Chapter 3

2040 Words
"If I could be anything in the world I would want to be a teardrop because I would be born in your eyes, live on your cheeks, and die on your lips." Unedited "Let's go!" pagkuway saad ni Hector matapos ulit ma angkin ang mga labi ng dalaga. Magkadikit pa rin ang kanilang mga noo at hawak-hawak pa rin niya ang pisngi ng dalaga. Kinapa ni Alex ang mukha ni Hector hanggang sa matunton nito ang matangos na ilong ng binata. "Perfect," at dahil hindi hamak na mas matangkad ang lalaki kaysa sa kanya sa taas nitong five feet and eleven inches, she, stood on tiptoe and kiss Hector's nose. "I can't wait to see, you," "Don't worry. Makikita mo rin ako." Magkahawak ang mga kamay at kapwa may mga ngiti sa labi na tinungo ng dalawa ang red and black combination na sports car ng binata na naghihintay sa labas ng bahay nina Alex. Inalalayan ni Hector ang dalaga na makapasok sa loob ng kotse.Hinawakan niya ang ulo ng dalaga at isang kamay niti saka dahan-dahang pinaupo. Inayos din nito ang laylayan ng damit ni Alex na bahagyang nilipad ng hangin. "Nice legs," aniya nang makita ang animoy perpektong ginuhit na mga binti ng dalaga. "Thanks," nakangiting sagot naman ni Alex na agad itinuon ang atensyon sa harapan ng kotse. Nangingiti na naman ang kanyang puso. Iba pala kapag may ibang tao na bukod sa iyong pamilya ang makaka-appreciate ng kung ano'ng kagandahan ang meron ka. Lalo na kapag opposite s*x mo ang humanga sa 'yo. Kinikilig ka. Bigla-bigla mo na lang mararamdaman ang pang iinit ng iyong mukha sa simpleng mga salita niya lang. Ganito na siguro ang ibig sabihin ng butterfly in your stomach. Sa edad na dalawampu't pitong taong gulang, hindi pa naranasan ni Alex ang magkagusto sa isang lalaki. Mas ini-enjoy niya ang pagiging dalaga kasama ang kanyang kuya at pamilya. Walang puwang sa kanya ang mga manliligaw noong nag-aaral pa siya ng high school. Noon pa man alam na niyang maganda ang hugis ng kanyang mga binti. Long legged na makinis at maputi. Nagmana niya sa ina na isang modelo noong kabataan nito bago pa man ito naging isang nurse na ngayon ay head nurse na sa isang pribadong hospital. "Seatbelt." Napaigtad si Alex sa kinauupuan niya. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ang binata at ngayon ramdam na naman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha habang ikinakabit ni Hector ang kanyang seatbelt. Nakaka-addict ang amoy ng binata. Hindi masakit sa ilong ang gamit nitong pabango. Mas nangingibabaw pa rin ang bagong paligo na amoy ng lalaki. "Breath. Ayaw ko pang mawala ka," anito saka mahinang tumawa. Nakahinga naman nang maluwag si Alex nang maramdaman nitong bumalik na sa kanyang upuan ang lalaki. "Saan tayo pupunta?" "You'll find out later, sweetie," Bigla siyang napalingon sa gawi ng binata. "Sweetie....?" "You don't like it, sweetie?" "N--no... nagulat lang ako. I like it, kuya Hector," Biglang nalaglag ang mga maskuladong balikat ng binata nang tawagin pa rin siyang kuya ni Alex. "Hindi ka ba na aasiwa na tawagin akong kuya? We kissed already so many times and I just called sweetie, but then, you, still call me kuya Hector?" dismayado na saad ng lalaki bago pinaandar ang sasakyan nitong Bugatti. "Huwag ka nang magalit," malambing na sagot nito. Sinubukan niyang hanapin ang kamay ng binata sa pag-aakala na nasa gearshift ito ng kotse. Ngunit ang hita ng lalaki ang nahawakan niya. Agad niyang binawi ang kaliwang kamay nang maramdaman na hindi iyon ang gusto niyang mahawakan. Pakiramdam ni Alex may libo-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa buong katawan niya. Nag-init na naman ang pisngi niya. Nasisiguro niyang mukhang kamatis na naman sa pula ang maliit at heart shape niyang mukha. Umupo siya nang maayos saka deretsong tumingin sa harapan. