NGAYON ANG BIRTHDAY ng aking bestfriend na si Elsie. And yes pinayagan ako ni Sir Jay. At sabi pa niya ay natural sa edad ko ang umaattend ng mga debut. Nagpasalamat talaga ako kay Sir Jay na pinayagan ako na maka attend mamayang gabi. Sa isang private resort ito gagawin at malapit lang din naman. Ihahatid ako ni Manong Rey. Itetext ko na lang din ito kapag uuwi na ako. Malapit lang kaya pwede mag uwian si Manong Rey. Hindi rin naman papayag si Sir Jay na mag commute ako. Sunday dress lang naman ang dress code, kaya pumili na lang ako sa mga dress na binigay sa akin ni Sir Jay. Napili ko ang dress na kulay avocado. Ang ganda sa paningin at pati ang pagkakayari. Lagpas tuhod ko ang haba, at ang neckline nito ay pa square. Maganda siya kahit simple lang ang design. Mas lalo akong naging da

