Diane’s Point of View Masakit ang ulo ko at parang ang ginaw. Buti mayro’n akong katabi, I need the body heat. “Diane,” I heard my name pero hindi ko pa kayang dumilat. “You have a fever,” said that voice. “Don't leave…” I pleaded. I need the heat. “You need meds. Babalik ako,” sabi nito. “Hmmm.” Bakit ang sakit ng katawan ko? “Jesus Marioseph. Ang taas ng lagnat mo, Diane.” Teka, si nana Puring ba ang katabi ko kanina? Pero mabango iyong kanina. Si nana amoy langis ng niyog. “Anong araw po ngayon?” tanong ko nang nakapikit pa. “Lunes, hija,” sagot ni nana Puring. “Mayro’n po akong meeting kay Mayor.” Sinubukan kong tumayo. “Diane, kami na muna ang pupunta. Take your rest.” Napatingin ako kay Tristan. Nasa kwarto ko siya? Mukhang kakagising lang din nito dahil magulo pa ang buh

