2 Kabanata

1233 Words
Nakita agad ni Joey ang papasok na dalaga sa kanilang paaralan. Ganito lang siya sa araw - araw ang hintayin itong pumasok habang siya ay nasa malayo. Nagsabi na kasi ang binata dito na gusto niyang ligawan ang dalaga ngunit tinanggihan siya nito. Sa paningin ni Joey, si Feliz ang pinaka magandang babae na nasilayan niya kahit noong nasa mga pribado pa siyang paaralan. Doon hindi siya nawawalan ng babae dahin ang mga ito ang lumalapit sa binata. Bakit pagdating kay Feliz ay waring wala siyang appeal. Ni hindi niya itong nahuli na tinitingnan man lamang siya ng dalaga. Napapangitan ba siya? "Boss Joey, nakatitig ka na naman dyan. Bakit hindi mo kaya lapitan ng hindi ka laging nandito sa malayo at hinihintay ang pagdating Niya? " si Albert isa sa alipores niya. Binatukan niya ito, " Hindi ka ba marunong umintindi? Ayaw nga niyang lapitan ko siya tapos papalapitin mo pa ako. Hayaan ko lang siya, babantayan ko na lang siya sa malayo pero hindi pwede na may ibang lalapit sa kanya. " may pagbabanta sa salita nito. " Sorry na boss, ikaw lang naman ang inaalala ko. Lagi ka na lang nakatingin sa kanya." kakamot kamot pa sa ulong wika ni Albert. " Makita ko lang siyang ngumingiti pakiramdam ko ako ang kanyang nginingitian. Sa ngayon maging kontento na muna ako sa ganito," anas ni Joey na nakatingin pa rin kay Feliz. Samantala si Elsie naman ay panay ang kulit kay Feliz, " Magpaturo ka na sa kanya. Iyon lang mababa mo sa lahat ng subjects. Di ba nga sabi may scholarship daw na makukuha kung sino ang number 1 sa batch natin at kailangan mo iyon di ba?" pangungumbinsi pa ni Elsie. Dahil si Joey lang ang magaling sa klase nila pagdating sa Math. Hindi naman kakailanganin ni Joey ang scholarship dahil mayaman ito. Naikwento na ni Feliz ang buhay niya kay Elsie dahil ito ang itinuturing niyang best friend. Wala siyang kaibigan sa lugar nila simula ng awayin siya ni Amanda at pagbintangan na inaagaw niya ang boyfriend nito. Si Amanda ang kababata niya sa squatters area. Magkaibigan sila simula pagkabata pero nag - iba ang samahan nito simula ng magkaroon ng boyfriend. Siya ang sinisisi ni Amanda kung bakit nakipag hiwalay ang boyfriend nitong si Bryce. Wala naman talaga siyang kinalaman. Hindi naman niya inakit ang boyfriend nito, nagulat na lang siya ng sabihin nitong gusto siya ng lalaki. Dahil kaibigan niya si Amanda ay sinabi niya dito ngunit iba pala ang dating sa kaibigan niya. Nagalit ito sa kanya at kung anu anong masasakit na salita ang pinakawalan. Hindi pa nasiyahan si Amanda, ipinagkalat pa niya sa kanilang lugar pati ng nanay nito na isang haliparot si Feliz. Kaya lahat ng mga tao roon ay pinapalayo sa kanya ang mga asawa o kaya ay boyfriend. Ngayon, nakatagpo si Feliz ng kaibigan sa katauhan ni Elsie. Kahit na sinabi niya ang klase ng pamumihay niya at kung saan siya nagtatrabaho ay hindi siya nito hinuhusgahan. May kaya sila Elsie kaya lang ay ilan din silang magkakapatid kaya kahit gusto niyang tulungan si Feliz ay di niya magawa. Ito na lang ang ginagawa niya ang imotivate ang kaibigan. Malaking tulong kay Feliz kapag nakuha niya ang scholarship, baon na lang at ilang gastusin ang kakailanganin niya pagtuntong sa kolehiyo. Ngayon pa lang ay pinag iipunan na niya ito.. Lahat ng nakukuha niyang tip ay itinatabi niya. Nagbukas siya ng isang savings account para doon naka save ang pera niya. Uso din kasi nakawan sa lugar nila kaya mas maganda na ang nag - iingat. Ang sahod niya sa pagiging serbidora ang ginagamit niya sa pang araw araw. May naitatabi pa rin siya mula sa kita niya. Kaya naman lumalaki na rin ang savings niya. Pagkatapos ng pandemic siya naka pasok sa club. Isang araw pagod na pagod na siya sa kakahanap ng mapapasukan, walang kumuha sa kanya dahil hindi pa siya tapos sa pag aaral. Junior High School pa lang natapos niya. Hindi naman niya napansin na nasa may labas siya ng isang club. May isang babae ang lumapit sa kanya. "Ganda, applikante ka ba?" sabi ng babae na puno ng pintura ang mukha sa kapal ng lipstick at make up. Ang iksi pa ng suot nito na halos makita na ang dapat itago. "Naghahanap po ako ng trabaho, may alam po ba kayo?" turan ng dalaginding na si Feliz. "Ano bang trabaho ang kailangan mo? Dito ay easy money. Kailangan mo lang mag suot ng tulad nitong damit ko. Kahit hindi ka na mag make up sigurado mabili ka dito." wika ng babae sa kanya. "Ay bata pa po ako. Pwede po taga hugas ng pinggan o kaya po taga linis. Ganon pong trabaho lang sana para po may maipangtustos po ako sa pang araw araw ko po." mahinahong sagot ng dalaga. " Anong pangalan mo? Ako si Tracy, dancer ako dito sa club. Gusto mo itanong natin sa amo ko kung may bakanteng trabaho sa kusina." pagmamagandang loob ni Tracy sa dalaga. " Ako naman po si Feliz. Sige po baka meron po kahit taga hugas o taga linis wag lang po yung sumasayaw kasi po hindi po ako marunong non." sagot nito kay Tracy sa paraan na hindi niya maooffend ang kaharap. Pumasok sila sa club at dumiretso sa opisina ng sinasabing amo nito. "Madam, may gusto po sanang mag - apply, halika dito Feliz ipapakilala kita kay Madam. Ito po Madam si Feliz." aniya Tracy. Pinagmasdan ni Madam ang kabuuan ni Feliz, "Wow ang ganda naman niya siguradong dudumugin tayo ng parukyano dahil sa kanya." Napapalatak pang wika ni Madam. "Madam hindi po iyon ang papasukin niya, bata pa po siya mukha lang pong matured dahil sa katawan niya pero sa bio date po niya ay 17 pa lang po siya." paliwanag ni Tracy. "Baka kailangan po natin sa kitchen o kaya ay taga linis at taga serve. Pwede na po siya doon," dagdag pa ni Tracy. " Ganoon ba? Sayang akala ko ay GRO ang papasukin niya. May bakante naman tayo lalo na at malapit na ang big night mo. Kailangan natin ng serbidora. Ano nga uli pangalan mo?" tanong ni Madam. " Feliz po," tipid namang sagot ng dalaginding kay Madam. " Sige Feliz, kailan mo gustong magsimula?" tanong sa kanya ni Madam. " Madam pwede po bang bukas na. Amoy pawis na po akoa dahil maghapon po akong nag -ikot. pauwi na po ako ng matigil lang po ako sa may harapan ng club po ninyo." sagot nito kay Madam. " O siya sige. Dito ka na dapat bukas bago mag alas siyete. Dumaan ka muna sa akin para maipakilala kita sa kanila. Wala pa namang parukyano sa ganoong oras." pagpayag naman ni Madam sa kanya. Nagpasalamat na ang dalaginding lalo na kay Tracy. Umuwi siyang masaya dahil may trabaho na siya. Iyon pa lang pagtatrabaho niya sa club ay mas lalong ikinainis ng mga kapitbahay nila sa kanya. At binansagan na siyang tuluyan na Feliz ang babaeng haliparot kahit wala naman siyang nilalandi na kahit sino. " Hoy Feliz natulala ka na dyan!" natulala na pala siya. Naalala kasi niya ang nakaraan. " Pag - iisipan ko muna ang sinasabi mo. Alam mo naman na iniiwasan ko iyon," tukoy nito kay Joey. "Sige pag isipan mo, ako bahalang magsabi kay Tatay Joey. Tara na sa room!" yaya na dito ni Elsie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD