Matapos ang entrance of colors ay naupo na ako. Sa may malapit sa mga players ako pina-upo ni Joey para makita raw niya at ganahan siyang maglaro. Hindi pa ako nagpapalit ng damit dahil may awarding pa raw mamaya para sa best muse. Walang nagawa si Joey kundi ibigay sa akin ang kanyang jacket at pinatakpan ang aking mga hita at binti. Sobrang conservative pala ng boyfriend ko. Ang team nila ang unang naglaro kalaban ang taga ibang section. Magaling siyang maglaro kaya panigurado na ibabad siya ni coach. Bago magsimula ang laban ay inayos pa niya ang pagkakatakip ng jacket. May ibinulong pa ito bago pumunta sa gitna ng court. “Love, kada three points ko may kapalit na kiss mamaya.” Hindi man lang ako pinasagot muna nito bago tumakbo sa gitna. Ang daya tallaga! Pagkatapos akong halikan

