Chapter 24 SABADO ngayon kaya naghahanda na ako para sa pag alis namin ni mama. Hindi ko pa nasasabi sakanila na kasal na ako kay mayor. Maaga kasi kaming aalis ngayon kaya 2AM pa lang ay gising na ako. Ginising kasi ako ng ng asawa ko sa pamamagitan ng tawag sa cellphone. Pinipigilan ako ni mayor na umalis ngunit hindi naman pwede dahil walang kasama ang mama ko. Gusto din sana niyang sumama ngunit may importanteng meeting si mayor. Balak sana niyang hindi pumunta at samahan ako ngunit hindi ako pumayag dahil saglit lang naman talaga kami ni mama. Sa linggo din kasi ng gabi ang balik namin. Kahit takot na takot akong sumakay sa ferry boat ay sasamahan ko parin si mama. Hindi kasi ako marunong lumangoy. Naalala ko pa dati sa t’wing bumabyahe kami ni mama at sumasakay sa ferry ay lagi a

