Feliz's POV Ilang beses na akong niyaya ni Joey na sumama sa kanilang bahay para makilala raw ako ng parents niya. Kung ilang beses na niya akong niyaya ay ganoon din karami akong tumanggi. "Love, kailan kita maipapakilala kung sa tuwing niyayaya kita ay umaayaw ka? Hindi naman nangangain ng tao ang mga magulang ko," tunog nagtatampo nitong turan sa akin. "Malapit na naman ang graduation natin, love. Sa araw na lang na iyon. Magkikita kita naman tayo kaya siguro pwedeng sa araw na lang na iyon," pakiusap ko naman sa kanya. Nahihiya ako at may kasamang takot. Hindi maiaalis sa akin iyon dahil kung saan lang ako galing. Wala na rin akong pamilya. Paano kapag nalaman nila ang buhay ko ay palayuin sa akin si Joey? Ilang linggo na lang at tapos na kami ng grade 12. Panibagong yugto n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


