"Okay ka na Feliz?" tanong ni Joey pagbalik ko sa aming table. Okay na naman ako, hindi lang talaga maalis sa akin na maging senti kapag napapag-usapan si Inay. Sariwa pa rin ang alaala ng kahapon kaya naman ganito ang aking nararamdaman. Pinilit kong maiba ang mood ko lalo na at kanita kong nag-aalala sa akin si Joey. May program at nasa unahan si Elsie habang nasa likuran niya si Albert. Hindi ko alam kung sila ng dalawa dahil medyo extra sweet na sila. Kasali din ako sa tinawag na 18 candles. Nagbigay lang ako ng message for Elsie and after non ay nag group picture. Sumunod naman at last na ay ang 18 roses kung saan kasali naman si Joey. At si Albert ang ika 18th roses nito. “Mukhang sinagot na ni Elsie si Albert,” ani Joey. Kaya napatingin ako dito. “May sinabi ba sa ‘yo si A

