CHAPTER 34

1641 Words

KINABUKASAN NA nang magising si Bea. Kaagad niya dinampot ang cellphone upang tawagan ang mama ni Basty. Nahihiya siya dahil ang alam nito ay babalik siya sa gabi ngunit nagdiretso ang kaniyang pagtulog hanggang kinabukasan na. Ilang ring pa muna ang narinig niya sa kabilang linyo bago sagutin ng Tita Vicky niya ang tawag. "Yes, Bea?" tanong nito. "T-Tita, I'm sorry po. Nakatulog po ako," aniya gamit ang napapaos na tinig. Tumayo siya upang tumingin ng damit na isusuot. "It's okay, hija. Nandito naman ang Tito mo at dumaan kanina ang Ate Berna mo. Magpahinga ka na lang muna." Kinagat ni Bea ang ibabang labi. Kahit na ganoon ang sinabi nito, hindi pa rin maiwasan na mahiya siya sa mga ito. Huminga siya nang malalim. "Kumusta po si Basty? Nagising na po ba siya?" "Hindi pa rin, hija."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD