KABADONG-KABADO si Bea habang hinihintay ang physician ni Basty na lumabas mula sa emergency room. Nasa labas siya ng pinto niyon habang ang mag-asawang Gregorio ay umiiyak sa tabi nila. Sa totoo lang ay hiyang-hiya siya sa mga ito. Hindi niya alam kung paanong haharapin ang mga ito gayong isa siya sa may kasalanan kung bakit inatake sa puso si Basty. Alam niya iyon at hindi naman niya itatanggi. Ngayon ay kinakain siya ng kaniyang konsensya. Sinisisi niya ang sarili dahil kung hinabaan pa niya ang pasensya kay Sydney, hindi niya ito mapapatulan. Sana ay hinayaan na lang niya ito. Naihilamos ni Bea ang mga palad sa kaniyang mukha. Hindi niya inaasahan na ang espesyal na araw na sanang iyon ay mauuwi sa trahedya. At ngayon, aaminin niyang natatakot siya. Humarap siya sa maliit na binta

