3 Kabanata

1135 Words
"Ang hirap talaga, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sir Gatchalian!" wika ko kay Elsie paglabas namin ng room. "Nababahala na ako baka mawala ako sa honor." isang buntong hininga ang aking pinakawalan. " Baka naman kaya hindi ka makapag focus eh kulang ka na sa tulog? Biruin mo pagkatapos dito sa school, uuwi ka at ilang oras lang ay papasok ka na sa trabaho mo. Madaling araw ka na umuuwi kaya ang tulog mo ay kakaunti lang din. Iyon ang tingin kong dahilan kaya ka nahihirapan." saad nito sa akin. May point naman si Elsie sa mga tinuran niya. Kulang na nga ako sa tulog. Wala akong day off sa club, mahirap ng umabsent baka mapalitan ako. Kaya naman hindi talaga ako lumiliban doon. Sabado at Linggo lang ako medyo nakakabawi ng tulog dahil walang pasok sa school. Saglit na lang naman matatapos na ako sa grade 12, kaya kailangan kong mataas na grades para makapasok ako sa mga pamantasan. Kailangan mataas ang mga grado at isa ang Mathematics doon. Makapasok lang ako na scholar madali na iyon. Pwede din daw kasi mag apply bilang student assistant sa library. Full scholarship with allowance daw kapag nakapasa ako. Hindi ako katulad ni Elsie na may magulang na maaasahan. Ako na lang mag-isa at kinakaya ko naman. "Gusto mo ba sabihin ko kay Tatay Joey na magpapatutor ka sa Math?" tanong nitong muli sa akin. "Pag -iisipan ko muna. Napahiya ko na yung tao dati tapos ngayon lalapit ako sa kanya? Ano na lang sasabihin niya sa akin. Ang yabang ko tapos sa lalapit din pala ako sa kanya. Baka may iba pang paraan. Pag-aralan ko munang mabuti. Kailanagan ko lang mag concentrate." tugon ko dito sa aking kaibigan. Tunay na kaibigan ito dahil siya lang karamay ko sa lahat ng bahay simula ng magkakilala kami dito sa paaralan. Dumaan sa harapan namin ang grupo nila Joey. Kapag nakikita ko na ito na papalapit ay iniiiwas ko ang paningin ko dito. "Hi Elsie!" si Albert iyon..Sabi nila may crush daw kay Elsie. Ewan ko ba sa kanila puro sila tuksuhan. Tuwang tuwa naman ang mga ito. Baka KJ lang talaga ako. Hindi ko pa iniisip ang tungkol sa mga ganyan dahil madami pa akong pangarap. Hindi naman kasali sa pangarap ko ang mag - asawa ng mayaman. Syempre mas gusto ko pa rin yung lalaki na mamahalin ako bilang ako at ganon din siya. Yung hindi titingnan ang estado sa buhay kundi yung tunay na naratamdaman sa you isang tao. "Hi Albert!" ganting bati naman nitong kaibigan ko. Para naman hindi kami galing sa iisang classroom. Papunta sa canteen ang grupo nila, malamang ay kakain ang mga ito. As usual treat na naman ng boss nila. Madalas ko kasi marinig na nililibre sila ni Joey. Mayaman daw kasi ito. Ako may baon lang akong tubig at bumibili na ako ng biscuits sa labas. Mahal kasi sa canteen. Doble ang presyo. Kailangan kong magtipid kaya malaking bagay iyon sa akin. "Samahan mo ako sa canteen?" yaya sa akin ni Elsie. If I know gusto lang niyang sundan ang mga kaklase namin dahil nandoon si Albert. "Dito na lang ako, hintayin na lang kita. Aaralin ko muna ang problem na binigay ni Sir," palusot ko dito. Bakit pa ako doon pupunta, alam ko naman na nandoon ang mga kaklase namin at mamaya ako naman tuksuhin nila. " Sige na Feliz, ililibre kita. Samahan mo lang ako, please beshie." paglalambing pa nito. Ano pa bang choice ko, wala. " Okay sasamahan kita pero huwag mo na akong ilibre. Okay na ako sa snacks ko." saad ko dito. Tumayo na kami at ikinawit pa nito ang kanyang kamay sa aking braso na para bang bawal akong lumayo sa kanya. Minsan talaga gusto ko itong kurutin sa singit eh. Kapag nakita si Albert ay hindi mapakali. Pagpasok namin ng canteen, biglang kay Joey natuon ang aking paningin. Wala naman akong hinahanap basta pagpasok namin siya kaagad nakita ko. Nagtama ang aming mga mata at una siyang nagbaba ng paningin kaya ibinaling ko na rin sa iba ang paningin ko. Iniwasan ko muling mapunta sa lugar nila ang paningin ko. Lahat naman ng kaklase ko ay binabati ko except kay Joey. Nagkaroon ng harang sa pagitan namin simula ng magsabi itong ihahatid ako. Ano pa ba ang ibig sabihin noon? Kaya doon pa lang ay tinapat ko na ito. Wala pa sa isip ko ang mag boyfriend. Gusto ko munang magtapos, magkaroon ng magandang trabaho at umalis sa lugar kung saan ako nakatira ngayon. Pagkabili ni Elsie ay tinawag ito ni Albert. "Elsie, sandali may sasabihin kami sa inyo." wika nito. Tiningnan ako ni Elsie, "May sasabihin daw sa atin, tara saglit." wika nito at hila hila na ako. " Ano iyon?" tanong nitong kasama ko. " Birthday kasi ni Aaron, invited tayong lahat..Malapit lang naman..Makikikain lang tayo tapos uwian na." rinig kong wika nito sa amin ngunit kay Elsie lang siya nakatingin. Ako naman ay nakikinig lamang sa kanila. Si Aaron ay isa sa mga ka grupo nila. Mababait naman ang mga kaklase namin. Nagkataon lang na inunahan ni Joey ang panliligaw kaya naman nagkaroon ng barricade sa pagitan namin. Wala naman itong ipinakitang masama sa akin. Kaya minsan nakokonsensya din ako dahil madalas iyon ginagawa ng aking magaling na kaibigan. "Sandali lang Albert, mag-uusap lang kami ni Feliz." paalam nito sa kausap "Bestie ano sasama ba tayo? Sandali lang naman at saka lahat naman daw tayo ay kasama. Sandali lang tayo, promise. Eat and run lang tayo. Alam mo naman na hindi rin ako pwedeng gabihin." pangungumbinsi nito sa akin. "Sandali lang tayo doon ha, kapag hindi ka tumupad hindi na tayo best friend," sagot ko dito. "Oo promise," wika nito sabay taas pa ng kaliwang kamay. "Hindi ako naniniwala, kaliwa ang itinaas mo eh." sabi ko dito na pinipigilan ko ang pagtawa ko. "Ay mali pala! Sorry na excited lang po. Heto, promise." itinaas nga muli niya ang kanang kamay niya. "Albert sasama kami ni Feliz. Sabay sabay ba tayong pupunta doon?" baling nito kay Albert. " Oo walking distance lang naman mula dito kaya pwede ng lakarin. Sabihan ko kayo kapag papunta na tayo mamaya. Pagkatapos naman iyon ng last subject natin." ani Albert. " Okay sige, una na kami. Nag bell na." sagot pa nito. Nakasukbit pa rin ang braso nito sa akin habang papunta kami sa classroom. Kasunod naman namin din ang mga boys. Pwede naman akong sumama mamaya basta uuwi din agad kami ni Elsie. Alam naman niya ang oras ng trabaho ko kaya tiwala ako na tutuparin niya sinabi niya kanina. Ginagawa naman nito lahat ng sinasabi niya kaya wala akong trust issues dito. Magsisimula na ang susunod naming subject kaya tahimik na ang lahat. May pagka terror pa naman ang teacher namin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD