Chapter 23 (SPG) NAKANGITI akong pinagmamasdan ang wedding ring na nasa ring finger ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na asawa ko na talaga si mayor. "Kinikilig ka parin, love?" Biglang tanong sa 'kin ng asawa ko. Ngumiti ako saka ako tumango. "Kasal na talaga tayo. Siguro may halo yung juice na pinainum mo sa 'kin kanina kaya ako pumayag." Sabi ko kaya mahina siyang natawa. "Oo meron. May halong pagmamahal yun." Sagot niya sabay kindat sa 'kin. "Ewan ko sa'yo. Pero i love you parin kahit malandi kang mayor." Nakangiti kong sabi. Naglakad siya papunta sa 'kin at inilapag sa mesa ang niluto niyang ulam. Agad niyang dinampian ng halik ang noo ko kaya napangiti ako. "Asawa na talaga kita Elizabeth. Kurutin mo nga ako at baka nanaginip na naman ako." utos niya sa 'kin.

