Tristan’s Point of View Inuwi namin si Diane sa mansion na basang basa. Inabutan kami ni Tonyo ng mga tuwalya bago kami umuwi sa bahay pero hindi nawala ang panginginig ni Diane. “Jesus na batang ito bakit basang-basa kayo?” tanong ni nana Puring noong pumasok kami nang bahay na buhat-buhat ko si Diane dahil sa ginaw. She looked so small. So vulnerable in my arms. And right know I want to kill someone to take away her pain. And this feeling scares me. “Nana, pakibihisan po agad si Diane,” pakiusap ko sa matanda pagkalapag ko kay Diane sa kama nito. “Ako na ang bahala dito, hijo. Magpalit ka na rin at baka magkasakit ka pa,” sabi nito. “Sige po. Babalik po ako bago po ako matulog.” Tumango si nana pero hindi na ito tumingin sa akin. Abala na ito sa pag-aasikaso kay Diane na patuloy

