Tristan’s Point of View Walang umiimik sa van. Ramdam ang init ng ulo ni Diane. Pagkahinto ng van derederetso pumasok si D sa bahay. Parang kasing laki siya ni Ace kung ang pagbabasihan ang bigat ng paa nito. “Lagot ka,” sabi ni Renz na seryoso ang mukha. “Kasi hindi ka muna nagtanong,” sulsol ni Marcus. “Nagmagandang loob na ako. Tigilan niyo ako.” Nauna akong bumaba sa kanila. Sinundan ko si Diane na naghhintay na sa sala at nakapamewang. “Why did you do that?” tanong nito. “Did what?” I replied innocently. Pumasok sa bahay ang mga ibang kaibigan namin habang pababa naman ang mga girls na naiwan. Nagtataka ang mga ito na nakatingin sa amin. “Oh, come on. You just paid 80 million!” galit na sagot ni Diane. “You're welcome, I guess.” “You don’t get it, do you?” “Hindi ko talaga

