"Sometimes, it's hard to find words to tell you how much you mean to me. A lot of times, I don't say anything at all. But I hope someday, you'll understand, having you is what I live for."
Unedited
Hindi mapakali sa kanyang kinuupuan si Alex. Gusto niyang tumayo at umalis. Gusto niyang iwasan ang lalaki. Pero bakit ngayon pa? Ngayong nandito na ang lalaki? Dapat kanina pa nang hindi pa ito dumating. Hindi ba gusto niya rin ulit marinig ang boses nito na siyang naging dahilan nang mabilis na pagtibok ng kayang puso.
Pumasok si Hector sa may kalakihang gazebo na malapit sa swimming pool. Nakaupo sa kanang bahagi si Alex. Pinili naman niyang umupo sa harapan nito. Sa gitna ay may katamtamang laki ng mesa na gawa sa magandang uri ng kahoy.
Pinakatitigan niya ang dalaga na halata sa mukha ang pagkabalisa. Nakakuyom ang mga kamao nito sa ibabaw ng mesa. Gusto niya iyong hawakan at ikulong sa sariling mga palad. Ngunit nagdadalawang isip siya na baka may makakita sa kanila. Lalong-lalo na si Luis.
Huminga nang malalim si Hector. Nanatili ring tahimik si Alex na tila ba hinihintay na magsalita siya. Isang beses pa ulit huminga nang malalim ang binata bago kinausap ang dalaga na nakayuko na.
"Alex?" tumingala ito nang tawagin niya. "So--sorry. Hindi ko sinasadya na ha--"
"Huwag! Please. Huwag kang humingi ng sorry. Para mo na ring sinabi na isa lang ako sa mga babae mo, kuya Hector. Mahalaga sa akin ang h---," huminto siya sandali. Ayaw niyang banggitin ang salitang iyon. Nadudurog ang kanyang puso dahil sa paghingi ng tawad ni Hector. Ni minsan hindi pa niya naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Kaya masakit sa kanya na marinig ang pag hingi nito ng sorry.
"Basta mahalaga sa akin 'yon. Huwag mong iparamdam na isang iyong pagkakamali dahil mahalaga sa akin 'yon," nag-iwas ng tingin si Alex pagkatapos sabihin ang nararamdaman niya.
Damn it! Mura niya sa sarili. "Huwag kang magalit. Hindi iyon isang pagkakamali. Humihingi ako ng tawad dahil pakiramdam ko, nabastos kita. Pakiramdam ko sinamantala ko ang kahinaan mo. Iyon ang hinihingi ko ng tawad. Hindi dahil sa nagsisisi ako na hinalikan kita."
Nakita niyang palihim na nagpahid ng pisngi ang dalaga.
"Huwag ka nang umiyak, okay? Alex... humarap ka sa akin,"
Dahan-dahan ang ginawang pagharap ni Alex sa kanya. Nakayuko ito at pilit itinatago ang wala pa ring tigil na pagdaloy ng kanyang mga luha.
"Look at me. Come on." Malambing na utos niya sa dalaga.
Nag-aalangan at dahan-dahan ang ginawang pag-angat ng ulo ni Alex. Basa ang pisngi nito dahil sa walang patid na pagdaloy ng kanyang mga luha.
Gusto niyang lapitan ang dalaga ngunit hindi niya magawa. Kapag nilapitan niya ito, alam niya sa sarili na hindi lang simpleng pang-aalo ang magagawa niya. Baka mahalikan na naman niya ulit ang dalaga. Namiss niya nang sobra si Alex. Ilang araw din niyang tiniis na hindi ito tawagan na dati-rati naman ay ginagawa niya at nakikipagkulitan dito.
Malapit sa kanilang magkakaibigan si Alex at iba pang kapatid ng kanyang mga kaibigan. Dito lang nabuhos ang atensyon ng lahat dahil sa hindi ito nakakakita. Kung ano man ang dahilan ng pagkabulag nito,.hindi rin niya alam.
"Okay ka na?" kinuha niya ang puting panyo sa bulsa ng suot nitong suit at inabot iyon sa dalaga.
"Okay na ako, kuya Hector." She slowly stood up and grab the cane.beside her. "Pupuntahan ko lang si kuya," aniya saka nagsimula nang baybayin ang daan pabalik sa loob ng kanilang bahay.
For the past four years na hindi siya nakakakita, memoryado na niya ang loob at labas ng kanilang bahay.
Tumayo na rin si Hector at tahimik na sinundan ang dalaga. Pagdating sa harapan ng pintuan, si Hector sana ang magbubukas ng pintuan para rito ngunit nauna nang hinawakan ni Alex ang doorknob. Pagbukas niya, tama namang pabalik na rin sana si Luis sa gazebo.
"Nandito ka na pala, Hector. Napadaan ka yata?" sabay kuha sa kamay ng kapatid niyang hawak-hawak ni Hector.
"Gusto ko sanang yayain si Alex, mamasyal mamaya kung okay lang sa 'yo?" pumasok na rin ito sa loob pagkatapos maipasok ni Luis si Alex.
Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang naramdaman ni Alex nang marinig ang sinabi ni Hector. Nagdiriwang ang kanyang puso. Noon pa man sumasama na siya sa mga kaibigan ng kanyang kuya upang mamasyal. Ilang beses na rin siyang sumama kay Hector noon ngunit, iba na ang sitwasyon ngayon. Nang dahil sa simpleng nakaw na halik na pinagsaluhan nila, may kung anong pakiramdam ang nabuhay sa kaloob-looban niya.
"Ingatan mo ang kapatid ko. Kapag may nangyaring masama sa kanya---"
"Pupugutan talaga kita ng ulo." Natatawang putol niya sa sasabihin pa sana ng kaibigan.
"Buti alam mo."
Naglalakad na sila patungo sa malawak na sala ng bahay. Nakahawak ang kamay ni Hector sa kamay ng dalaga. Okay lang iyon dahil dati na naman nila iyong ginagawa. Ang kaibahan lang, hindi na iyon hawak nang nagtuturingan bilang magkapatid. Kung ano man ang ibig sabihin no'n, uumpisahan na nilang tuklasin ni Alex mamaya. Sa unang paglabas nila pagkatapos ng kanilang matamis na unang halik.
"What happened again, Mr. CEO?" Nanggagalaiting bungad ng isa board director na ayaw talagang pamunuan niya ang kumpanya.
Nagkalat na naman ang kanyang mga larawan sa buong members. f**k those paparazzi.
"Do I, really have to explain about that, Mr. Lopez? Hindi naman siguro kayo bulag o tanga na hindi malaman kung ano ang nangyari sa akin by just looking in this f*****g pictures na kayo rin naman ang may pakana!"
Si Mr. Lopez ang isa sa may pinakamalaking share sa kumpanya ng ama ni Hector. Kaya noong mamatay ang kanyang ama, alam niyang isa ito sa mga nagbunyi sa pagkawala ng kanyang mga magulang sa pag-aakala na sa wakas makakamit na nila ang posisyon na matagal na nilang inaasam.
Ngunit dahil mas marami pa rin ang may ayaw kay Mr. Lopez dahil sa sama ng ugali nito at hindi hamak na mas malaki pa rin ang shares na iniwan ng kanyang mga magulang, si Hector pa rin ang naging bagong CEO ng Jazz Airlines.
"Hindi magandang image 'to para sa kumpanya! Kung nandito lang ang ama--"
"Kung nandito lang ang ama ko, e 'di sana hindi ko kayo pinag-aaksayahan ng panahon ko. Ito lang ba ang dahilan nang emergency meeting na ito, Mr. Lopez?"
Hindi na sumagot ang may edad ng lalaki. Tumayo na rin si Hector at pasipol-sipol pang lumabas ng board room. Hindi ang isang kulubot na si Mr. Lopez makakasira sa napakaganda niyang araw.
"Good morning!" bati niyang may malawak na mga ngiti sa labi sa lahat ng mga empleyadong nararaanan niya habang naglalakad papunta ng kanyang opisina.
Hindi siya masungit ngunit hindi rin naman niya ugaling batiin ang lahat. Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang ibahagi ang kasiyahan at kagandahan ng kanyang araw sa lahat.
Nang makapasok sa loob ng kanyang opisina, bigla itong huminto at nagulat na lang ang nakasunod na sekretarya nang bumirit na ito na sinabayan pa nang pagsayaw.
It might seem crazy what I'm about to say. Sunshine she's here, you can take a break, I'm a hot air balloon that could go to space, With the air, like I don't care, baby, by the way
Because I'm happy. Clap along if you feel like a room without a roof. Because I'm happy

Lihim na natawa ang kanyang sekretarya. Ngayon lang ukit niya nakitang ganito ka saya ang binata simula nang sabay na nawala ang mga magulang nito. Huminto si Hector sa pagkanta at pagsasayaw. Hinarap niya ang sekretarya na pilit namang itinago ang mga ngiti sa labi.
"Ilabas mo 'yan, Art. Masamang hangin 'yan kung nagkataon," aniya sa kuwarenta anyos na lalaki.
Hindi na napigilang humalakhak ni Art nang magsimula na namang sumayaw si Hector. At sa pagkakatong ito, macho dancing naman ang ginawa niya. Itinaas nito ang dalawang braso nang pinaikot-ikot na sinabayad nang paggiling ng kanyang katawan.
"Sir, kumanta na lang po kayo. Ang sagwa n'yong tingnan kapag sumasayaw," anitong nakahawak sa bandang tiyan.
Alas kuwarto ng hapon, nagsimula ng maghanda si Alex. Hindi niya ugali ang humingi ng tulong sa pag-aayos ng kanyang sarili. Ngunit sa pagkakataong ito, kailangan niyang masiguro na maganda at maayos siya sa paningin ni Hector.
"Ate Alex? Kailangan niyo raw po ako?"
"Tuloy ka, Cindy," utos niya sa dalagitang nakasungaw ang ulo sa may pintuan. "Ano sa tingin mo? Okay na ba ang ayos ko?"
She was wearing a black dress with knee length. Lace naman ang design ng bandang balikat kung saan bahagyang nakikita ang makinis at maputi niyang balikat.
"Mas lalo po kayong gumanda, ate Alex!" excited na saad ni Cindy.
"Talaga? Pero wala pa akong make-up. Maglalagay pa ba ako?" aniyang sapo ang pisngi. Kinakabahan siya. Hindi rin niya ugaling maglagay ng make-up at hindi niya alam kung babagay ba sa kanya ang make-up.
"Ako ang bahala riyan, ate Alex."
Nag-aaral ng cosmetology si Cindy. Gusto kasi niyang sumunod sa kapatid nitong nakapagtrabaho sa Dubai sa isang salon na kadalasan ay mga sikat na artista ng Dubai ang kanilang customer.
Exactly five pm in the the afternoon, dumating si Hector para sunduin si Alex. Naghihintay na rin ito sa sala kasama si Cindy.
"Nandiyan na siya, ate Alex!" kinikilig na bulong ng dalaga sa kanya. Pareho silang nakaupo sa malaking sofa.
"Ano'ng itsura niya?" excited na tanong niya.
"Ang guwapo po! Pakilala n'yo po ako, please? Makamayan ko man lang okay na!"
Natatawang inirapan niya ang dalaga. Twenty two years old na ito ngunit wala pa ring boyfriend. Mahigpit itong pinagbawalan ng kanyang mga magulang na bawal muna siyang magka-boyfriend. Tuparin daw muna niya ang pangarap na makapunta ng Dubai.
"Hi!" masiglang bati ni Hector sa kanila.
Nakangiting tumayo si Alex at humarap sa binata. Hinawakan siya ni Hector sa balikat dahil nakatingin ito sa kaliwa. Nasa kanan naman nakatayo si Hector. Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha.
Nakamahiya! Yumuko siya para itago ang pamumula ng pisngi.
"Hi, Cindy!"
"Kilala mo po ako?" napamulagat na tanong ng dalaga.
"Sinabi ko sa kanya," sagot naman ni Alex na nakabawi na sa pagkapahiya.
Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga. Nagmadali itong dinukot ang kanyang cellphone at nagpa-picture kasama silang dalawa.
"Salamat po! Enjoy your date!" ani Cindy pagkatapos magpa-picture.
Natawa naman sila sa sinabi ng papalayong dalaga.
"Date ba talaga 'to, kuya Hector?"
Kinuha ni Hector ang isang kamay niya at dinampian ng halik. "Kung okay lang sa 'yo, ate Alex?"
Hindi na nakuhang sumagot ni Alex. Tila may bumara na na sa kanyang lalamunan. Kinikilig na hindi niya maipaliwanag lalo na nang hinalikan ni Hector ang kanyang kamay. Hindi ba puwedeng sa lips? Saad ng kanyang isip.
Tumango na lang siya. Baka kasi masabi pa niya kung ano ang nasa isip niya. Pero laking gulat niya nang maramdaman na may mainit na hiningang dumampi sa kanyang mukha.
"Can I, kiss you?"
Ayun! Nabasa niya ang iniisip mo! Nagbubuying saad ng kanyang isip.
Hindi pa rin siya nakasagot. She jus nodded in reply. At sa pangalawang pagkakataon, muling naglapat ang kanilang mga labi.
Itutuloy_______
Hanggang dito na lang muna. Hindi ako maka-concentrate. Kinikilig ako! Hahaha. Kayo rin ba?
Comment and like po kayo. Salamat!
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