam ko namang nagpapanggap lang siyang masaya pero alam ko sa loob niya ay puno ng inggit. Alam kong may gusto siya kay Jimin pero bakit naman niya 'to ginagawa?
Kung ako nasa kalagayan niya baka hindi ko kayanin at baka magwala pa ako ng tuluyan. Masakit kaya.
Hindi ko siya iniwan, nagpaiwan ako sa mga hyung dahil hindi ko kayang iwanan si Miss Chachi dito. Nagtataka nga kami kung bakit ginawa niya 'to eh, alam naming lahat na hindi mahilig si Minah sa mga ganitong bagay, ang gusto lang nun ay mga accessories, shopping mga ganun ang gusto niya kaya ewan ko kung matutuwa si Minah dito.
Maya maya ay narinig ko na ang tunog ng kotse ni Jimin hyung kaya mabilis na nagtago ako sa may halaman. Pormadong pormado ang loko ah!
"Shall we?" Tanong ni Jimin hyung sabay lahad niya ng kamay niya kay Minah na tinanggap naman nito kaagad.
Napatingin si Minah sa kabuuan ng restaurant at halata dito ang disgusto kaya naman napailing nalang ako. Bakit ba nagustuhan ni Jimin yang babae na yan? Napaka plastic!
Nang makarating sila sa rooftop ay napakunot noo si Jimin sa kabuuan, malamang ay nagtataka siya kung anong nangyare dahil ang ginawa lang naman ni Jimin ay tumawag dito sa restaurant at nagpa reserve ng pwesto at ngayon nagtataka siguro siya kung bakit nasa rooftop sila at may magarang decorations.
JIMIN'S POV'
What the hell happened here?! Ang alam ko nagpa reserve lang ako para sa dinner date namin ni Minah, pero wala akong sinabeng sa rooftop at wala akong pinalagay na kung ano anong decorations. I know Minah wouldn't like this kaya simpleng dinner date lang ang pina reserve ko but damn! I didn't know na ganito ang kalalabasan.
"S-so? Did you like it?" Tanong ko kay Minah kahit na base naman sa itsura niya ay alam kong hindi niya nagustuhan. Fvck it!
"Pwede na, mapag tsatsagaan. Let's go eat." Sabi niya kaya naman napabuntong hininga nalang ako at nagtawag ng waiter. Pero ni isang waiter wala man lang dito sa rooftop. Where's our food?!
Maya maya ay may dumating na malaking teddy bear na mascot kaya naman napakunot noo ako lalo. Anong nangyayare dito? Nagkamali yata yung waiter kanina eh. Pero nakalagay kanina sa restaurant ay closed at wala man ni isang tao sa baba kaya imposibleng magkamali sila.
Ang sabi pa ay kami lang daw ang nagpareserve ngayon.
Ibinaba ng mascot ang dala dala niyang pagkain kaya naman napatingin ako dito at nakakapagtaka biglang nag iwas ng tingin ang mascot na 'yun. Napailing nalang ako saka nagsimulang kumain.
"Gosh! I-I'm sorry Jimin babe may rehearsal pala ako ngayon para sa comeback ko. I'm so sorry Jimin, maybe next time nalang natin ituloy 'tong date natin." What?! Iiwanan niya ako dito?!
"B-but we just got here."
"I'm sorry okay? Kinukulit na ako ng manager ko eh." Sabay halik niya sa pisngi ko atsaka siya nagmadaling kuhanin ang pouch niya.
Nagulat naman ako ng hatakin niya ang mascot saka niya inupo sa harap ko. What the hell is she doing?!
"Ayan, kayo na muna ang mag date pansamantala. Babawi ako next time. Sorry Jimin!" Sabay lakad niya pababa.
"Aish! Damn it! Now what?!" Sinamaan ko ng tingin 'tong mascot sa harap ko pero nagpapaypay lang siya gamit ang malaki niyang kamay saka siya biglang nag iwas ng tingin. Weird.
"Stop whatever you are doing and join me today. Tanggalin mo na yang mascot mo at naaasiwa ako." Sabi ko sa kanya.
Halata namang bigla siyang nataranta sabay tumayo kaya tumayo na din ako.
"Yah! What are you doing?!" Hinawakan ko siya sa braso pero agad naman niyang tinanggal 'yun. Ang weird netong mascot na 'to.
Nang makatakbo siya, agad kong hinablot ang ulo niya sabay tanggal ko. Teka babae?
At lalo akong nagulat ng pagkaharap niya ay ang babaeng hindi ko inaasahang makita ang nasa harapan ko ngayon. Sinasabe ko na nga ba at siya ang may pakana na naman nito!
"J-Jimin.." Napangisi ako sa kanya saka ko siya hinablot sa braso at pinaupo sa pwesto ni Minah kanina.
"Shut up and eat!" Sabi ko sa kanya.
Parang tanga lang siyang nakangiti habang pinagmamasdan akong makaupo sa pwesto ko. Huh!
"Now spill it. Ano bang plano mo at sinira mo na naman ang date namin ni Minah?!" Nawala naman bigla ang ngiti sa labi niya na napalitan ng pagtataka.
"H-huh?" Talagang nagmamaang maangan pa 'tong babaeng 'to. I wonder why I hate American girls.
"Hindi ako nakikipag lokohan sa'yo babae. Alam kong sinadya mong pumunta dito para sirain ang date namin ni Minah, may pa mascot mascot ka pang nalalaman dyan! Para ano?! Para kapag sineserve mo kami, kangware mong matatapunan si Minah ganon?! Masaya ka na ba?! Nasira mo na naman ang date namin. You see she left me! I can see in her eyes that she didn't like it! It's all your fault!" Sigaw ko sa kanya.
The moment I said that, I can see pain in her eyes. See? Busted! I knew it! Pinlano niyang sirain ang date namin! I hate her so damn much!
"Nagkakamali ka Jimin, ang totoo nyan ak--"
"Shut the hell up! I don't want to see your fvcking face anymore! Got that?!" Bigla namang may tumulong luha sa mga mata niya kaya napaiwas ako bigla ng tingin.
Parang gusto kong bawiin ang sinabe ko but it's too late. Well she deserves it, wala akong pakialam kung sino pa siya. I hate her!
"Get lost!" Sigaw ko sabay turo palabas.
Agad naman siyang tumayo habang umiiyak kaya naman napahilot nalang ako sa ulo ko.
Tumayo na din ako at akmang aalis ng makita ko si Taehyung na nakatayo sa may gilid habang masamang nakatingin saakin.
What now?! Kakampihan na naman niya ang babaeng 'yun?!
"You don't know anything Park Jimin. Hinding hindi ko na palalampasin pa 'to." Malamig na sabi niya saakin sabay alis niya.
The hell I care.