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang sana hawakan ang kamay mo," Walang pasabi na kinuha ni Hector ang kamay niya and bring it into his lap. "Okay na ako. Basta huwag mo lang alisin itong kamay mo," sabay halik niya sa kamay ng dalaga. Nahihiya man, pinagbigyan na niya ang binata sa kagustuhan nitong manatili ang kamay niya sa kandungan nito. Hindi alam ni Alex kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya kanina nang maramdaman ang lungkot sa boses ni Hector dahil tinawag pa rin niya itong kuya. May dahilan siya kung bakit niya iyon ginawa. Oo nga't ilang beses na naglapat ang mga labi nila ng binata, nguniti gusto pa rin niyang makasiguro sa kanyang nararamdaman. Kasisimula pa lang nila. Hindi nga niya alam kung ano'ng tawag sa kanila ni Hector. Alam niya ang background ng lalaki. Noon paman binalaan na siya ng kanyang kuya Luis na puwede siyang magkagusto sa mga kaibigan nito maliban kay Hector at Diego na parehong playboy. Natatakot siya sa maaaring hawin ng kanyang kuya kapag nalaman nito na may kaunti silang pag-uumawaan ni Hector. Sa ngayon, mag-e-enjoy na muna siya sa kung ano'ng meron sila ng lalaki. ~~~ "Nandito na tayo," pag-aanunsyo ni Hector pagkatapos na mai-park ang sasakyan. "Hindi kaya ako, hahanapin ni kuya? Malayo-layo rin 'tong pinuntahan natin hindi ba?" Tinanggal ni Hector ang kanyang seatbelt. "Nagpaalam naman ako na dadalhin kita rito sa rest house namin," aniya habang tinanggal din ang seatbelt ng dalaga. Na unang lumabas si Hector. Umikot siya sa gawi ng dalaga saka ito inalalayan na makalabas. Napahalukipkip si Alex nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mga braso. Nakalimutan niya palang magdala ng cardigan. Ang akala kasi niys ay kakain lang sila sa labas pagkatapos ay mamasyal sandali at uuwi rin naman kaagad. Hindi niya akalain na dadalhin siya ng binata sa rest house nito. Malapit sa dagat ang rest house na pagmamay-ari ng pamilya ni Hector. Minana iyon ng kanyang ama sa mga magulang nito na ngayon ay siya na ang nagmamay-ari. Hinubad nito ang suot niyang maong na jacket saka ipinatong sa balikat ng dalaga. "Let's go?" Ngumiti at tumango naman si Alex. Napasinghap siya nang hapitin ni Hector ang maliit niyang beywang saka siya iginiya patungo sa bahay. Isang two stories wooden rest house na pinalibutan ng bakod na gawa sa kahoy. Ilang dipa lang ang layo niyon sa dagat. Nag-aagaw dilim na nang dumating sila. Sinadya iyon ni Hector na pumunta ng ganoong oras upang makita nila ang paglubog ng araw. "I, wish, I could comeback here na kasama ka. Sabay nating panoorin ang papalubog na araw," ani Alex nang may makitang kaunting kulay ng papalubog na araw. Nasa dalampasigan na sila ng binata. Yakap siya si Hector mula sa likuran habang nasa kanang balikat naman niya nakapatong ang ulo nito. "I, promise. Babalik tayo rito," Pumikit si Alex at dinama ang naghalong lamig at init na simoy ng hangin sa kanyang mukha na dulot ng papalubog na araw. Nanatili silang nakatayo at magkayakap hanggang sa tuluyan nang nawala ang haring araw. "Come! I, have a surprise for you," excited siyang hinila ni Hector sa 'di malamang direksyon. Nagpahila siya sa binata kung saan man siya nito gustong dalhin. Alam niyang hindi naman siya ipapahamak ni Hector. Ramdam niya iyon. Ramdam niya kung paano siya pahalagahan ng binata. Hindi bilang kapatid ng matalik nitong kaibigan. Kundi bilang isang babae na espesyal para dito. "Nandito na tayo!" saad nito sa kanya. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nasa dalampasigan pa rin sila dahil naririnig pa rin niya hampas ng mga alon. Hinawakan siya ni Hector sa magkabilang braso saka pinaupo. Ginagap ng mga kamay niya kung ano ang nasa harapan niya, only to find out na may mesa roon. Ang pinapangarap niyang kumain sa tabing dagat gaya na lang sa napanood niyang Korean drama na boys over flower. Napaka-romantic iyon para kay Alex. Naalala tuloy niya na kasama pala niyang nanonood si Hector noon sa bahay nila. "Remember this?" Maya-maya pa, narinig na niya ang theme song ng naturang korean drama. Isa rin siya sa mga kababaihang nahumaling sa drama na iyon. Kung kaya pati theme song ay memoryado rin niya. "Thank you, sweetie..." Si Hector naman ang na surpresa nang tawagin siya nitong sweetie. "Say it again, sweetie? Please?" "Sweetie. Sweetie. Sweetie!" paulit-ulit na saad ng dalaga. Parang baliw naman ngumiti si Hector. Pati tuloy ang sekretarya niya ginawa niyang waiter sa date nila ni Alex ay nahawa na rin sa katatawa niya. Pinandilatan niya ito at sininyasang huwag maingay. Baka kasi hindi lang mapalagay ang dalaga kung malaman niyang may ibang tao silang kasama. Kaya nga niya ito dinala roon para makaiwas sila kay Luis. Alam niyang nag-aalala si Alex na malaman ng kuya nito ang tungkol sa kanila. Nakaupo na rin ito sa harapan ng dalaga. Pabilog naman ang mesa sa pagitan nila. Kulay puti ang table cloth. Katulad ng nakita noon ni Alex sa drama, may buko rin sa mesa at iba't ibang uri ng seafoods. Pagkatapos nang masayang hapunan nila sa tabing dagat, inihanda naman ng sekretarya ni Hector ang bonfire pati na ang uupuan nilang kumot. "Kumain ka na pagkatapos mo riyan," bulong nito sa sekretarya na naglalagay ng dalawang maliit na unan sa gitna ng inilatag nitong puti na kumot sa buhangin. "Okay, sir. Tumawag nga pala si, Doctor Luis. Ipinapatonong niya kung ano'ng oras mo ihahatid si Miss Alex. Ano'ng sasabihin ko?" Sinulyapan muna nito ang dalaga na nakikipaglaro sa kanyang aso. Dinala rin kasi ito ng sekretarya niya. "We will stay here until tomorrow," sabay talikod niya. Bukas na niya haharapin si Luis. Ang mahalaga, makasama niya si Alex. Sigurado naman siyang hindi magagalit si Luis, dahil hindi lang naman ito ang unang beses na nag-over night si Alex na kasama siya. "Hey! I prepared something na alam kong magugustuhan mo," "Ikaw ba talaga o ang sekretarya mo? Akala mo siguro hindi ko malalaman huh?" ani Alex habang ginugulo ang buhok ng golden Labrador nitong aso. Napakamot nang wala sa oras sa kanyang ulo ang binata. Nahuli tuloy siya. Nakalimutan niyang mas matalas ang pandama ng mga hindi nakakakita. "Thank you, Miss Alex," pagkuway sabad ng sekretarya nito at mabilis na tumakbo papalayo sa kanilang dalawa. ~~~ Habang tumatagal, mas lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Salamat sa binata pa rin niyang sekretarya dahil sa ginawa nitong.bonfire. Hindi lalamigin ang kanyang.sweetie. Nakaupo si Hector habang nakahiga naman ang dalaga sa kandungan niya katabi ang aso nitongnitong si Lick. "Paano kapag sinabi ng kuya mo na layuan mo ako, Alex. Papayag ka ba?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. "Hindi niya gagawin 'yon. Mas magiging masaya pa nga siya dahil isang kaibigan niya ang nagustuhan ko, right, Lick?" Kumahol naman ang aso na para bang naiintindihan din nito ang pinag-uusapan nilang dalawa saka ito tumayo at tumakbo pabalik sa bahay nang marinig na tinatawag ito ng sekretarya ni Hector. "Good boy!" nakangiting nilagyan ng unan ni Hector ang ulo ni Alex saka ito humiga sa tabi ng dalaga. "Marami bang mga bituin ngayon?" Inangat niya ang ulo ng dalaga saka kinuha ang unan bago pipinahiga ulit ang dalaga sa kanyang braso. "Marami rin. One, two, three--" "Tumigil ka nga!" mahinang humalakhak si Alex. "Abutin ka lang ng isang taon, hindi mo pa nabibilang ang mga 'yan," "Alex?" tumagiltumagilid siya paharap dito. "Hhmm?" humarap din siya sa lalaki, "Mahal na yata kita. Siguro nga noon pa kita minahal pero binalewala ko iyon sa pag-aakalang kapatid lang ang turing ko sa 'yo. Kaya mo bang magmahal ng tulad kong playboy?" "Hindi pa kita kayang sagutin ngayon, kuya Hector. Ang alama ko lang, masayang-masaya ako ngayon dahil kasama kita. This feeling is new to me. Wala akong karanasan sa pagmamahal. Pero kung pagmamahal mang maituturing itong nararamdaman ko ngayon, siguro nga mahal na rin kita," Nanatili silang magkaharap habang nakahiga. Nakatitig lang si Hector sa maamong mukha ng dalaga habang nakapikit na ito. Habang nakapikit, pinakiramdaman naman ni Alex ang sarili lalo na ang kanyang puso na parang may nag-uunahan na namang kabayo sa loob nito sa sobrang lakas nang pagkabog. Itutuloy________ Salamat mga Loves! Ang daming magmamahal kay Hector at Alex! Woooow! Salamat sa pagbabasa ninyo pati na sa mga komento. Sana tuloy-tuloy lang kayo huh? Huwag niyo akong iwan. Minsan natatagalan talaga ang update ko. Peace tayo riyan! God bless Love...Love... iamdreamer28 ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD